Isa sa sampu, Isang Walang katulad. # Kwentong-nanay

in kwentong-nanay •  6 years ago  (edited)

Marahil napakaraming kwento na nagsisilbing inspirasyon ang ating mga Ina. Kaya't nais kong maibahagi din naman ang kwento ng aking Ina. Ang layon ko ay upang sa ganitong paraan maipakita ko ang aking pagmamahal.

Sa mga nagtatanong bakit isa sampu? at aking tugon ay ito Isa ang aking ina sa sampu o higit pang dahilan kung bakit ako matagtag sa buhay. Nagiisa man siya daig pa niya ang sampu kung magmamahal. Sampung beses man siyang mahirapan
isa parin ang dahilan sa araw-araw kung bakit siya nagpapatuloy yun ay ang pagmahahal niya sa amin.

Mula aking pagkabata nakita ko ang aking ina sa kanyang pagtataguyod sa aming pamilya, bukod sa pag aalaga niya sa amin ay nagsisikap siya na tumulong sa aming pang araw-araw na gastusin, Nandyan ang magtinda siya ng kung ano-ano
gaya ng gulay, tinapay , isda , kwintas at marami pang iba . Nandyan ang magtayo siya ng karinderya mangupahan sa palengke at magtinda ng tuyo halos lahat ng posibleng pagkakitaan sinubok niya , Umakyat sa bus at magtinda ng tubig at mag repak ng uling . Lahat ng yan at higit pa ginawa ng aking Ina dahil sa pagmamahal.

Sa mga panahong nakikita ko siya wala akong maapuhap na salita para sukat iganti sa lahat ng kabutihan niya sa amin.
Araw-araw siyang bumabangon ng maaga at huling-huli na matutulog para lamang kami ay mapaglingkuran.
Kailanman hindi ko siyang nakita sumuko sa lahat ng hamon ng ibinigay sa kanya.

Kaya naman alay ko sa kanya itong aking liham.
Isa Siyang walang katulad kahit na sa araw ay babad sa ginwaha ay salat
Isa Siyang uliran kahit mahirapan ngiti at yakap sapat nang maibayad
Isa Siyang Ina na handang magsakrispisyo alang alang sa mga mahal niya.
Isa lang siya OO nag Iisa , Siya ang nagiisa kong Ina Na walang katulad.
10462976_1084790164870699_8528099153296445602_n.jpg
Ngayon ang aking Ina ay may katandaan na sa gulang , May panahon nakikita ko siyang lipos ng karamdaman.
Bagbag na puso ang sa aking tumatahan di ko maihalintulad sakit na nararamdaman.
Sa bawat pagpatak ng kanyang luha animoy malamig na hangin sa akin ay dumadaan
Bawat daing ng sakit dulot ng kanyang katawan ay gumugupiling.
Wala naman akong sukat iganti puso ay nagdirimdim
Pero sa tuwing akoy magtatanong bakit ka nagpapatuloy sa pagaasikaso at pagaalaga sa amin
Isang tugon lang aking narinig. Anak ko kayo lahat ng ito ay para sa inyo.

Di napigilang pumatak ng aking luha sa tuwing maalala ko ang lahat ng kanyang hirap.
Di naman sapat ang salitang Walang Katulad , Para sa Isang Dakilang Ina ang nararapat suklian ng pagibig ng Anak na liyag.

Nawa po ay nagsilbing Inspirasyon ang aking Ina para sa iba. Kung sasaysayin ko lahat ng bagay tunkol po sa kanya kahit siguro isang libro ay kulang pa. :)
18010256_1888018504802654_5602220833704134668_n.jpg
Mahal na mahal ko ang akin Ina. Kaya ko ito na isulat. :)

Ang iyong kaibigan Gedz :)

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Salamat Gedz sa iyong kwento :)
Tunay nga ang mga ina sobrang di nila talaga tayo kayang tiisin. Maghirap na sila huwag lang tayo. Grabe na imagine ko si Nanay sa kakulitan namin buti nalang magulo parin kami at may palo lagi hanggang ngayon hahaha.

Entry accepted po :)

Umiiyak ako ng ginagawa ko ito kasi sobrang mahal ko po ang nanay ko kita ko kasi ang hirap niya mula pagkabata namin. Gusto ko po siyang mapasaya sana po manalo ! :)
salamat po sa pagpansin sa entry ko maraming salamat po

Lahat ng entry mapapansin sympre :) Ayan ang munting adhikain ni @tagalogtrail ang mapansin at mabigyan ng komento ang mga akdang nasa wikang Filipino :)