Burnsteem25|| March 27, 2023|| Diary Game Season 3|| "Ang Mapagmahal at Masipag Kong Lola"

in hive-169461 •  2 years ago 

NTy4GV6ooFRmaCXZ8UYgPhoud1kjiNX8QokLEZtbBKLuLWQ9yt7K3o4Hh1mG54z6pmQ6eUihrydFU6AKhceDYRvC5V1QgNfMjWzY6a7v74HXvg1yHoJv2h8rEpSsunJz1Xc9AXAYtchZq7MW5zKVrF2hcYirEnV48komv3zn.jpeg

Biniyayaan tayo ng masipag, mabait at mapagmahal na mga lolo at lola, at nagsisilbi itong pangalawa nating mga magulang na siyang gumagabay at nagdidisiplina sa atin para magkaroon tayo ng magandang asal at maging mabuting kasapi ng pamayanan. Ang ibabahagi ko sa talaarawan kong ito ay ang mabait at masipag kong lola. Araw-araw ay abalang-abala siya sa mga gawaing bahay gaya ng paglilinis sa loob ng bahay, pag-iimpok ng maraming tubig sa mga sisidlan at pagwawalis sa labas ng bahay. Para sa Kanya, mas mabuting mapanatili ang kalinisan at kaayusan sa lugar para mas kaakit-akit tingnan.

Nagpasya akong bumisita sa bahay ni lola at pagdating ko doon ay nakita ko na abalang-abala siya sa paglalagay ng mga kahoy bilang panggatong. Masaya naman siya na bumisita ako dahil may makakausap na naman siya, nag-iisa lang kasi siyang nakatira sa kanyang bahay.

NTy4GV6ooFRmaCXZ8UYgPhoud1kjiNX8QokLEZtbBKLuLWQ9yt7K3o4Hh1mG54z6pmQ6eUihry68BsUdJSPJJU3z2YmbtwLEYBCUGUc8nnH2LMkFpZ8DDMocwBS1MAiivaoigo2LCnz3BWXvkLWn1cYqHoqJWh9cYxLBiQv2.jpeg

Kahit noong nakatira pa si lola sa Sitio namin ay ganito na ang kanyang ginagawa, mas maganda kasing palaging handa lalo na kapag makakaranas ng pag-ulan. Napakaimportante ito lalo na sa pagluluto ng pagkain, napakamahal na kasi ng Gasul kaya mas mabuting gumamit nalang ng panggatong. Makakaminus budget pa sa napakamahal na gasul o gamit sa pagluluto.

NTy4GV6ooFRmaCXZ8UYgPhoud1kjiNX8QokLEZtbBKLuLWQ9yt7K3o4Hh1mG54z6pmQ6eUihryatVqTBkNuDNiwJu6tF7BLYWf3HRfco79uH7ujsW5VJYXc5eSLG533TCQTXJ6JmxRUC2kgV3Kf2Vv83fvTNuNvUfr4yCeuL.jpeg

NTy4GV6ooFRmaCXZ8UYgPhoud1kjiNX8QokLEZtbBKLuLWQ9yt7K3o4Hh1mG54z6pmQ6eUihryc5BWRhc6gitR5V2Gx9g7MsxM3CeJoqJozePK6KZJUqmENSv7rGDABB9LL6uwatZEzm5fDoFQNd5iUjDjCXcpgsfyvwk6RC.jpeg

Ito ng munting bahay ni lola, simple pero maganda dahil sa mga halaman nakapalibut dito. Malinis din ang lugar kaya napapanatili talaga ang kagandahan at kaayusan dito. Simula noong dalaga pa si lola ay mahilig n talaga siyang mag-alaga ng halaman. Nangongolekta siya ng mga ibat-ibang uri ng halamang ornamental at pinaparami niya ang mga ito. Iilan sa kanyang mga kaibigan ay pumupunta dito para tumingin ng mga bulaklak at kapag nagustuhan nila ito ay kaagad nilang bilhin o di kaya ay magpalitan ng mga halaman kaya napaparami ng koleksyon ng mga halaman si lola. Ayon sa kanya, di baleng maliit at pangit ang bahay basta may mga halaman lang sa paligid nito ay napapaganda na ang lugar.

NTy4GV6ooFRmaCXZ8UYgPhoud1kjiNX8QokLEZtbBKLuLWQ9yt7K3o4Hh1mG54z6pmQ6eUihry7J4hyHExYbHsjxTQhSaQGNTPBcSq1xHNJYCuQHBYSrD2AcrV3QLBi8wfxTxbSW4itk4ECY5GzRDvNun6ythKmzmHW8sBae.jpeg

NTy4GV6ooFRmaCXZ8UYgPhoud1kjiNX8QokLEZtbBKLuLWQ9yt7K3o4Hh1mG54z6pmQ6eUihrySrFT48fruiMdgiZYX2nNx9fdgHAvAyT2YawQ2CCETG5HY4Y4q5f4PBDE595gKjzr4ipx96vAb3JUASkzNfvBHoKKeR4o2W.jpeg

NTy4GV6ooFRmaCXZ8UYgPhoud1kjiNX8QokLEZtbBKLuLWQ9yt7K3o4Hh1mG54z6pmQ6eUihryVD56heyfe9WC6ky8WSuUDcm97Zst4MwpfuHVAwacuFPeTeoUrkLcgd5F6AohsWRZUccVVD9XWPjtY3vGU6xJu2cYU3Tvai.jpeg

Ito ang iilan sa mga nagagandahang mga bulaklak ni lola. Sa halip na gumamit ng chemical na pataba ay organikong pataba ang ginagamit niya gaya ng dumi ng baka. Pinapatuyo niya ito at inihalo sa lupa. Tumutubo na puro malulusog at hitik sa mga bulaklak at maraming mga tao lalo na ang paborito ay ang paghahalaman ang naiinganyong bumili o makipagpalit ng halaman.

NTy4GV6ooFRmaCXZ8UYgPhoud1kjiNX8QokLEZtbBKLuLWQ9yt7K3o4Hh1mG54z6pmQ6eUihryc5K6TCP2dfGVtFkQjMYzGQh2BjPdhVyWkF7NZkggeE87mU41u8ob43XPkb1gFBCVWY69i3rV4ches7LgNQ59pqd3C1obJv.jpeg

Napakaimportante nitong water pump na ito na komgbtawagin namin ay, POSO. Dito kumukuha si lola ng tubig pandilig sa kanyang mga halaman lalo na kapag wala tubig ang faucet o gripo. Halos lahat ng kanyang kapitbahay ay nagkakaroon na ng ganito kaya naisipan din ni lola na magpagawa ng Poso sa likod na kanyang bahay. Tatlong taon na itong ginawa at dito rin siya naglalaba, naliligo at panlinis sa loob ng bahay.

NTy4GV6ooFRmaCXZ8UYgPhoud1kjiNX8QokLEZtbBKLuLWQ9yt7K3o4Hh1mG54z6pmQ6eUihs25sNK5aoxbSZ5BSWNLmPaBDBMJiRaHZz7d9EjMtWUfkY8oMsxj4avBjdyMaeCNTLXZrWS5VPp5rJYiRxfsmGaMNcxhapMug.jpeg

Mahilig din siyang maghardin at iilan sa kanyang itinanim ay ang halamang ito na kong tawagin namin ay LUTYA. Masarap itong isahog sa mga sabaw na ulam gaya ng tinola at sinabawang baboy. Hindi talaga nauubusan ng ulam si lola lalo na kapag gulay na ang pag-uusapan. Nakakasigurado talaga na malinis at layo sa mga kemikal ang mga halaman at gulay dahil siya lang ang nagtanim sa kanyang bakuran.

Masaya ako dahil nakita ko si lola na masaya dahil sa pagbisita ko sa kanya. Mahal na mahal namin ang aming lola dahil sa kanyang taglay na kabaitan sa amin bilang kanyang mga apo.
Nais kong imbitahan sina ate @jurich60, ate @amayphin at @jessmcwhite para sa isang talaarawan at ang 25% mula sa payout kong ito ay ibabahagi ko sa @null.
Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Congratulations, your post has been upvoted by @dsc-r2cornell, which is the curating account for @R2cornell's Discord Community.

Manually curated by @jasonmunapasee

r2cornell_curation_banner.png

Thank you very much..


TEAM 5 CURATORS

This post has been upvoted through steemcurator08. We support quality posts anywhere and with any tags.


Curated by: @chant


Thank you very much..