Isa sa mga obligasyon na ibinigay sa akin ay ang pagsasaing ng kanin. Sakto naman at maraming panggatong na siyang ginagamit naming panluto sa mga pagkain. Hindi kasi kami gumagamit ng kalan o stove para makatipid kami sa tangke, gasul o di kaya ay ang kalan. Dahil gabi na kaya nag-umpisa na kaming magsaing at magluto ng ulam para sa haponan. Habang nakasalang ang kaldero ay ipinagpatuloy di naman namin ang pag-uusap kasami ang aking pinsan.
Naaliw kami sa aming pag-uusap kasama ang aking pinsan sa mga bagay-bagay gaya ng mga laro online, mga aktibidades sa paaralan at marami pang iba. Abalang-abala naman itong pinsan ko sa pag-iipis ng bote ng softdrinks sa kanyang baso habang ako naman ay abalang-abala naman ako sa panonoud ng mga video. Habang si lola naman ay abalang-abala sa paglilinis ng bakuran.
Pagkatapos maglinis ng bakuran ay nanoud naman sila ng mga palabas sa telebesyon. Kasama ang aking papa, mga pinsan, si lola at tita ay sama-sama kaming nanonoud ng palabas. Abalang-abala naman ang isa kong pinsan sa kanyang cellphone at hindi niya inintindi ang magandang palabas sa telebesyon.
Tuwing gabi ay nanonoud talaga kami ng mga magagandang palabas bago kumain ng hapunan. Nang matapos na ng isang palabas na pinanoud Namin ay inihanda na namin ang mga pagkain .
Ito ang inihanda namin sa hapunan, ang napakasarap na tinolang isda at sinabaw na karne ng baboy. Talagang napapasarap ang kain natin kapag sama-samang kumakain ang pamilya. Kahit simple lang pagkain ay masarap pa rin ang kainan.
We support quality posts anywhere and any tags.
Curated by : @lhorgic
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Thank you very much..
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit