Mabuhay at Magandang Araw sa ating lahat!!!
Ngayong araw na ito, ako ay nagpapasalamat sa lahat nang sumuporta at nagbahagi na nang kanilang mga post sa ting munting community. Sa araw-araw na nagdaan, maraming mga magagandang mga pangyayari ang naganap at dahil iyon sa Dios na walang tigil sa pagbigay nang magagandang mga bagay sa akin at syempre sa ating lahat. Sa uulitin ay meron na naman tayong ipakilalang mga membro sa ating munting community at ang iba nga sa mga ito ay mga bagong bago pa talaga sa Steemit. Kaya nakakatuwang pagmasdan na maraming naniwala at sumuporta sa ating community.
Ngayong araw ay ika pito nang Abril taong 2021 at saktong sakto din na sa araw na ito ay nagdiwang tayo nang ikalawang linggo nang ating Steemit Philippines Community. Para sa kaalaman nang lahat, nagawa ang community na ito noong Marso 24, 2021 dahil sa kadahilanang gusto nating muling mabuhay at maging aktibo ang mga Filipino sa Steemit blogging platform. Mula noong nagsimula tayo, araw-araw akong nagbabasa at nagmomonitor nang mga post activity sa ating community at nakikita kong malaki ang paglago nito kaya buong puso akong nagpapasalamat sa lahat nang nagtiwala at sumuporta. Hindi ko ito magagawa kung wala ang pagtitiwala niyong lahat at sa tulong na rin nang ating Dios.
Sa araw na ito, meron na naman tayong tatlong membro na ipakilala na nakapagbahagi na nang kanilang mga liksa sa ating munting community. At ang mga membrong ito ay ang mga sumusunod.
1. @ariel1994 - Ito siya ay isa na naman sa pinaka bagong Steemian na nagbahagi nang kanyang pagpapakilala sa Steemit Philippines Community.
2. @julstamban - Siya ay nagbahagi nang kanyang contribusyon sa ating community dahil gumawa siya nang Page Break graphics na maaaring gamitin nang lahat.
3. @sweetnaomi05 - Isang dating Steemian na nagbabalik at ibinahagi niya ang isang halaman na matatagpuan sa kanilang lugar.
Talagang walang mapaglagyan nang tuwa at galak ang aking puso dahil sa bawat araw na lumipas ay marami na tayong napakilalang mga membro at karamihan sa mga ito ay mga bagong bago pa lang sa Steemit at ang dalangin ko lamang ay wag kayong mawalan nang pag-asa at tiwala sa ating community dahil gagawin ko ang lahat upang makatulong nang kahit sa ano mang paraan na makakayo ko. Kaya sa lahat nang nagtiwala at sumuporta, ang Dios na ang magbibigay sa atin nang lakas at tatag upang mapagtagumpayan ang lahat nang ito.
ILAN NA ANG MEMBERS AT ACTIVE MEMBERS?
Ngayon, nais kong ipaalam sa inyo ang pinaka bagong bilang nang membro at ang mga aktibo sa mga ito.
Ang pinakabagong update nang mga membro sa araw na ito ay umabot na tayo sa 138 Members at sa kasalukuyan ay nasa 57 Members ang mga aktibo sa mga ito. Mula kahapon na nasa 127 Members lang at 56 Members ang mga aktibo, kaya ito ay nagpapatunay lang na naging matagumpay ang ating unang dalawang linggo dahil sa bilis nang ating pagdami at marami din sa mga ito ay mga aktibong membro. Kaya maraming maraming salamat sa lahat at tayong lahat ay pagpalain nang Dios magpahanggang wakas.
Kung gusto niyo pong tumulong sa ating Community sa pamamagitan nang pagdelegate at pag curate pwede niyong gawin ang mga sumusunod.
1. Quick Link
Gumawa ako nang mas madaling paraan upang makapag delegate pumili lang nang sa link sa baba.
2. Mag Delegate Nang Kahit Magkano
Upang makapag delegate gamitin ang link na.
Delegate To @steemitphcurator
3. Gamitin ang Steemworld.org
Pumunta sa https://steemworld.org/ link tapos login. Follow lang ang simple steps na to.
Punta sa Delegations Option
Sa Delegations, punta sa Delegate para maka delegate ka.
E type ang steemitphcurator at ang amount nang SP kung magkano gusto niyo e delegate.
Pagkatapos ay gamitin ang Active Key para ma successful ang pag delegate.
4. Curation Trail
Para po makapag autovote kayo kapag merong bagong post ang Community Account, e follow kami sa.
@steemitphcurator Curation Trail
Sana ay madaanan at masuportahan ito nang Steemit Team at Curators. Maraming salamat sa Steemit Team sa pagsuporta, lalong lalo na kina:
Hello po. Pano po ba maverified ang account ko po dito sa @steemphilippines. Salamat po.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Kailangan mo pong mag post sa Steemit Philippines Community mismo. Introduce yourself po.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Ok po salamat po
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Gandang gabi po. Pano po magpa verified member po.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Mag post ka po sa Steemit Philippines Community. Kahit ano o Introduce yourself po.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Salamat po.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit