The Daily Diary Game Contest Week 16: 08/10/21-"Sariling Atin"

in hive-169461 •  3 years ago  (edited)

Polish_20210809_130440257.jpg

Magandang buhay! Kumusta kayong lahat dyan! Narito po ang aking pagbabahagi para sa ating kumunidad. Nong nakaraan, kami ay busy sa pagwalis ng among bakuran dahil sa dami ng mga dahon na nagliparan bunga ng lakas mg hangin. Dalawang araw silang naglinis pati na sa loob dahil di maiwasan ang mga alikabok lalo na't ang aming front door ay nakaharap sa habagat! Allergic ako pag ganitong gawain Kaya kinagabihan, uminum na ako ng gamot na antihistamine upang maalis ang pagbabahing ko. Ang results, ang sarap ng tulog ko at walang nagawang post. Lol! Pero okay Lang dahil nakapagpahinga din naman ako. Bago sila umuwi, nagbilin ako na dalhan ako ng niyog para ulam namin at buko. Sila ang taga-dala ko ng buko nuon pa man.

IMG_20210807_140300.jpg

Tubig maluningning para sa kalusugan

Ang sarap namnamin ng preskong tubig maluningning ng niyog! Ito ang natural na gamot ko nong nagkataon ako ng matinding pag-iihi na di ko mapigilan. Halos araw-araw niya akong dinadalhan nito. Syempre binabayaran ko naman sila.

Polish_20210809_065336943.jpg

IMG_20210807_143458.jpg

Naging busy kami sa labas at nong malinis na ang mga tuyong dahon sa ilalim ng gabi (takot ako at baka may ahas), nagpakuha ako ng larawan kay Antonia. Tuwang-tuwa ako na parang bata dahil mas mataas pa sa akin ang dahon na parang payong ko na ang lapad! Kaya nag-selfie talaga ako pagkatapos niyang kunan ng bunga ang ilalim ng punong halaman.

IMG_20210808_144153.jpg

Dinalhan din ako ng buddy namin sa bukid ng sweet corn kaya ang saya ko talaga dahil paborito ko ito at masarap din para sa ginataang gulay namin.

IMG_20210807_124900.jpg

Masaya ako pag nandito sya dahil nag-iisip ako ng kung anong masarap na kaining gulay lalo na kung may gata. Di Kasi kumakain ang mga apo ko nyan kaya ang niluto ko ay yong gusto nila. Alam ko naman na kakain na sila nyan pag malalaki na katulad ng mga anak ko. Kinunan ko sya ng picture habang masaya kaming nagkwentuhan at kumakain ako ng fresh buko.

IMG_20210809_135728.jpg

Kinunan ko muna ng larawan ang malunggay na may bubot na kinuha nya sa likodbahay. Matamis ang sabaw ng gulaw na presko lalo na kung Ito ay galing ito sa iyong Hardin na lalong pinatamis ng gata ng niyog at sweet corn!

Hanggang dito na lamang, magandang araw sa inyong lahat at salamat sa suporta lalo na ang #steemitphilippines community!

Ang inyong lingkod,

@Sarimanok

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Kalami oi pastilan paibog man ka sister

Lami jud tunoan monggay sis....super!

Kalami puro fresh. Kwentuhan at kainan. Masayang buhay.

Tinuod jud day. Ang daku nga bisol ako gilain k ako gilung-ag Kay labo kaayo murag camote hehe

Maraming salamat po sa pagbahagi nang iyong Diary Game post.

Para po sa karagdagang Impormasyon pakibasa po ang mga updates sa ating Community Account.

@steemitphcurator

God Bless po!!!