SteemitPhilippines Music - Born Free(cover)

in hive-169461 •  3 years ago 

Born Free? Sarap pakinggan na isinilang kang malaya, mamumuhay na malaya ngunit paano na ang buhay sa isang taong malaya kung ito ay nakagapos sa isang kahapon na dinadala hanggang ngayon? Ang buhay konay walang kalayaan simula't sapul. Heto ako sa mahabang panahon, naging alipin sa mga banyaga. Gigustuhin ko na sanang kumawala sa hawla na ito ngunit ang tadhana ay sadyang mapagbiro. Kung kailan ko na sanang hatakun ang baging buhay ay dumaring ang isang balakid na nagdurog sa aking damdamin. Isang uri ng pagsubok kung kailan sana ay gagawin ko ang para sa sarili ko ay hinahadlangan pa ng tadhana ko . Ito amg buhay na mayroon ako ngayon na akala ng iba ako ay masaya.

Bilang kaibigan din, napansin ko na ako ay iniwanan nila. Diko alam kung saan ako nagkukulang, ginawa ko rin ang lahat para sila ay aking mapasaya ngunit ang saklap iiwanan lang pala. Masakit sa damdamin pero wala talaga akong laya.. Minsan at paminsan minsan lang naman akong nangarap pero pinaglaruan lang pala.

Sa larangan ng pagmamahal, ako rin ay nagmamahal. Bahagi ng buhay ko bilang tao ngunit pinaglaruan lang nila ang tunay na pagmamahal ko dahil sila ay walang puso. Ginagago nila ang pagmamahal ko. Bakit ganun? Bakit ganyan ang buhay ko? Palagi nalang niloloko porke ganito lang ako. Sinusunod ko naman ang damdamin ko na magmahal sana ng walang biro pero nilalaro lang pala nila ang damdamin ko. Masakit kaya, tao din ako na masasaktan at hindi po ako Hayop na sadyang ganyan lang ang gagawin ninyo. Wala kayong awa, wala kayong puso at wala kayong bituka. Yan ba ang isusukli ninyo sa mga taong nagmamahal at pinangalagaan kayo ng buong buo? May damdamin din akong nasasaktan tuwing ipinagmukha ninyo ang aking katangahan. Kasalanan ko man, pero itanong ko lang , kasalanan ba ang tunay na pagmamahal? Kasalanan bang ikaw ang minahal ko? Sana isinilang tayong malaya sa lahat na bagay tulad sa kantang ito.

Hay naku buhay, daghan pagmahay!😔😔😔
Pero pag babangon si Inday, humanda kayong mapang api dahil ang buhay ay minsan nasa ilalim man ay matikman ding mapataas ito.🙏🙏🙏.

Hahahaha, parang totoo hugot ni Nanay Deevi! Maraming salamat sa pagdinig sa kanta at pagbasa sa hinanakit sa madla.


Lyrics: Born Free

Born free
As free as the wind blows
As free as the grass grows
Born free to follow your heart
Live free
And beauty surrounds you
The world still astounds you
Each time you look at a star

Stay free
Where no walls divide you
You're free as a roaring tide so there's no need to hide
Born free
And life is worth living
But only worth living
'Cause you're born free

Stay free
Where no walls divide you
You're free as a roaring tide so there's no need to hide
Born free
And life is worth living
But only worth living
'Cause you're born free

Source: Musixmatch
Songwriters: John Barry / Don Black
[Source](Born Free https://g.co/kgs/34Di5n)

Thank you!

Steem On!

@olivia08

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

everyday jd ko nagakanta ate... bahala ug yabag..ang kanta kay mga i have two hands the left and the right kay para ni matti..

born free kay fave sa akong mama

Maka relate sa mga kanta2 lagi jean

with the right song, we can either remember everything or not remember at all hehe

Tama ka Nay, idaan nalang natin sa kanta ang ating stress sa buhay. Marami pa ring dahilan para sumaya tayo.

Nakakatulong din sa sarili at in general.. Sana English para ma intimdihan hehe.

Tama ka Nay, idaan nalang natin sa kanta ang ating stress sa buhay. Marami pa ring dahilan para sumaya tayo.