Mga mata'y walang alam na direksyon,
Tingin sa malayo kung sino ang naroroon,
Muling bumalik ang ala-ala ng kahapon,
Hikbi ang aking karamay ngayon.
Ang daya mo kaibigan at ako'y iyong iniwan,
Minsan pa nga tayo naglaro nang taguan,
Halakhakan, tawanan ay ating pinagsasaluhan,
Ikaw at ako ang paksa ng samahan.
Sandaling hindi ko namalayan at bibig ko'y walang atrasan,
Sa salitang ikaw ang aking pakakasalan,
Na kahit hindi mo pa ako nililigawan,
Alam kong ikaw ang aking sandigan.
Araw na ika'y nag-aagaw buhay,
Na sa hukay ikaw ang hinihintay
Paliwanag na hindi mo sa akin naibigay,
Dala mo'y sakit at malapit ng mamatay.
Ngayon kasabay ko na ang iyong bangkay,
Bitbit ang luha na walang humpay,
Katagang imposibleng magtagumpay,
Nang sa akin ikaw ay mawalay.
Gusto ko mang sumama sa iyo,
Ngunit ayoko baka sampalin mo lang ako
Itaga mo sa makapal mong ulo,
Na ika'y nakarehistro sa aking pagkatao.
Sabay-sabay tayong bibitaw,
Dahil ito na ang ating huling sayaw,
Paalam kaibigan at ito na ang wakas,
Paglalakbay nati'y ibang-iba na bukas.
Mapa-mocha, tsokolate, strawberry at gatas,
Walang tutumbas sa iyong nga yakap at halik
Yayakapin ko'ng iniwan mong sugat na masaklap,
Sapagkat pagmamahala'y totoo't wagas
Pagmamahal ko sayo'y walang kapantay
Abot hanggang sa kabilang buhay
Masakit at ako'y iyong iniwan
Paliwanag mo'y di man lang napakinggan
Subalit tiyak kong sakit ay kakayanin
At buong pusong tatanggapin
Sa Maykapal sumasamo't nanalangin
Na balang araw magawa kang hagkan at yakapin.
——————————————————————
Maraming salamat. Hanggang sa mga susunod kong katha.