Ang kuwentong ito ay hango sa tunay na buhay, ang mga tauhan ay itinago ko na lang sa pangalan na katrina at Ann. Kung nabasa ninyo ang dalawang kuwento ni katrina at naibigan ninyo, sana itong pangatlo kung kuwento ay tangkilikin ninyo ulit.
Nang dahil sa nangyari sa dalawang pag-ibig ni Katrina ay natuto siyang maglaro sa pag-ibig, lahat na nanliligaw sa kanya ay kanyang sinasagot kahit hindi niya mahal ang mga ito.
Doon nabahala ang kanyang kaibigan na si Ann dahil nag-iba na talaga si Katrina simula ng masaktan ito. Balak niya itong kausapin sa tamang pagkakataon upang ito'y kanyang mapayuhan dahil siya ang natatakot para dito. Alam ni Ann, masyadong nasaktan si Katrina sa kanyang unang pag-ibig pero mali pa rin na manakit siya ng damdamin para lang makaganti dahil ang sabi pa ni Katrina pare-pareho lang naman ang mga lalaki di ba Ann? Susuyuin ka, ipaparamdam sa iyo na ikaw na ang pangalawang babaing importante sa kanila pero sa huli sasaktan pa rin tayo, mga wala silang puso kaya tama lang na ibalik sa kanila ang ginawa nila sa ating mga babae. Ngayon matitikman nila kung gaano kasakit ang mapaglaruan ng pag-ibig.
Dumating ang tamang pagkakataon na hinihintay ni Ann nang maagang natapos ang klase ni Katrina; ngayon niya nq ito kakausapin:
Ann: Hi Kat, maaga ka yata ngayon?
Katrina: oo kasi wala yung isang CI (clinical instructor) namin.
Ann: Buti naman para maka relax ka rin puro aral ka na lang yata ngayon.
Katrina: Hindi kaya, nagrerelax din kasama ang mga ibang friends.
Ann: Ah okey, sinong mga friends mo? bakit di ko yata kilala?
Katrina: Ah wala yon, mga manliligaw na pampalipas oras.
Ann: Ano? Pampalipas talaga?
Katrina: Oo naman, alangan naman seseryohin natin di ba? Tayo pa rin ang masasaktan sa bandang huli.
Ann: Ikaw talaga Kat, hindi mo pa ba nalimutan yung nangyari noon?
Katrina: Mahirap Ann, binigay ko kasi lahat ng pagmamahal ko sa taong yon at laking pasasalamat ko kahit mahal na mahal ko siya di pa rin ako bumigay sa kanya .
Ann: Kaya nga Kat, yan talaga ang inaalala ko sa iyo, ingatan mo talaga sarili mo, mahalin mo na sila lahat basta huwag ka lang bumigay okay?
Katrina: Oo naman , salamat sa pag-alala mo
Ann: Walang anuman Kat, kaya nga magbestfriend tayo di ba?
Doon natapos ang pag-uusap ng magkaibigan
Tuloy ang buhay estudyante, patuloy pa rin sa pagtanggap ng mga manliligaw si Katrina dahil natatakot na talaga siyang magseryoso. Ayaw na ayaw niya ng masaktan ulit, kaya kahit yung magbestfriend na nanligaw sa kanya ay napagkatuwaan niyang sagutin pareho ngunit mas nauna yung parang childhood sweetheart niya sa kanilang probinsiya.
Masuwerte pa rin si Katrina dahil nuong nalaman ng childhood sweetheart niya na dalawa sila ng bestfriend niya na pinagsabay ni Katrina ay nagawa pa rin siyang patawarin nito. Pakiramdam ni Katrina ay mahal talaga siya nito, kaya lang dumating talaga na siya na talaga ang umayaw nito kahit pa sa sobrang kabaitan na ipinakita sa kanya. Ang dahilan ay nagtagpo ulit sila yung dating nagparamdam sa kanya noon, kaya lang my boyfriend na kasi siya noon kaya hindi niya ito pinansin kahit may kahawig itong artista(Ricky Davao) di ba ang pogi.
Ito na po ang inyong aabangan kung magiging okey na kaya ang pang apat na pag-ibig ng ating bida?
Ang larawan ay galing sa pixabay
Sana maibigan ninyo ulit ang kuwento ko
Ito po ay orihinal na gawa ko.
Salamat guys sa pgboto
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit