Steemit Philippines Photography Contest Week #4 - Black and White Photography : Pusong Bato Ka Ba o Maitim Ang Puso Mo?

in hive-169461 •  3 years ago 

Hello everyone!

Hope all are safe and well!

I would like to express my gratitude to Steemit Philippines team and community for the support I received to my first ever #diarygameph. I am inspired to continue joining the contest. Now, that another contest is on going I am writing this post as my entry for the black and white photography contest. 😊 I will use Tagalog in my entry for me to speak comfortably coz I have read that Tagalog is acceptable at the contest. 😊

Let's now go to my official entry! The picture below was taken the other day when I accompanied a friend at Ayala Center Cebu. The lady standing besides the big heart stone is me. The original color of the heart stone is red not black. 😃

20210913_213924.jpg

Pusong Bato Ka Ba o Maitim Ang Puso Mo?

Kelan nga ba nagsimula ang covid-19? Sadyang di maikakaila na sa taong 2019. Halos magdadalawang taon na pala ang pandemyang kinakaharap ng buong mundo. Lubos na pag-aalala at takot ang hatid sa karamihan.

Dito sa Pilipinas sa buwan ng Marso taong 2020 nagsimula ang mga lockdown. Marami ang nabalisa, marami ang nangamba, marami ang di malaman ang gagawin. Isa na ako sa di malaman ang gagawin. Kahit saang terminal ng bus, kahit saang pier, kahit saang paliparan ay nagsisiksikan ang mga tao upang makauwi sa kani-kanilang mga probinsya bago pa maabutan ng lockdown.

Ninais ko rin noon na makauwi sa aming probinsiya. Pero pinigilan ako ng pinagtatrabahuan ko na umuwi dahil ang inaalala lang ay ang maiiwan ko na trabaho. Kaya di natuloy ang pag-uwi at nanatili ako sa Cebu.

Hindi lubos akalain ng lahat na ang simula ng mga lockdown ay ang simula na rin ng tuluyang pagsasara at pagkalugi ng mga negosyo at ng ekonomiya ng bansa. Eto rin ang simula na madami ang nawalan ng trabaho, madami ang nabaon sa utang at madami ang nagutom. Kahit ilang lockdown pa pala ang ipatupad ng gobyerno ay patuloy pa rin na lumulubo ang kaso ng covid.

Dahil sa lockdown apektado ang aking trabaho. Hindi po nagsara ang kompanyang pinagtatrabahuan ko. Sa isang kompanya ng hardware ako nagtatrabaho. Sa accounting po ako, pero dahil sa lockdown ginampanan ko ang trabaho ng karamihan. Napakalaking responsibilidad ang pinasan ko. Hindi ako pwedeng humindi dahil halos lahat ay nawalan ng trabaho pero ako ay meron kahit kalahating araw lang ang pasok namin. Kelangan ko kumayod para sa pamilya. Kelangan ko magtrabaho para ang mga katrabaho ko na di nakauwi ay makapagtrabaho din. Naging all around ako sa mga panahong yun. Ako sa sales, ako sa purchasing, kaliwa't kanan ang telepono, ako pa sa accounting, ako pa sa payroll, ako pa sa banking at ako pa nag asikaso sa mga papeles na kinailangan para sa trucks at mga tao na patuloy na makapagbiyahe kahit pa lockdown. Halos di na ko makapunta ng palikuran at di na rin ako makapag merienda.

Kinailangan ko magpatuloy upang meron sales at collections ang kompanya. Saka upang ang mga drivers at truckmans at iba ay magkaroon ng trabaho. Dahil kung wala akong sales at collections walang pasok ang mga drivers, truckmans at collectors. Wala silang mapagkukunan para sa kanilang pang araw-araw dahil walang ayudang bigay ang aming kompanya bagkus tinipid ang aming sweldo. Akala ko pa naman na kapag nag sales ako ay meron ako kahit 1% na lang sa total sales ko. Nanlumo ako para sa sarili ko dahil halos lahat ng trabaho ay akin pero hindi nasuklian ng tama. Hanggang sa naging no work no pay pa kami. Binigyan lang ako ng konting halaga ng boss ko sa mga na sales ko. Nasaktan ako ng lubusan lalung-lalo na sa pagdating ng buwan ng Disyembre 2020 dahil ang laki ng ibinagsak sa natanggap kong year end pay galing sa kompanya. Ang dinahilan pa ng boss ko ay dahil sa pandemya kaya maliit lang ang naibigay niya sa mga empleyado niya. Kesyo matumal daw ang sales at collections namin. Sa totoo lang hindi kalakihan ang ibinagsak ng sales at collections namin. Hindi lang talaga inisip ng boss ko ang kontribusyon ng mga empleyado sa patuloy na operasyon ng kompanya niya kahit pa sa kasagsagan ng pandemya.

Hanggang ngayon no work no pay pa rin kami kahit pa mga regular holidays ay wala talaga. Hanggang ngayon ay andito pa rin ako sa kompanya dahil walang ibang choice. Mahirap sa ngayon maghanap ng trabaho. Saka madami ako bayarin kaya tiis-tiis lang muna. Buti na lang hindi ako natuloy noon na umuwi sa probinsiya dahil kung natuloy ako siguradong dalawang taon na ako na walang trabaho sa probinsiya. Wala pa naman ipon upang makapagsimula. Nagpapasalamat po ako sa Panginoon na kahit ganito ang sitwasyon ng buhay ko ay pinagpala pa rin ako sapagkat sa compound ng kompanya ako nakatira. Wala na akong iniisip na bayarin sa renta, tubig, kuryente at sa pamasahe. Yan na lang ang pampalubag ng loob ko kahit hindi tama ang pasweldo ng boss ko.

Kaya ang pamagat ko ay para sa boss ko.

Pusong Bato Ka Ba o Maitim Ang Puso Mo?
Bakit di mo makita ang pagod at hirap ng mga empleyado mo para sa kompanya mo?
Bakit kinakaltasan mo pa ang sweldo ng mga tao mo?
Bakit hindi mo sinusunod ang batas na naaayon para sa mga empleyado?
Bakit ginagawa mong rason ang pandemya?
Bakit kung mataas ang sales at collections wala kaming marinig sa iyo?
Bakit kung mababa ang sales at collections dami mo sinsasabi sa amin na mga ganito ganyan?
Bakit? Bakit?
Pusong Bato Ka Ba? Baka naman maitim lang talaga ang puso mo?
Pandemya na nga mas lalo pa namin naramdaman ang pandemya dahil sa iyo.


Sa totoo lang dami ko hinanakit sa boss ko pero sadyang wala pa akong lakas ng loob na masabi sa kanya. Mag-iipon pa ako ng lakas. Sigurado ako masasabi ko rin sa kanya bago ko lisanin ang kompanya niya at makuha ko ang karampatang benepisyo sa serbisyo ko sa loob ng isang dekada.

Mga kaibigan kong Steemians meron po akong itatanong at gustong maliwanagan baka meron kayo alam. Mahigit isang dekada na ako sa kompanyang pinagtatrabahuan ko, obligasyon po ba ng kompanya magbigay ng separation pay sa empleyado kahit kusang loob mag resign ang empleyado? Meron po ba benepisyong matatanggap sa mahigit isang dekadang serbisyo? O walang matatanggap kung voluntary resignation kahit ilang years pa sa serbisyo? Naguguluhan kasi ako! O need ko pumunta sa DOLE para mag report?

Sana po meron makapag suggest sa akin kung ano pwede ko gawin. 😊


I am inviting again @ellechim0816 @flordecar26 @jearo101 to join #steemitphilippines #photography-contestph #steemph-blacknwhite 😊


Have a Blessed Tuesday everyone! 😀😀😀💖💖💖


Thank You Lord for the blessings and love!

Be grateful in every little/simple things and you'll find happiness you ever wanted! 😀😀😀

Everyday is worth to be grateful of!

Praying for the safety and wellness of all.

Heal Our Land Oh God!

Lovelots,

@shikika

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  
  ·  3 years ago (edited)
CriteriaScore 0-10
Relevance to the Theme.9
Creativity.9
Technique.9
Overall impact.9
Story.10
Total.9.2

Pumunta ka nalang sa Dole, tiyak may kasagutan mga tanong mo about your working status.
Maganda ka naman pala gumawa ng kwento bakit minsan ang ikli ng mga post mo?😂 Sana ganito palagi mga post mo…Salamat.

Salamat po sir sa rating and suggestion.
Dami ko po tawa sa tanong niyo po. 😁 Nakadepende po mood ko at subject ang pagsusulat ng kwento. 😊
Sa susunod po abangan ko mga contest niyo baka sakali meron ako maisulat.
Maraming salamat po! 😊

Hello po,

Maraming salamat sa pagsalit sa ating Photography Contest Week 4.

Sana ay masaya ka dito sa ating Community at maging aktibo pa po kayo sa pagbahagi nang iyong mga posts.

Sa karagdagang Impormasyon, paki bisita po ang ating Community Account at Social Media Accounts.

New Contest Alert:

God Bless po!!!

Thank you po! Nasundan ko na po kayo sa Twitter. Minsan lang ako doon. Once in a blue moon lang ako sa fb.

Loading...

Shared it on Twitter! 😊

Screenshot_20210914-012425_Twitter.jpg

What goes around comes around. Kung ano ang iyong itinanim ay siyang aanihin. May hangganan din ang lahat ng kasamaan at sa huli ang kabutihan ang mananaig.💖🙏

Amen!
Tama po mama dumbo! Moabot pud iyaha panahon.

Ay te feel ko rin iyan. Mas maupay pakadto nala dole. Pero diri ka hito aasikasuhon kon usa kala nga mareklamo. Dapat more than 10 kamo.

Hehehe. Maupay dai na feel mo. Hehehe
Pohon pohon dai makadto ako. 😊

Pagdara hin back up.hehehe..

Judge: @loloy2020
CategoryDetails (✅/❌)
Theme: Black and White Photography
Fully Verified
Correct Title and Tags
Used the #steemexclusive tag
1 Photo per Entry
Mentioned 3 Friends
Write-ups RatingGood
Criteria for JudgingRatings/Score)
1. Relevance to the theme9.2
2. Creativity9
3. Technique9.2
4. Overall impact9.3
5. Quality of story9.3
Total Ratings/Score9.2