Steemit Philippines Photography Contest Week 1: The Road To Nowhere

in hive-169461 •  3 years ago  (edited)

Magandang araw po sa lahat! Sana ay nasa mabuting kalagayan tayong lahat. Naging abala ako sa ibang mga bagay sa mga nag daang mga araw kaya ngayon lang ako nakabalik dito. Mabuti kalang at naging kaugalian ko na ang pag bisita sa mga pinned post ng @steemitphilippines Community - kaya ako naka sali dito ngayon.

Noong linggo, ika-1 ng Agosto pumunta kami ng asawa ko sa bahay ng aming kaklase sa elementrya sa Mantibugao, Manolo Fortich, Bukidnon. Pangangalakal ang sadya namin doon, may maliit na junkshop kasi ang asawa ko na syang malaking tulong sa aming araw-araw na pamumuhay. Humiram lang kami ng motorsiklo papunta doon at nang matapos na naming kolektahin ang mga scrap nila ay agad kaming nagtungo pauwi.

Ngunit isang daan ang naka kuha ng aming atensyon bagong gawang daan, na syang pareha pa naming hindi nadaan nga aking asawa. Binaybay namin ito ngunit lumagpas na ang sampung minuto ay kami parin ang nasa daang iyon na syang nag bigay sa amin ng kaba.

Huminto kami saglit upang kumuha ng larawan sa magandang lugar nang nagkataong may dumaan ding naka motorsiklo at pinagtanungan namin kung saan papunta ang daan na sinusubaybay namin. Sabi nila ay papunta iyo sa Awol at Lonucan na syang sakop din ng aming munisipalidad. Nasiyahan kami at tinapos ang pagbaybay sa daang ito at di naglaon ay nakauwi rin kami sa aming bahay.

Lubos kaming nasiyahan sa aming di inaasahang pag explore ng bagong daan sa aming lokalidad. Isang produktibong paanahon din ang ginugol naming mag aswa sa araw na iyon.

IMG_20210801_121147.jpg

Maraming salamat.

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Well, bahala na talaga ang road to nowhere, basta ganyan lang ka ganda,, 😀

Opo, haha. Ang sarap mag explore nga bagong daan dahil may excitement kung ano ang nasa unahan

Aweeee,, ganun talaga yan, parang life lang, di mo alam kung ano nasa unahan, pag di mo subukan. 😊

Haha opo. Tama po. Maganda di po pala ang aral ng mga bagong daan ano. Maraming salamat po sa inyo