Ang Dalawang Bahay Namin Sa Bukid

in hive-169461 •  3 years ago 

IMG_20220113_131504.jpg

Masayang araw po sa lahat. Nais ko pong ibahagi sa inyo ang bahay namin sa Argayoso. Ang dalawang bahay na ito ay sa aking lolo at lola at ang isa ay sa aking tiyuhin. Kung tignan nyo maaaring simply lang pero masasabi kong masaya kami tuwing kumakain kahit gulay ang ulam namin araw-araw. Palagi kaming tumatawa sa panahong kaming lahat ay sama-sama at karamay sa lahat ng problema.
These two houses represents how bless we are as a family and contented. Napakasipag ng aking lolo at lola sapagkat sabi nila walang aanihin kung walang itatanim. Ang ginawa nila palagi silang nagtatanim katulad ng saging, kamoteng kahoy, kamote, mais at mga gulay. Minsan naaalala ko noon masaya na kami kung makakain lang kami ng bigas kahit isang beses lang sa isang araw.
Gumigising kami alas kwatro ng umaga upang magkape at pagkatapos maghanda ng mga kagamitan upang bago magsimula lumabas ang araw sinimulan na namin ang pagtatanim. Wala kaming televisyon sa amin kondi isang falcon na brand ng radyo namin. Habang abala kami sa pagtatanim at pagsasaka abala naman ang aming tinga sa pakikining ng mga programa sa radyo.
Tuwing hapon maaga ang lola ko maghanda ng haponan. Alas sa-is pa ng hapon kumakain na kami upang matulog ng maaga kasi maaga pang gumising kinaumagahan upang simulan na naman ang mga dapat gawin. Habang kami ay nakahiga na sa aming higaan, ang sarap pakinggan ang estorya ng aming lolo at lola tungkol sa kanilang mga kaganapan panahon nila noon.
Maaaring boring itong pamumuhay sa iba at walang kulay. Wala kaming wifi at kuryente na hinahanap ng lahat. Walang refrigerator at washing machine sa dalawang bahay nato. Sa puso lang kami kumukuha ng tubig na maiinom. Pero wala man kami sa mga bagay na ito, hindi ito indikasyon upang hindi mabuhay na masaya at makontento sa buhay na bigay ng Panginoon. Ito lang po ang maibahagi ko sa buhay namin to these two houses. To God be all the glory.

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Simpleng Buhay pero Masaya.

  ·  3 years ago (edited)

Hello, this post has been chosen to be recommended for booming support today. Continue creating high-quality content here at Steemit Philippines Community.

Congratulations!

Mindanao Moderator
@long888