Beware JAMILLE BOADO isang manloloko at me kasong syndicated estafa

in jamilleboado •  5 years ago  (edited)

Dy2eoi.jpg

jam3.jpg

Mga sundalo, pulis 'natangayan' ng milyon-milyon sa investment scam
ABS-CBN News
Posted at Dec 19 2018 05:30 PM

Milyon-milyon ang natangay sa mga sundalo at pulis matapos silang maakit sa bagong teknolohiyang "cryptocurrency" o "digital currency" na natuklasang investment scam pala.

Cryptocurrency scams now rampant says SEC. Taong 2017 nang mahikayat ang sundalong si alyas "Ruben" sa naturang investment dahil ang kaniyang puhunan ay tutubo raw ng 20 porsiyento kada buwan.

Dahil dito, halos lahat daw ng kaniyang ipon sa loob ng 19 na taong trabaho ay ipinagkatiwala niya sa kinilala niyang si Jamille Boado.

"Binuo namin ng pamilya ko, ng kapatid ko, nanay ko, asawa ko 'yung P2.4 million [na investment]. Ibinenta ko pa 'yung negosyo ko na babuyan ko para i-invest," kuwento ng biktima.

Nagtiwala siya dahil sa mga unang buwan ay naibibigay pa ang kita ng kaniyang investment.

Pero matapos ang anim na buwan, bigla na lang daw hindi nagparamdam si Boado.

Nadispalko na raw pala nito ang kanilang pera, maging ang pera ng iba pang investors.

"Maraming nag-invest. May pulis, mga retirado na, mayroon din OFW," kuwento ni Ruben.

Kamakailan, bumagsak sa kamay ng mga awtoridad sa Pampanga si Boado, 35, dahil sa hindi lisensiyadong baril kaya sinampahan na rin ito ng kasong large-scale estafa.

Ayon sa mga awtoridad, si Boado ang responsable sa ilang mga "bitcoin scam" sa Central Luzon kaya hinihikayat nila ang iba pang nabiktima nito na lumapit sa pulisya.

Payo nila, tiyaking rehistrado sa Securities and Exchange Commission ang mga broker o trader, maging ang kompanyang binabanggit ng mga ito. —Ulat ni Noriel Padiernos, ABS-CBN News

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Hi! I am a robot. I just upvoted you! I found similar content that readers might be interested in:
https://news.abs-cbn.com/news/12/19/18/mga-sundalo-pulis-natangayan-ng-milyon-milyon-sa-investment-scam