Club75+Burnsteem25|| Diary Game Season 3|| March 8, 2023|| "Lugait Beach Travel"

in hive-169461 •  2 years ago 

20230308_090614_0000.png

Edited By: Canva Application

Ang pagkakaroon ng magagandang lugar ay nakapagbibigay sa atin ng kasiyahan, payapang pamumuhay at pag-iisip at isang biyaya mula sa kalikasan. Karamihan sa atin dito ay mahilig gumala sa mga magagandang lugar gaya ng mga bukiring bahagi o di kaya ay sa dalampasigan. Ngayong umaga ay isasama ko kayo sa aking byahe papunta sa isang popular na dalampasigan dito sa Lugait, Misamis Oriental ang CALANGAHAN BEACH RESORT.

IMG20230308075255_00.jpg

Mga Bangka na Ginagamit sa Pangingisda

Ang Barangay Calangahan ay isa sa mga bahaging lugar dito sa Lugait, Misamis Oriental at kadalasang nakatira dito ay pangingisda ang pamumuhay. Ang bangkang ito ay isa sa mga importanteng bagay na ginagamit ng mga mangingisda. Maraming mga bangka na matatagpuan dito at inilalagay nila sa ligtas na lugar na malayo sa malalakas na alon para hindi tangayin ng tubig. Tuwing alas 5 ng hapon ay pumapalaot ang mga mangingisda ang mga bangkang makikita dito ay nilalagyan ng mga numero dahil nagsisilbing plate number ito para sa mga bangkang pumapalaot sa dagat.

IMG20230308080014_00.jpg

Habang nasa kalagitnaan ako ng aking paglalakby dito sa dalampasigan ay napansin ko itong taong namamangka. Sa pakisuri ko ay nakita ko siya na abalang-abala sa pagkuha ng kanyang mga lambat sa tubig. Minsan may mga mangingisda ang naglalagay ng mga lambat tuwing madaling araw at kinukuha nila ito kapag maaraw na. Sakto naman at sa kanyang pamamangka ay hindi mainit ang dalampasigan dahil sa makulimlim na panahon.

Ang Lumang Daan

IMG20230308080223_00.jpg

Ito ang Lumang daan ng Barangay. Ayun sa mga sabi ng mga nakakatanda na nakatira na dito malapit sa lugar ay inilagay na ito noong panahon pa ng ikalawang digmaan. Sa maraming panahon nang dumaan ay unti-unting kinain ng tubig dagat ang naturang lugar at tuluyang winasak ng malalakas na alon. Dating aspaltadong daanan ito at nagsisilbing shortcut ng mga residenteng nakatira sa naturang lugar.

IMG20230308075323_00.jpg

Dahil sa hinaba-habang panahon na nilamon ng tubig-dagat ay natubuan na ito ng mga halamang dagat gaya nitong kulay berdeng halaman na tumubo na sa mga bato. Nagsisilbing bahay din ito ng mga hayop gaya ng mga isda, alimasag, hipon at marami pang iba tuwing tumatas ang tubig o high tide. Sa ngayon, ang lumang daan ay napapalibutan na ng mga tulya, talaba at iba pang mga halamang dagat at hindi na magagamit ng mga taong dadaan sana dito.

Mga Halamang-Dagat, Hayop at Iba Pang mga Lugar

IMG20230308075359_00.jpg

Ang Calangahan Beach ay napapalibutan ng maraming mga malalaki at maliliit na mga bato gaya ng tinatawag na PAGANG. Ito ang isa sa mga tirahan ng mga hayop gaya ng mga isda. Dito sa lugar na ito ay hindi talaga dapat maglakad na nakapaa lang at dapat nakasout talaga ng tsinelas kapag naglalakad dito. May mga delikadong mga hayop na makikita at nagtatago sa butas ng mga bato gaya ng talaba o tuyom, isang uri ng hayop na napapalibutan ng mga tinik at kulay itim.

IMG20230308075606_00.jpg

Ito ang tinatawag na Sand Dunes, isang uri ng buhangin na naporma dahil sa mga alon dito. May mga kurbang guhit dahil sa mga alon na humahampas dito sa dalampasigan. Nakakamangha at magandang tingnan dahil sa desinyo at porma nito. Kadalasan, may mga tulya at iba pang uri ng seashells na makikita sa ilalim ng buhangin na ito kaya kapag may buhangin ay agad itong nilapitan ng mga mangingisda at binubungkal ang mga buhangin.

IMG20230308075548_00.jpg

Napakahalaga at napakaimportante itong uri ng halaman na ito na tumubo sa isang malaking bato. Kadalasan, dito nagtatago ang mga maliliit na mga isda, hipon at iba pa para hindi makita ng mga hayop na kumakain ng maliliit na lamang-dagat. Kapag high tide, ay naabot ito ng tubig-dagat at nabubuhay ito kahit hindi agad naabut ng tubig. Ang mga dahon nito ay napakanipis at ang hugis ay kurba lalo na sa mga dahon nito.

IMG20230308080956_00.jpg

Ito ay isa ring uri ng seaweeds. Tumutubo rin ito sa mga malalaking bato at nagtataglay ito ng magagandang dahon na siyang tinataguan din ng mga maliliit na mga hayop. Kulay brown ang mga dahon nito at ang iba ay palutang-lutang sa tubig. Ang mga halamang ito ay nagbibigay ng kagandahan sa lugar at bumabalanse sa tinatawag na Eco-System. Nagbibigay din ito ng oksiheno para sa mga hayop na nakatira sa dagat.

IMG20230308080919_00.jpg

Sa aking paglalakbay ay napansin ko na tumataas na ang tubig dahil high tide na pala kaya binilisan ko ang paglilibot sa naturang lugar. Lubos akong namangha sa aking nakita lalo na ang mga malalaking bato na ito na hinahambalos ng mga malalaki at malalakas na mga alon mula sa dagat.

IMG20230308080623_00.jpg

Napansin ko rin itong mga talaba na nakapikit sa mga malalaking bato. Nakakasugat sa paa ang ganitong uri ng hayop at hindi rin ito nakakain. Nagtataglay ito ng kulay itim na shell at may matutulis na bahagi ng katawan nila na siyang makakasugat sa paa. Marami na ang mga ito dito sa mga malalaking bato at iniiwasan ito ng mga bata.

IMG20230308080750_00.jpg

Isa itong uri ng starfish na kong tawagin ay Brittle fish. Ang katawan ay hugis bilog at may mahahabang galamay. Nakakatakot tingnan ang hugis nito pero hindi naman ito nangangagat at lumalabas lang ito tuwing high tide para manghuli ng makakain. Ang kulay nito ay brown lang hindi katulad ng ibang starfish na may ibat-ibang kulay.

IMG20230308081311_00.jpg

Ang dalampasigang ito ay may makikita rin uri ng isang isda na kong tawagin ay Butete. Puffer fish ang tawag nito sa English at hindi ligtas kainin dahil nagtataglay ito ng lason. Lumulubo ito at maghugis bilog kapag naipit o di kaya ay may nakita na kalaban nila. May kulay itong itim at dilaw na may kasamang puti malapit sa tyan nito. Nakakaaliw tingnan kapag humugis bilog na ito.

download (2).png

Ating nasaksihan ang mga nakakamanghang tanawin dito sa Barangay Calangahan sa ng Lugait, Misamis Oriental. Ang pagkakaroon ng masaga at magandang lugar ay nakapagbigay tulong sa mga hayop para may matirhan sila at magkakaroon tayo ng masagana at masarap na pamumuhay.
Nais kong imbitahan sina ate @jurich60, @jessmcwhite at ate @amayphin para sa isang talaraawan dito sa steemit at ang 25% mula sa payout kong ito ay maibabahagi sa @null.

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Congratulations, your post has been upvoted by @scilwa, which is a curating account for @R2cornell's Discord Community. We can also be found on our hive community & peakd as well as on my Discord Server

Manually curated by @abiga554
r2cornell_curation_banner.png

Felicitaciones, su publication ha sido votado por @scilwa. También puedo ser encontrado en nuestra comunidad de colmena y Peakd así como en mi servidor de discordia

Thank you for the support.

Congratulations!
This post has been upvoted through steemcurator07.
We support quality posts anywhere and any tags.
Curated by : @loloy2020

TEAM 4 CURATORS

Thank you very much for the support.

CategoryRemarks
#steemexclusive
At least Club5050
Plagiarism /ChatGPT Generated Content Free
Bot-Free
At least 300 Words
Voting CSI[ ? ] ( 0.00 % self, 0 upvotes, 0 accounts, last 7d
Support #burnsteem25

Thank you for creating quality post to our community, Steemit Philippines.

Upvote other user's posts to increase your voting CSI.

Thank you and have a great day!

@me2selah
MOD

Thank your for the evaluation po. 😊

Napakaganda ng inyong karagatan pati ang dalampasigan napakalinis. Nakakatuwang Tignan yong mga lamang dagat.

Tama ka ate, maraming salamat po sa pagbisita sa aking post. Magandang gabi po sayo. 😊😊