Napakasarap magkaroon ng kaibigan, dahil sila ang pangalawa nating pamilya, dahil anu mang oras na kailangan natin sila nandyan sila para tumulong,at nadyan sila para sumuporta sa lahat ng ating pangangailangan,kung mayron mang tayong mga suliranin sa buhay ang ating mga kaibigan ay laging nandyan.
May mga suliranin natin sa buhay na Hindi natin kayang sabihin sa ating mga Mahal sa buhay pero sa ating mga kaibigan ay hand a tayong magsabi kung anu mang mayrong bumabagabag sa atin, lalo sa mga personal nating buhay, kaibigan ang lagi nating sandalan. Kahit anu mang oras na ating kailangan lagi silang maaasahan,kaya kung para sa atin na may mga kaibigan tayo dapat lang na sila ating pahalagahan.
Dapat lang na mahalin natin sila ng lubos,dapat lang na respituhin natin sila,dahil sila parte na ng ating buhay,bihira lang dito sa mundo ang may mga kaibigan at totoong kaibigan, magpasalamat tayo sa panginuon na binigyan tayo ng mga kaibigan na handang sumuporta at magmamahal sa atin,dahil iba ang pamilya at iba ang kaibigan,kaya mahalin natin sila ng lubos at taus pusong pagmamahal dahil ang isang kaibigan ay malaking bahagi ng ating buhay at silay parte na ng ating buhay kaya bigya natin sila ng sapat na pagmamahal at respito.
At lagi natin tatandaan na Hindi madaling humanap ng isang tunay na kaibigan,kaya dapat natin silang mamahalin,katulad ng ating pagmamahal sa ating mga Mahal sa buhay,dahil sa oras ng ating kagipitan ay handa silang dumamay sa oras ng ating kagipitan, kaya mahalaga ang may isang tunay na kaibigan,dahil handa silang tutulong sa oras ng kagipitan,kaya dapat lang na Mahalin at pahalagahan natin sila,kung nangangailangan sila ng tulong galing sa atin pakinggan natin sila at handa rin tayong tutulong sa kanila dahil Mahal natin sila.