Club75|| Burnsteem25|| Diary Game Season 3|| March 9, 2023|| "Ang Pagbisita Ko Sa Aming Lupang Sakahan"

in hive-169461 •  2 years ago 

received_169259245896080.jpeg

Edited By: Canva Application

Maganda para sa atin ang magkaroon ng sariling lugar na pagtataniman. May mailalagay o matataniman tayong mga ibat-ibang uri ng gulay at nakapagbibigay kasiyahan ito sa ating buhay o sarili.

Kaninang umaga ay nagpasya akong bumisita sa aming lupang sakahan dito sa Sitio Linangga sa Lungsod ng Manticao, Misamis Oriental. Sakto naman at maganda ang panahon kaya maganda at maayos din ang aking pagpunta sa lugar. Ang aming sitio ay napapalibutan ng mga ibat-ibang uri ng kahoy at nakakatulong ito para mapanatili ang kagandahan at preskong lugar.

IMG20230309143618_00.jpg

Ang aming lugar ay napapalibutan at natutubuan din ng mga damo gaya nito. Tinatawag namin itong carabao grass, isang uri ng damo na pwedeng ilagay o gamitin bilang panlagay sa mga lugar gaya ng landscapes, pathways at pwede ring ipakain sa ating mga alagang hayop gaya ng baka at kalabaw. Kahit saan lang ito tumutubo kaya popular ito.

IMG20230309143255_00.jpg

Noong una ay isa itong lugar kong saan tinatayuan ng isang malaking bahay. Sa nagdaang mga panahon ay umalis at lumipat na ang aming kapitbahay kaya ang lugar ay tuluyang napabayaan at natutubuan na ng mga damo at mga punong-kahoy. Sa ngayon, plano naming linisin ang lugar at pagtamnan ng mga ibat-ibang uri ng gulay. Pwede kasing pagtamnan dito sa lugar na ito dahil malapit lang sa ilog. Matataba rin ang lupa dito dahil kulay itim na kong tawagin namin ay loam soil.

IMG20230309175818_00.jpg

May mga tanim din kaming mga mangga malapit sa paanan ng bundok. Minabuti naming magtanim ng maraming puno ng mangga dahil isa rin ito sa magandang pagkakakitaan. May mga taong nagmula pa sa malalayong lugar para humingi ng pahintulot na mag-spray sa mga puno ng mangga at ang mga prutas na maaani dito ay binabayaran nila. Para maging maganda at maayos na maaakyat ang mga puno ay una naming ginawa ang tinawag na Marcotting. Isa itong uri ng pagputol ng mga sanga ng mangga para hindi tumataas.

IMG20230309143515_00.jpg

Dahil sa napabayaan na ang aming lugar kaya lumago na ang mga halamang ligaw. Medyo mahirap na itong linisin at kinakailangan nang gumamit ng bota, jacket at iba pang uri ng damit para maiwasang masugatan o makagat ng mga insekto. Ang aming mga pananim na mga saging ay unti-unti nang natabunan ng mga halamang-ligaw. Makikita dito ang mga ibat-ibang halaman gaya ng hagonoy, bulunsiri, makahiya at marami pang iba.

IMG20230309143504_00.jpg

Ang aming lugar ay natatamnan din ng maraming niyog at isa ito sa aming pinagkukunan ng ikabubuhay. Masaya ako dahil marami nang mga bunga ang pwede nang anihin. Nagtataasan ang mga niyog dito, may ibang bahagi ng aming lugar na dapat nang magtanim ng mga panibagong niyog dahil matatanda na ang ibang mga puno. Pero kahit may katandaan na ang mga ito ay namumunga pa rin kaya mapapakinabangan pa talaga ang mga ito.

IMG20230309144325_00.jpg

Binisita ko rin ang munti kong hardin dito sa aming lugar, at lubos ako nasayahan dahil tumubo na ang aking mga gulay gaya nitong tinatawag naming Alikway. Masarap itong pansahog sa mga sinabaw gaya ng sinabaw na manok, isda o karne. Nagtataglay ito ng fiber dahil napakadalas ng sabaw nito. Ang mga dahon nito ay pwedeng lutuin sa ginisa, ginataan o di kaya ay papakuluan lang at isasawsaw sa suka na may sili.

IMG20230309144309_00.jpg

Lumago na rin ang mga pananim kong tanglad o lemon grass kong tawagin. Masarap din itong pansahog sa mga sinabaw at pwede sin itong panggamot. May mga tao na bumibili ng tanglad at ipinagbibili din nila sa pampublikong merkado. Organikong pataba lang ang ginagamit ko dito pero lumalago pa rin ito at tumubo na puro malulusog.Mas maganda talaga kapag may sarili kang mga pananim sa sariling lugar dahil ligtas itong kainin dahil walang kemikal na inilagay sa mga halaman.

Photography Hobby

IMG20230309175949_00.jpg

Dahil ang pangunahing topiko ko dito sa plataporma ay tungkol sa aking pagkuha ng letrato o photography kaya nais ko ring ibabahagi ang mga kuha kong letrato kanina habang ako ay bumisita sa aming lupang sakahan. Nang sumaoit na ang hapon ay napansin ko ang magandang kulay pula na ulap kaya naisipan kong kunan ng letrato gamit ang reflection sa tubig nito. Napakagandang pagmasdan ang paglubog ng araw lalo na ang mga ulap nito.
Ganito ang nakikita namin kapag sasapit na ang hapon at papalubog na ang araw. Minsan din ang paglubog ng araw talaga ang tinitingnan namin kapag hindi maulap ang lugar. Ang mga ulap sa kalangitan ay nagpapakita ng magagandang mga hugis, kulay, porma nito kaya naaaliw akong nakatingin sa mga ulap sa kalangitan.

image.png

Isang matagumpay ang pagpunta ko sa lugar na sinasaka namin at para mapanatili ang kagandahan at produktibong lugar ay mabuting pagtatamnan ito ng maraming gulay para may maulam at maibenta pagdating ng tamang panahon.
Nais kong imbitahan sina ate @jurich60, ate @amayphin at @jessmcwhite para sa isang talaarawan at ang 25% mula sa payout ng post kong ito ay ibabahagi ko sa @null.

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Congratulations, your post has been upvoted by @dsc-r2cornell, which is the curating account for @R2cornell's Discord Community.

Manually curated by @jasonmunapasee

r2cornell_curation_banner.png

Thank you very much..