Ako ay isang ina na nangangarap na mabigyan nang maganda at maayos na buhay ang aking mga anak sa tulong nang aking butihin at responsableng asawa na si Ronald. Masaya at mapayapa ang aming pamilya. Ito ay binubuo ng takot sa Diyos, respeto, tiwala at pagmamahalan. Namumuhay kami ng simple at masaya sa kabila ng mga pagsubok sa buhay.
Ang aming masayang pamilya ay nabalot ng lungkot noon mismong kaarawan ng aking mahal na asawa. May 22, 2014 ang eksaktong araw ng kanyang kapanganakan at ako ay kinakailangang pumasok sa trabaho kung kayat inihatid niya ako. Ilang sandali lang bago mag-tanghali at siya nagpaalam upang pagasolinahan ang aming motorsiklo. Hindi pa natatagalan ng tumawag ang aking ina upang ibalita na ang asawa ko ay naaksidente na lubha kong ikinagulat, samantala ang aking mga kasamahan ay pilit akong pinapayapa dahil makakasama raw ito sa ipinagbubuntis ko. At sa isiping iyon ay pilit kong pinatatag ang aking kalooban. Nagtungo kami sa ospital at pagdating doon ako ay nanlumo nang makita ang kanyang kalunos-lunos na sinapit. Tinanong ko sya kung ano ang nangyari ngunit ni hindi na nya kaya pang magsalita bagkos isang malungkot na tingin na lamang ang kanyang naisukli. Napakasakit na makita ang aking kabiyak sa ganung kalagayan. Sinabi ng mga doktor na kinakailangan niyang sumailalim sa operasyon dahil hinala nila na may namumuong dugo sa kanyang katawan at gayun din sa kanyang ulo, ngunit sa kasamaang palad nasira ang aparato na magagamit upang masuri siya ng mabuti sa bahagi ng ulo. Hindi ko na raw siya maaring ilipat ng pagamutan dahil kinakailangan na siyang maoperahan kung kayat ginawa na nila ang operasyon. Maraming dugo ang kanilang hinihingi ngunit wala kaming makuha na katipo nang kanyang dugo. Sinabi ng doktor na dahil sa kakulangan sa dugo ay napipilitan silang isalin muli sa kanyang katawan ang mga tumatagas na dugo. Pinapasok ako at ang kanyang ina ng mga doktor upang makausap siya dahil ayon sa kanila naririnig nya kami kahit nasa ganoong kalagayan siya halos mamatay ako sa tanawing iyon, hangang sa ilipat na siya sa ICU or intensive care unit. Doon ay hindi na raw ako maaring pumasok, kung kayat ako ay pinayuhan ng aking mga kapatid na lumabas muna upang kumain dahil maghahating-gabi na noon ay hindi pa ako nanananghali at nag-aalala na sila sa aking kalagayan. Sinunod ko sila at ako ay kumain nang mainit na lugaw. Ako ay pabalik na nang masalubong ang aking kapatid na nagmamadali dahil ako raw ay ipinatatawag ng mga doktor. Noong oras palang iyon ay nag-aagaw buhay na ang aking asawa halos kumaripas na ako paakyat ng mga hagdan at nagmamadali akong nagpumilit pumasok sa ICU. Pagdating ko doon ay sinusubukan na nilang ibalik siya hanggang sa ideklara nila ang oras ng kanyang kamatayan. Hindi ko iyon matanggap at nagsisigaw akong nakiki-usap sa kanila na ipagpatuloy nila ang kanilang ginagawa at turukan nilang muli siya ng gamot upang mabuhay, ngunit hindi naraw maari dahil naiturok na nila ang nararapat hindi na raw maari. Para narin akong pinatay ng mga oras na iyon, gumuho ang aking mundo halos mabaliw ako at hindi ko mapaniwalaan ang lahat gusto kong isipin na isang panaginip lamang ang lahat. Namatay siya bago matapos ang kanyang kaarawan at ang pinakamasakit ay hindi ko mailabas sa ospital ang kanyang bangkay dahil hinihingan nila ako ng garantiya. Ang kanyang mga kamag-anak ay umuwi ng Maynila upang makakuha ng dokumentong maaaring iprenda sa kanila. Nakiusap ako na kung maari siya ay palabasin upang maisaayos dahil tiyak naming dadalahin ang kailangang dokumento, subalit hindi sila pumayag kaya’t hiningi ang motor nmin at ang mga papeles nito habang wala pa ang titilo na nauna naming sinabi na ipeprenda sa kanila. Naibigay ko na ang motor at papeles ngunit hindi parin sila pumapayag na siya ay mailabas. Hindi ko na napigilan ang aking galit at sumugod sa kanila dahil lagpas alas-otso na ng umaga noon, mahigit walong oras na ang kanyang bankay, sa takot nila na dalhin ko ang bangkay sa harapan nang ospital pumayag sila ngunit inabot parin nang tanghali bago ko siya nailabas.
Dito nagsimula ang aking pakikibaka bilang ina at ama ng aking tatlong anak habang ang isa ay nasa loob pa nang aking sinapupunan. Mag isa kong binubuhay ang aking mga anak sa paraang alam ko na marangal. Marami at mas mahihirap ang mga suliraning aming kinakaharap ngunit pinipili kong lumaban at magpakatatag para sa mga anghel nang aking buhay.
Sa ngayon ay apat na taon na ang nakalilipas at patuloy parin kami sa paglaban sa mga pagsubok sa buhay. Pinipili kong ipakita ang katatagan lalong lalu na sa panahon na naghahanap sila ng ama o nang pagmamahal niya. Hindi ako nagsasawa na ipaliwanag at ipakita ang aking pagmamahal sa kanila. Sa awa nang Diyos ay lumalaki sila na may takot sa Diyos at disiplina. Natututo rin silang magtulungan at magmahalan. Dahil sa takot kong sila ay magutom at hindi ko mabigyan ng kanilang pangangailangan ay ginagawa kong araw ang gabi nang sa gayon ay madagdagan pa ang aking kita pangsuporta sa kanila. Mayroon akong tatlong trabaho at kung minsan ay apat pa at sa kabila nito ako rin ay nag-aaral upang patuloy kong mapaunlad ang aking sarili upang pagdating nang panahon ay masuportahan ko parin sila sa kabila ng paglaki nang gastos habang sila ay lumalaki at nag-aaral. Sa kanila ako kumukuha ng inspirasyon at lakas nang loob upang ituloy ang aking buhay.
Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Nangingilid na mga luha ay diko maiwasan habang binababasa ko to mam @micaiah, Nalulungkot ako sa nangyari pero ang tibay mo sa pagharap ng mga pagsubok. Kudos sayo mam. Pagpalain ka ng Diyos. salamat sa pagbahagi ng kwento mo na nakaka- encourage sakin sa pagharap ng problema, Problemang napakaliit pala para ikumpara sa naranasan mo.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Ang totoo po kulang p nga yan kc pinaikli ko n dahil bk sumobra s bilang ng mga salita. Alam mo po lahat tayo ay may problema n maaring tingin ntin ay malaki ngunit sa iba ay maliit may maliit nmn s tingin natin n malaki n sa iba ang mahalaga po ay matuto tayo tumawag sa Diyos dahil anu man ang ating pasanin Sigurado mababawasan. Kaya nyo po yan laban lang sk tiwala sa Diyos. God bless po.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Salamat po sa pagsali ate @micaiah 😍
Grabe ang daming pagsubok 😭 😭 Strong mom! 👊 👊
Salamat po sa inspirasyon at inyong pagbabahagi ng inyong #kwentong-nanay
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Thank you din it helps me release the pain sometimes.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit