Club75|| Burnsteem25|| Diary Game Season 3|| March 9, 2023|| "Market And Nature Travel Day"

in hive-169461 •  2 years ago 

received_1563193610853289.jpeg

Ang Application na ginamit ko para sa pag-edit ng aking kuhang letrato ay and Canva Application.
Mahilig ba kayong gumala lalo na kapag maganda ang panahon? Kong Oo ang sagot nyo, magkakatulad tayo. Para sa talaarawan kong ito ay nais kong ibahagi ang mga magagandang pangyayari ng aking buhay, at ang distenasyon ko ngayon ay ang aming Pampublikong Merkado namin dito sa Barangay Poblacion Manticao at ang pagbisita ko sa isa sa mga sikat na flower at ornamental garden dito sa aming lugar. Ang Pampublikong Merkado ay isang sa mga nakasentro sa lahat ng mga bagay, pagkain, mga paninda, komersyo, mga establisamyento at ilang mga lugar na pwedeng puntahan kapag tayo ay naghahanap ng mga bagay-bagay para bilhin. Dito sa Lungsod ng Manticao, lalo na dito sa aking palingke makikita ang mga nagagandahan at masasarap na mga pagkain kaya marami dumadayo dito sa aming lugar.

Mga Panindang Damit


received_223691320186679.jpeg

Isa sa mga sikat na puntahan ng mga tao ay ang tinatawag na Ukayan, isang lugar kong saan nakalagay o nakadisplay ang mga maraming ibat-ibang uri ng damit. Nakadepende sa porma, stelo, pangalan ng damit ang mga presyo nito kaya maraming mapipili na mga damit na patok sa mata ng mga namimili.

May mga damit pambata, pangbagets, pangmatanda ang makikita dito. Sa halagang 20 Pesos ay makakabili ka na ng mga damit pambata at magaganda ang mga desenyo at stelo nito. May mga damit na nakasabit gamit ang mga hanger kung saan ang bawat presyo nito ay naglalaro sa 150 hanggang 200 Pesos bawat isa.

received_878981033838415.jpeg

May mga nakadisplay ding mga pantalon gaya nito. Nasa 150 ang bawat pantalon na tyak magugustuhan ng lahat ng mga taong namimili. Nakalagay ito sa mga mesa sa loob ng tindahan at ang mga kostumer na ang bahalang humahalungkal kong ano ang pipiliin nilang bilhin. Sa pagpunta ko dito ay may mga ilang damit ang hindi pa nakadisplay at pinipili pa ng may-ari kong magkano ang presyo ng mga damit na hindi pa naidisplay sa loob ng tindahan.

Nature Travel, Ang pagbisita ko sa isang halamanan

IMG20230308142536_00.jpg

Sunod kong pinuntahan ang halaman ng aking Tita na nagsisilbi ding paninda niya malapit sa Merkado. Kahit hindj na uso ang mga bulaklak at mga halamang ornamental ay mga mangilan-ngulan pa ring pumupunta dito para pumili at bumili ng mga bulaklak na gusto nila. Ito ang iilan sa mga panindang halaman ng aking tita. Iilansa mga halamang ito ay ang mga alocasia plant, mga aglonema at marami pang iba. May mga San Francisco plant din ang makikita dito kong saan inilagay ito sa mga plastic cellophane para madaling matanggal kapag inilipat na sa paglalagyan.

IMG20230308142308_00.jpg

Isa sa mga halamang bulaklak na meron sila ay itong tinatawag na PEACE LILY, kong saan nagtataglay ito ng maputing bulaklak na nakakaakit sa mata ng tao. May mahabang bulaklak sa gitna ng malaking petals at maganda itong ilagay sa loob ng bahay bilang palamuti o di kaya ay pang landscape. Ang mga dahon nito ay hindi dapat makita sa init ng araw dahil nasusunog ang mga dahon nito, kaya minabuting ilagay ito sa lugar na hindi nasisikatan ng araw boung maghapon. Madali lang paramihin ang ganitong uri ng halaman dahil tinatanggal lang ang mga maliliit na halaman o tinatawag na SAHA at ililipat sa ibang pagtatamnan.

IMG20230308142233_00.jpg

Ito naman ay ang bulaklak ng butterfly ornamental plant. Tinatawag itong butterfly dahil ang mga dahon nito ay hugis paru-paru at nakakabighani din ito sa mata ng mga tao lalo na yung mahilig sa paghahalaman. May mga puting maliliit na mga bulaklak ang halamang ito at dinadayo ito ng mga insekto gaya ng paru-paru, bubuyog, tutubi at marami pang iba. Katulad ng Peace Lily ay hindi dapat ito direktang naarawan para hindi masunog ang mga dahon nito. Mga buto ang ginagamit sa pagtatanim ng halamang ito at nabubuhay ito ng halos 2 taon.

Habang nasa kalagitnaan ako ng aking paglilibot sa naturang lugar ay napansin ko itong dalawang oud na abalang-abala sa kanilang kinakaing dahon ng abana. Normal na ito sa lahat ng mga taong naghahalaman, ito ang isa sa kanilang mga kalaban dahil sumisira ito sa mga pananim, ornamental man o hindi. Pero kahit nakakapinsala sila ay hindi pa rin namin pinapatay ito sa halip inililipat namin sila sa malalayong lugar.
  • Nagtatagalay sila ng kaaya-ayang kulay gaya ng berde, na may mga kulay itim na biloh sa katawan nito. May kaunting kulay orange at puti at may parang antenna sa dulo ng kanilang katawan.

IMG20230308135058_00.jpg

Isa itong uri ng insekto na kong tawagin ay appids. Isa rin ito sa mga sumisira sa mga halaman lalo na ang mga dahon dahil dahan-dahan din nilang kinakain ito. Kadalasang nakatira at nakatago ito sa mga malalapad na mga dahon gaya ng San Francisco, Saging, Alocasia at iba pang uri ng halaman na may malalapad na mga dahon.

Food Trip

NTy4GV6ooFRmaCXZ8UYgPhoud1kjiNX8QokLEZtbBKLuLWQ9yt7K3o4Hh1mG54z6pmQ6eUihrxyj2qGDY6jShK1rj7wVpGxiyaaWaMkHykbHSXUs77joKdwFc7RCDdEjEiyjx5pazEZLUgo2BxttdjQhtfQVTGv53Wtbhpi2.jpeg

Pagkatapos ng paglilibot sa lugar ay agad akong umuwi sa bahay, may halong saya at excitement ang nararanasan ko habang ako ay pumunta sa mga magagandang lugar kaya hindi talaga maiiwasan ang magutom. Ito ang unang ulam na ibabahagi ko sa inyo, ang Ampalaya na may kasamang itlog. Napakasarap nito at nagtataglay ng iodine na siyang pumipigil para hindi tataas ang blood sugar.

NTy4GV6ooFRmaCXZ8UYgPhoud1kjiNX8QokLEZtbBKLuLWQ9yt7K3o4Hh1mG54z6pmQ6eUihs1hxVMktNPnaacgNNVxik5LobMKS75Fsm7P9NCkJ2Hfj51P32izDJxn6q6xB6hb5QvF21jckwUcJtuWEkaapZT7TrP4SbXsU.jpeg

Ito naman ay ang turtang talong, isang uri ng pagkain o ulam na paborito ko. Sinasahugan ito ng itlog saka pritohin. Iilan lang ito sa mga ulam na gusto kong kainin talaga dahil maliban sa masarap ay punong-puno rin ng sustansya para sa ating katawan.

image.png

Masaya ako sa aking paglalakbay sa aming lugar lalo na sa mga nagagandahang mga halaman na pinuntahan ko. Nakakapagbigay aliw sa mata at nakakapagbigay kagandahan sa lugar.
Nais kong imbitahan sina ate @jurich60, ate @amayphin at @jessmcwhite para sa kanilang talaarawan at ang 25% mula sa post kong ito ay ibabahagi ko sa @null.
DetalyeRemarks
Captured ByOppoA12e
LocationManticao, Misamis Oriental
Time10Am
DateMarch 9, 2023


-To God Be The Glory-

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Congratulations, your post has been upvoted by @dsc-r2cornell, which is the curating account for @R2cornell's Discord Community.

Manually curated by @jasonmunapasee

r2cornell_curation_banner.png

Thank you very much..

mahilig ako bumili sa ukay, pero yung mga nakahanger.. heheh yun yung pinupuntahan ko dito sa Cebu.

Me too ate, nakakaless kasi sa presyo. Kahit ukay-ukay ay para ring branded naman kapag nalalabhan na. 😊

CategoryRemarks
#steemexclusive
At least Club5050
Plagiarism /ChatGPT Generated Content Free
Bot-Free
At least 300 Words
Voting CSI[ ? ] ( 0.00 % self, 0 upvotes, 0 accounts, last 7d
Support #burnsteem25

Thank you for posting quality content here in Steemit Philippines.

Upvote other user's post to increase your Voting CSI.

thank you!

@me2selah
MOD

Thank you very much po.