Simula na naman ng diarygame contest week # 4 black and white theme. May panibago na naman akung ibahagi sa inyo sa araw na ito. Pero bago yan nagpapasalamat ako sa diyos na ginising at binigyan pa tayo ng malusog na pangangatawan.Stay safe at GOD BLESS sa ating lahat.
Galing ako sa trabaho at saktong gutom na gutom ako pag uwi ko sa bahay hindi kasi ako nag snack sa aming breaktime. Pagdating ko sa bahay nagsaing pa ang aking asawa at wala pang ulam. Maya maya pumunta sa amin ang aking biyanan doon daw kami maghahaponan sa kanila dahil birthday ng pamangkin ko. Hindi ko pa naman nabati ng happy birthday ang aking pamangkin nakalimotan kong kaarawan nya ngayon. Wala rin akong regalo kaya sabi ko nakakahiya naman te. Ang sabi ng biyanan ko okey lang ang mahalaga
magkakasama kami at magkakasalo.
Pagdating namin sa kanila kasama ko ang aking mga kapatid lagpas alas 6 na ng hapon dali dali kong binati ang aking pamangkin. "Happy birthday ate precious " pangalan ng pamangkin ko. Naupo kami habang nag aantay sa mga bisita. Tamang tama nagkakantahan ang mga pamangkin ko at pumili ako ng birthday song at masaya kaming nag aawitan. Nakaparada na ang ibang mga pagkain sa mesa habang abala pa ang aking biyanan sa ibang putahi na hindi pa naluluto. Binigyan din niya ang ibang kapit bahay na hindi makakadalo. Noong nakaraang taon tumutolong talaga ako sa pag luluto kaso ngayon ay may trabaho ako kaya hindi ako nakatulong.
Kinuhanan ko ito ng litrato naisip ko ito ang aking magiging entry Simple lang ang handa may pancit, spaghetti, scabeche, shrimp at tinulang manok may kunting panauhin mga kapit bahay at mga kaibigan ng aking pamangkin. Hindi kasi pwedeng mag anyaya ng marami dahil pandemic. Masaya ang lahat sa kunting salo salo at nakita ko ang labis na tuwa sa kanyang mukha sa araw ng kanyang kaarawan. Noon kasi medyo gipit sila sa pera dahil sa pagpapagawa ng bahay kaya tuwing kaarawan ay tinapay at ice cream lang ang handa ang importanti ay malusog. Tayong mga pilipino nakasanayan natin na tuwing kaarawan ay may salo salo tanda ng pasasalamat sa diyos na binigyan pa tayo ng buhay. Kasali na rin sa ating pasasalamat na binigyan tayo ng malusog na pangangatawan. Nakasanayan ko rin na tuwing kaarawan ay pumupunta kami sa simbahan nagsisindi ng kandila alay sa diyos na binigyan pa tayo ng buhay.
Maraming salamat sa pagbisita at pagbasa ng aking diary. Hanggang dito na lamang lubos akung nagpapasalamat sa steemitphilippines team at sa lahat ng mga leader sa patuloy na pagsuporta.
Inaanyayahan ko si mam @abby0207 mam @kyrie1234 mam @fabio2614 sa patimpalak maraming salamat at Godbless.
@rose0128
Relevance / Adherence to the theme: Black and White Photography - Current Events
30%
Score: 83% 24.9
Visual Impact
The distinctiveness of the photo if a person would actually take a second glance of it and how it stands out from the rest.
30%
Score: 85% 25.5
Photo Quality and Composition:
This applies the basic rules in photography. Subject, background, clarity, sharpness, technique, rule of thirds, etc.
40%
Score: 85% 34
Total Score: 8.44
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Thank you mam
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Thank you po sir
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Hello po,
Maraming salamat sa pagsalit sa ating Photography Contest Week 4.
Sana ay masaya ka dito sa ating Community at maging aktibo pa po kayo sa pagbahagi nang iyong mga posts.
Sa karagdagang Impormasyon, paki bisita po ang ating Community Account at Social Media Accounts.
New Contest Alert:
God Bless po!!!
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit