The Diary Game Season 3 | 11/10/2021 | Another Busy Day

in hive-169461 •  3 years ago 
Hello mga kababayan! Kumusta kayong lahat?

Isa na namang magandang araw ang natapos at masaya kong ibabahagi ito sa inyo. Kagabi, hindi ako nakapagtrabaho sa kadahilanang masakit na naman ang ulo ko. Minabuti ko nlng na magpahinga dahil alam kong marami akong mga bagaynna dapat tapusin kinaumagahan. Maaga akong gumising para ayusin ang mga sinampay na nilabhan ng aking asawa.

Screenshot_2021-11-11-01-14-46-89_c0d35d5c8ea536686f7fb1c9f2f8f274.jpg

Pagkatapos ay naghanda na ako ng aming almusal. Una akong nagsaing ng kanin at nagluto ng itlog at bacon, ang paboritong almusal ng aking asawa.

IMG20211026133416.jpg

Sinunod kong ihanda ang makakain ng aming anak. Mahilig naman sya sa itlog at pancake kaya iyon ang inihanda ko sa kanya.

IMG_20211111_011711.jpg

Pagkatapos naming mag almusal, pinaliguan muna namin si baby, pinatake ng vitamins nya, pinaglaro saglit habang may nursery rhymes na nakaplay sa TV para antukin.

Mga 9:30 ng umaga masarap na tulog nya. Nabigyan ako ng pagkakataon sumaglit sa Supermarket para makapag grocery ng mga gamit ni baby at ibang mga kailangan ko sa pagluluto.

Screenshot_2021-11-11-01-30-46-59_c0d35d5c8ea536686f7fb1c9f2f8f274.jpg

Pagkauwi ko from grocery store nag disinfect muna ako sa banyo at tumabi sa anak pagkatapos para matulog. Nagising si baby ng mga bandang 12:30 kaya kinailangan ko na din bumangon para sa tanghalian. Ang asawa ko na ang naghanda ng aming makakain dahil napasarap ang tulog naming mag ina.

Kinahapunan ay tumulong ako maghanda para sa kaarawan ng aking hipag.

IMG20211024150721.jpg

Nakikain at nakikanta kami sa celebrasyon ng kanyang kaaawan. Isang simpleng salo salo lamang ang aming hinanda kasama ang pamilya at iilang kasama nya sa trabaho.

Natapos ang araw na puno ng pasasalamat at kaligayahan dahil isa na namang masaganang taon ang pinagkaloob ng Maykapal sa buhay ng aking hipag.

Dito na lamang po nagtatapos ang post kong ito. Salamat sa inyong lahat.

About the Author


143.jpg

Greetings! @rye143 works as a Subject Matter Expert in one of the biggest financial institutions in the Philippines. She is a mother of a bubbly and a happy little boy. She enjoys watching anime and loves cooking. Cooking has become her passion and is her stress reliever sometimes. She finds happiness in cooking and she's grateful that she is able to share her passion and skills in this platform while learning from others as well. She would like to extend her appreciation to everyone who works hard for this platform.

***

Achievement 1 Entry

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Ka cute baby...maayo nang busy para iwas stress...Heheheh

Agree sir! May nang naay pagka abalahan.

lamiag buhok oi

Hahaha! pirst taym.

cutie kayong baby nimu ma'am hehe
unya akong mata sab kay naka target locked sa lumpia ug ulang haha