Itoy isang simbulo ng ating kamatayan, Hindi natin alam kung kailan tayo mawawala dito sa mundo o kung kailan niya tayo kukunin dahil alam nama nating lahat na itong ating buhay ngayon ay itoy ating Hiram lamang.
Kaya habang tayo ay buhay pa at dito pa sa mundong ibabaw, tayo gagawa ng mga mabuting Gawain dahil kung tayo mawala man may magandang alaala tayong maiiwanan, dahil ang buhay natin ay sadyang marupok lamang,Hindi sa lahat ng panahon o habang panahon tayoy mananatili dito sa mundong ito, sa ating paglisan dito sa mundong makasalanan,ang babaunin natin at maiiwan sa ating mga Mahal sa buhay ay tanging mga alaala na Hindi nila at Hindi natin malilimutan kahit na tayoy nasa kabilang mundo.
Kaya huwag nating pabayaan na makagawa tayo ng dahas sa ating kapwa, ang dapat na ating gagawin ay mga magagandang alaala, dahil sa ating paglisan tayoy Hindi malilimutan, walang wala man tayo sa materyal na bagay,mayaman naman tayo sa magandang asal,at itoy maiiwan sa ating mga Mahal sa buhay ang kagandahan ng ating kalooban,kaya kung tayo man ay lilisan dito sa mundong makasalanan Hindi nila tayo makakalimutan dahil sa mga magandang alaala na naiwan natin sa kanila,kaya habang tayoy may buhay pa sisikapin natin na Hindi tayo lalabag sa mga utos ng ating panginuong diyos, alam nating lahat na walang perpekto dito sa mundong ito kundi gagawa lang tayo sa naayun sa tamang Gawain,Hindi natin hahayaan na tayoy maging masama dito sa mundo na ating ginagalawan, habang tayoy nabubuhay pa mag ipon tayo ng magagandang alaala sa ating mga Mahal sa buhay, dahil sa oras ng ating paglisan dito sa mundong makasalanan babaunin natin at maiiwan ang alaala ng kaligayahan.