Mga Babasahin para sa Interactive Storytelling sa mga bata at Pagkain kalye na biyaya ng mabubuting puso.

in hive-169461 •  4 years ago  (edited)

FB_IMG_1617633291471.jpg


Maligayang Araw po sa inyong lahat andito na naman po ang inyong kaibigan na si @uwanderer na maghahatid sa inyo ng panibago kwento at karanasan ng isang boluntaryo.

Samahan nyo ako at ating gunitain ang araw na ito.

Sa araw na ito abala ang dalawang grupo ng mga boluntaryo sa pag repack ng mga little goodies bilang handog sa mga bata sa evacuation center. At ang pangngalawang grupo naman ay abala sa pagsasanay ng interactive storytelling bilang bahagi sa psycho-social support sa mga Batang nakaranas ng traumatic experience.

Nakasaad sa baba ang mga ilang munting babasahin para sa mga bata.


FB_IMG_1617633291471.jpg


FB_IMG_1617633295164.jpg


FB_IMG_1617633301833.jpg


FB_IMG_1617633298253.jpg


Ang mga munting libro na inyong nakita ay dahan2x na iniinsayo ng mga boluntaryo ang kanilang mga boses, ang paggalaw ng mga karakter, at ang mga emotional na paglalaraw.

Dahil naging abala ang lahat pinagsama na namin ang aming munting agahan at tanghalian. Ang aming paborito na ulam ng mga boluntaryo. Ang piniritong itlog na bigay ng mga magulang na tinulungan namin dun sa kabukiran ng bukidnon. Tara almusal at tanghalian na tayo.


Screenshot_20210406_082011.jpg


Pagka tapos ng ating munting salo2x agad nagsibalikan ang mga boluntaryo sa pag insayo nila sa Interactive Storytelling Upang masigurado nila na mayroon matutunan ang mga bata at para mapaghandaan nila ang mga katanungan na ipapaabot ng mga bata sa kanila.

Tinitiyak ng mga boluntaryo na masaya at tiyak na may mapupulot na aral ang mga bata. Ilan sa mga boluntaryo at medyo hirap sa lengguwahe ng meranao (moro-muslim Tribe), lalo na sila ay lumad (katutubo) at kristiyano pero kahit na nahihirapan nagsisikap ang mga ito Upang maihatid ang aral at leksyon sa mga bata at higit sa lahat mapasaya sila ng aktibidadis na ito.

Hindi namalayan ng lahat na oras, nalaman na lang nila dahil mayroon hinatid na munting merienda ang isa sa magulang ng boluntaryo namin na kasama na aming pinagsalohan.

Halika kaon tayo ng isaw at banana cake. Kain tayo para may lakas tayo sa ating pag insayo ng mga aktibidadis para sa mga bata.


IMG_20210406_160117.jpg


IMG_20210406_124013.jpg


At dito po nagtatapos ang araw ng ating pagsasama. Sanay na bigyan namin kayo ng ideya sa araw ng isang boluntaryo. Kung nagustohan nyo ang aming post. Wag kayo mahiya na pindutin ang upvote at maglaan ng kaunting pagmamahal.

Ito si @uwanderer nagsasabing ingat at hanggang sa muli. Paalam. Kita kits ulit bukas.


Bago po ako mag tapos nais ko pasalamatan ang mga tao patuloy na nagbibigay samin ng inspirasyon at silay ay si

@yumaie28 @long888 @olivia08 @loloy2020 @me2selah @g10a @atongis @mervamps @jurich60 @sarimanok @kneelyrac @joshuelmari

@steemcurator02 @steeamcurator01 @booming @booming04 @booming01 @sbi

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Bring one copy for piglet. 😊

Yes mika meowk. Piglet lang malakas.

Talaga naman pong inspirasyon ang mga ginagawa mo para sa mga bata. Maraming Salamat sasuporta.

Maraming salamat din sa inyong inspirasyon na binibigay samin na mga boluntaryo. Blessings sa inyo lagi.