Anak mag-aral kang mabuti

in kabataan •  7 years ago 


Ang pag aaral ay napaka importante sa atin dahil kung wala tayong pinag aralan o natapos napakahirap ng ating pamumuhay. Kung tayo ay nakapagtapos ng ating pag aaral may maganda tayong kinabukasan. Sa mga mag aaral kailangang magsumikap tayo na makapag tapos kahit na itoy napakahirap, lalo na kapag kapos sa pera na pang tustos sa atin ang ating mga magulang.

Ito ang dahilan kung bakit may mga kabataan na Hindi nakapagtapos sa kanilang pag aaral dahil sa kahirapan,at para sa mga anak na nakaranas ng matinding kahirapan sa kanilang pag aaral sana gagawing inspirasyon ang kanilang kahirapan para sa pagkamit ng minimithi sa buhay. Hindi madali ang magtagumpay, hindi madali ang pagkamit ng masaganang buhay dahil lagi nating tatandaan na bago natin makamtan ang kasaganaan ay magtiis muna sa kahirapan, sisikapin nating mabuti na kahit tayo ay mahirap lamang makapagtapos sa ating pag aaral, upang tayo ay makatulong sa ating pamilya lalo na sa ating mga magulang, na laging nagsakripisyo makamit lamang natin ang ating mga pangarap na minimithi, at higit sa lahat Hindi natin malimutan na magdasal lagi dahil alam nating lahat na kung Hindi dahil sa ating Panginoon kahit na anong pagsisikap natin wala parin tayong makamit kung wala ang tulong niya.

Kaya sa mga kabataan dyan, magsumikap, mag-tiis ng kamtis ang tamis pagdating ng araw!

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Lo dificil tiene buenos resultados. Buen Post.