Sa aking unang kuwento, todong nasaktan si katrina dahil ibinuhos niya ang kanyang pagmamahal ky Ronald, kaya sa kanyang pagbabalik ay ibang Katrina ang matutunghayan natin; sana po ay tangkulikin nyo ulit ang buhay pag ibig ni Katrina.
Tauhan:
Katrina: bida sa kuwento
James: ang lakaking unang nasaktan ni Katrina
Ann: matalik na kaibigan ni katrina
Dahil sa nangyari, itinutok ulit ni Katrina ang kanyang buong atensiyon sa pag -aaral dahil gustong gusto niya makalimutan ang kanyang unang pag-ibig.
Nasa third year college na siya noon, nang muling kumatok ang pag ibig. Gustuhin niya man umibig muli pero parang ayaw pa ng puso ni Katrina. Pero naging makulit c James na isang chinito. Araw araw niyang pinupuntahan si Katrina kaya nahulog ang loob ni Katrina.
Sinagot niya si James kahit wala siyang pag-ibig dito. Doon nagtaka ai Anne, ang kaibigan ni Katrina kung bakit niya sinagot kaya tinanong niya ito
Ang pag-uusap ng matalik na magkaibigan
Anne: kat, akala ko ba. Ayaw mo kay james?
Katrina: hayaan mo para makaganti naman ako sa mga lahi ni Adan .
Anne: ano Kat? Tama ba ang narinig ko? Walang kasalanan si James, ang nagkasala sayo ay si Ronald.
Katrina: bakit anne? Pareho lang yan sila, mga manloloko matapos tayong paibigin at paasahin ay iiwan tayo bigla o nakakalimutan tayo kapag wala o di natin sila katabi kaya tama lang ang ginawa ko.
Anne: ikaw desisyon mo yan, pero sana huwag mahulog ang loob mo kay James.
Katrina: thanks anne, kaya ko ito.
Masayang masaya si James ng hapon na yon dahil sa wakas sinagot na siya ng kanyang iniirog. Alam ni James na mahal pa rin ni Katrina yung unang kasintahan dahil ipinagtapat ni Katrina ang tungkol dito, pero ang sagot niya ok lng dahil makakalimutan mo rin siya sa tulong ko. Lumipas ang isang buwan, walang masabi si Katrina kay James dahil dahil sobrang bait nito ngunit naiinis siya sa kanyang sarili bakit hanggang ngayon mahal niya pa rin ang lalaking unang nanakit ng kanyang puso. Hindi niya alam, napapansin rin pala ni James na parang may kulang sa kanilang relasyon kaya kinausap niya si Katrina.
Ang pag-uusap ng magkasintahan
James: Tapatin mo nga ako Kat, hindi pa ba sapat ang pagmamahal ko sa iyo para makalimutan mo siya?
Katrina: Patawad James, pinilit ko siyang makalimutan ngunit ayaw ng puso ko. May ipagtatapat nga pala ako sa iyo, alam mo bang balak lang kitang saktan? Pero hindi ko nagawa dahil sobrang bait mo sa akin kaya pinilit kong mahalin kita ngunit nagmamatigas ang puso ko, sana mapatawad mo ako James .
James: ( niyakap si Katrina) It's okey Kat, nagpapasalamat pa rin ako sa iyo dahil naging matapat ka sa akin na sabihin ang katotohanan, oo masakit pero kasalanan ko naman dahil naging makulit ako sa iyo.
Katrina: Huwag mong sisihin sarili mo dahil ako ang may kasalanan dahil ginamit lang kita para makalimutan ko siya.
James: so ano, ipagpapatuloy pa ba natin ito?
Katrina: Bigyan mo muna ako ng panahon James na tuluyan ko na talaga siyang makalimutan dahil kung tayo talaga ang itinadhana ng Diyos, magkikita pa rin tayo kahit saan man tayo makakarating.
James: Okay Kat, salamat sa lahat
Katrina: Patawad talaga James, sana makatagpo ka ng babaing karapat dapat sa pagmamahal mo. Doon natapos ang kanilang relasyon, napakabait sana ni James kaya lang di pa talaga kayang buksan ni Katrina ang kanyang puso sa bagong pag-ibig.
Magandang aral: Huwag tayong gagamit ng tao para makalimutan natin ang taong minsan natin minahal ngunit sinaktan lang tayo.
Ang larawan ay galing sa pixabay
Sana po ay maibigan nyo ang kuwento ni Katrina.
Salamat guys sa pgboto, nagagalak ako na makita ang boto nyo, lalong lalo npo c tagalog trail.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Sana rachellecious maibigan mo rin yung tula ko para sa aking namayapang ina, miss ko na cia hindi pla kyang pntayan ng ating anak ang pagmamahal sa atin ng ating ina.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit