Ang Tunay na Kwento ni Nanay

in kwentong-nanay •  7 years ago  (edited)

Ako si Marie Joy A. Cajes ang tawag sa akin ng aking ina ay Juyjuy, Ang Pangalan ng aking mahal na ina ay Josephine, Sa aking naaalala siya ang Balat Kayumanggi, maliit at palaging may ngiti sa mga labi, ngunit matagal ko na itong hindi nasisilayan buhat ng siya ay lumisan.

Ako ay may kasintahan taong 2007 naganap ang bagay na ni minsan hindi lubos pumasok sa aking isipan, Kasalukuyan kami nag uusap sa telepono ng aking kasintahan sapagkat kami ay nasa isang relasyon na pinag layo ng tadhana upang mag patuloy sa pag aaral, Ang pangalan nya ay @michealkey, habang kami ay nag uusap may kung anong tunog ang pumuputol sa aming usapan, isang tugtug mula sa instrumento na piano na tila tugtug na malungkot at walang kabuhay buhay, naulit ito sa loob ng isang linggo, ipinag sawalang bahala namin sapagkat alam namin na mahirap maka sagap ng signal mula sa lugar kung saan ako ay na roon.

Isang gabi ako at ang aking ama ay mahimbing na natutulog, alas dose ng hating gabi ng biglang ako'y na alimpungatan sapagkat ang aking ama ay may kausap sa telepono ng mga oras na iyon, malalim ang boses at tila paiyak, nag taka ako naisip ko na baka ako'y nanaginip lamang, bigla akong ginising ng akin ama,

Papa: "Anak, bukas uuwi tayo ng Maynila"
Ako: "Bakit pa?"
Papa: " Patay na si mama"

Patay na ang Mama ko, Hindi ko alam, anong nangyari, magulo ang isipan, hindi na ako nakatulog, ngayon napag tanto ko ang kahulugan ng paino sa pumuputol sa aming usapan ng aking kasintahan, sapagkat ang aking ina ay mahilig at mahusay sa pag tugtug ng piano, siya pala ay nag papahiwatig na lilisanin na kami.

Si mama ay dapat susunod sa amin sa Davao upang dito na sa davao mag patuloy ng pamumuhay, pero sa kasamaang palad siya ay binawian ng buhay, hindi normal ang kanyang pag kamatay, hindi uri ng sakit, kundi tao din ang kumitil sa kanyang buhay. Bayarang mamatay tao alitan sa pagitan ng lupa na kinatitirikan ng aming bahay, siya daw ay tinik sa lalamunan kaya hindi matuloy ang demolisyon sa aming lugar sa cogeo antipolo, base sa lumabas na imbestigasyon nag mamdaling bumili ang isang lalaki ng sigarilyo sa aming tindahan sa dis oras ng hating gabi, pinag bigyan niya ito at akmang tatalikod upang bumalik na sa loob ng aming tahanan ng siya ay binaril ng 6 na bala ng baril sa katawan at panapos sa ulo, sanaysay ng pulisya noong kami ay nakabalik na mula sa probinsya. May Testigo ngunit isang bata na aming kapit bahay, siya sana ang kakapanayamin ngunit ito ay itinakas ng magulang sa takot na madamay sa gulo na nangyari sa aming pamilya. hanggang ngayon ito ay nanatiling lihim kung sino ang pumatay at kung sino ang nasa likod ng pag patay.

Malalim ang sugat sa aking puso, na hanggang ngayon ay dala-dala ko, sa kawalaan ipinag pasa diyos na lang namin ito sapagkat wala kaming sapat na kakayahan upang mag bayad at buksan muli ang imbistigasyon.

sa Tuwing sasapit ang mga ganitong okasyon, Araw ng mga ina ay labis akong nalulungkot, Ngunit ako ay naniniwala na lahat ng bagay na nangyayari sa ating buhay, maganda man o di kaaya-aya ito ay nakatadhana na mangyari. Ang tanging masasabi ko na lang ay masambit at ipadala sa hangin ang katagang MAHAL KITA MAMA

2018_0425_09413000.jpg

2018_0425_09422300.jpg

Ang aming Unang Litrato

2018_0425_09424500.jpg

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Hi @mariejoyacajes, thanks for using @steemph.antipolo's services I give 94% upvote for this post thanks to : @mariejoyacajes

Huhuhu ate @mariejoyacajes umiiyak kami ni Junjun habang binabasa namin yung kwento. Salamat po sa pagbabahagi.

ako din umiiyak maeron akong video kung saan diko napigilan umiyak, Salamat @tagalogtrail nais ko kasi ito ibahagi, upang ipahiwatig sa iba na habang may nanay, ina, mama sila ay pahalagahan, mahalin, ipakita at ipadama ang pag mamahal sapagkat oras na lisanin ka ng mahal mo sa buhay ay wala ka ng babalikan kundi alaala

Grabe! di maiwasan ang emosyon.. Darating di ang araw na makamtan niyo ang katarungan kung di man dito sa lupa, ay sa harap ng Diyos na may likha. salamat sa pagbahagi kabayang @mariejoyacajes.

walang anuman kabayan @fherdz ipag pasa diyos natin ang mga ganitong pangyayari sa buhay natin

Nakakaiyak naman juyjuy naalala q tuloy mama mo kapag nagpapaino

we share the same feelings

happy mothers day beshy @beyonddisability

Ang pagkawala ng ina para sa akin ang pinakamasakit na bagay. Stay strong lang ate.

opo kuya @ryancalaunan maraming salamat po

16 pako ate hahahaha

Masarap talaga alalahanin ang masasayang araw mo sa kandungan ng iyong ina, kaya sa mga may roon pang ina mahalin natin sila ng todo at iparamdam natin ito sa kanila. nakakaiyak ang kwentong ito @mariejoyacajes.

*Salamat @steemph.antipolo mapapalad ang kumpleto pa ang magulang kaya pahalagahan at mahalin

Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by Mariejoy from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, theprophet0, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.

If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.