Ang hirap na naranasan ko noong ako'y Elementarya pa lamang

in kabataan •  7 years ago 

Ang naranasan ko noong akoy NASA elementarya pa ay paiba iba ako ng paaralang pinasukan dahil paiba iba din po ng tirahan ang aking magulang. May lugar na natirahan ang aking mga magulang na napakalayo ang paaralan sa aming tirahan isang kilometro. Ang layu ng paaralan sa aming bahay naglalakad lang ako, dahil wala namang sasakyan don kahit na malayo at madaling araw ay gising na ako. Kaylangan maaga magising para magsaing upang makapag almusal ng maaga dahil alas 5 ng umaga ay nagsisimula na akong maglakad tungo sa paaralan. Kailangan laging magmamadali para makapasok kahit na may panahon din na napakasungit ng panahon pinipilit ko parin pumasok.

Nagtitiis para makapasok at magdadala nalang ng pagkain para sa pananghalian duon narin sa paaralan kumain. At sa uwian naman lagi akong naabutan ng dilim sa kalsada. Dahil malayo ang aking pinasukan kahit na ganoon ang aking naranasan sa elementarya ay masaya naman ako dahil kahit na sa sobrang hirap na dinanas ko nakapagtapos pa din ako sa aking pag aaral kahit na palipat lipat ako ng paaralan at pa iba iba ang mga kakaklase napakasaya ko dahil marami akong kaibigan at marami ding experience sa buhay.

Kahit na akoy bata pa at sobrang saya ko run dahil kahit kami ay mahirap pinipilit parin ng aking mga magulang na itaguyod ang aking pag aaral para nakapagtapos ng elementarya sumuporta pa din sila kahit na napkahirap ng buhay namin at sobrang saya ko dahil kahit sa dinanas Kong hirap nakapagtapos pa din dahil Hindi lahat ng kabataan na bigyan ng chance makapag aral at Hindi lahat ng kabataan nakapagtapos kahit na elementary man lang at nag pasalamat din ako sa dyos dahil sa walang sawang gabay at pag aalaga nya.

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Tama po, hindi lahat ay nabigyan ng pagkakataong makapag-aral kaya't habang may pagkakataon, mag-aral ng mabuti at sundin ang mga magulang ayan ang laging payo sa akin ni Tatay.