Ngayong araw na ito, ibabahagi ko po sa inyo ang aking entry sa isa na namang masaya at exciting na contest na inihanda sa atin ng admin at moderators ng kumunidad na ito.
Steemit Philippines Community Contest “Steemit Promotion Through Livelihood Branding”(10-11-2020)
Sa panahon ngayon, mga bilihin na lamang ang nagmamahal pero karamihan sa sahod natin ay walang pagbabago. Marami sa atin ang gustong magka extra income at isang magandang paraan ang pagsisimula ng kahit isang maliit na negosyo. Lahat naman po ay nagsisimula sa maliit. Nasa inyo na kung paano ninyo ito palalaguin. Salamat sa Steemit at sa mga taong bumubuo nito dahil nabibigyan tayo ng pagkakataon na kumita. Tiyaga at dedikasyon lang siguradong mayroon tayong mararating.
Ngayon ipinakikila ko sa inyo ang aking special Steem Maja Blanca. Ang Maja Blanca ay isang panghimagas na gawa sa cornstarch, katas ng niyog at asukal. Ang original na Maja Blanca ay walang sweet corn at gatas pero dahil gusto ko itong gawing mas special, maglalagay ako ng mga additional ingredients. Ang pagkain na ito ay perfect para sa birthday, fiesta lalo na sa pasko at bagong taon.
Ngayon malalaman ninyo ang aking paraan sa pagawa ng aking Steem Maja Blanca.
Mga Sangkap:
Produkto | Sukat |
---|---|
Nestle Cream | 250 ml |
Cococnut Milk | 800 ml |
Fresh Milk | 1 liter |
Evaporated Milk | 370 ml |
White Sugar | 1/4 kilo |
Cornstarch | 800 grams |
Melted Butter | 2 tablespoon |
Sweet Corn | 425 grams |
Condensed Milk | 390 grams |
Salt | 1/2 teaspoon |
Mga Paraan sa Pagluluto:
- Maglagay ng butter sa kawali at paghaluin ang mga liquid na ingredients maliban sa fresh milk. (Cream, condensed milk, coconut milk, evaporated milk) Ilagay na din ang sweet corn kasama ang tubig nito. Ang butter at ang tubig ng sweet corn na nasa lata ay nakakatulong magbigay ng mas malinamnam na lasa sa inyong Maja Blanca.
Siguraduhing katamtaman lamang ang apoy para maisawasan ang pagkasunog ng inyong Maja. Paghaluin at hintayin na kumulo ang lahat ng liquid ingredients.
Habang naghihintay na kumulo, sa hiwalay na kaserola o mangkok paghaluin naman ang asukal, asin at ang cornstarch at tunawin ang mga ito gamit lamang ang fresh milk. Ang asin ay nakakatulong para hindi nakakaumay ang inyong Maja Blanca.
- Pagkakulo ng nasa inyong kawali, ihalo na ang natunaw na cornstarch at asukal. Panatilihin lang ang paghahalo hanggang sa ito ay maging malapot.
- Malalaman mo kung pwede na itong isalin sa lalagyanan kung malapot na ito at hindi na basa.
- Ngayon handa na ang ating Steem Maja Blanca.
Isinalin ko lang ito sa 500 ml na microwaveable tub at ipinagbebenta sa halagang 100 Pesos bawat tub or 5 Steem. Sa lahat ng ingredients na ginamit ko nakagawa ako ng 13 tubs na Steem Maja Blanca. Gumastos ako ng kulang kulang 700 pesos or mga 2 SBD lamang pero kumita ako ng mga 1300 Pesos or 3.75 SBD. Yung pohonan kung 2 SBD tumobo nang mga 1.75 SBD, hindi ba worth it? Dinala ng sister in law ko sa office nila yung 13 tubs at ubos agad hindi pa umabot ng hapon.
Sa mga kaibigan kong steemians na malapit lang sa lugar namin, maari po kayong mag order sa akin. Magcomment lamang po sa post na ito. Within Mactan area lamang po for free delivery kapalit ang inyong 5 Steem.
Inaanyayahan ko ang aking mga kaibigan @jenesa, @kyrie1234 at @mayann na lumahok at magsubmit na ng inyong entry.
Dito lamang po nagtatapos ang post na ito. Salamat sa ating mga moderators at admin for always working hard for us.
parang maganda pagkakamix ng maja mo lai, noong nagluto ako parang sticky kasi
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Baka naparami mo ang cornstarch. Pag ganyan kasi mas sticky at matigas sya pag malamig na.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Contest entry #3
Judge @juichi
Pa order please!
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Wow ang sarap ng steem maja blanca mo maam @rye143. Sa pic pa lang naglaway nako hehehe.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Sarap ng Maja Blanca!
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
One of my favorite Filipino Dessert!!
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Ang sarap naman po nyan. 😊
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Hahahah! Salamat!
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
kalami sa maja,,wa na raba gyud ko ka kaon ani dah
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Judge: @loloy2020
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Sad truth!
Tamang tamang ito para sa mga kasamahan mo sa work at pang extra income. I just want to suggest sana you print out stickers para sa mga microwavable containers ng Maja. Para kita talaga yung branding. Thank you for joining.
Total Rating: 93%
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Yes po. Next time, I will surely include stickers. Thank you!
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit