Advance Happy Mothers Day! [KUWENTONG-NANAY ENTRY]

in kwentong-nanay •  6 years ago 

mama2.jpg


Magandang umaga Pilipinas. Magandang hapon at magandang gabi Estados Unidos. Ito nga pala ang aking kuwentong nanay, bagamat ako'y wala ng nanay sapagkat ako'y kaniyang iniwan noong ako'y Dalawa't kalahating taong gulang. Wala pa akong kasintahan at asawa kaya hindi ako puwede sa hanay na iyon. Kaya ito na simulan na natin ang kuwentong nanay ni Deshawn Tragnetti. Ako nga pala 'yong batang nakatalikod diyan sa larawang kupas.


Taong 1988, noong ang aking ina'y lumisan sa aming bahay at nag-tungo sa ibayong dagat. Ito ay ayon sa aking ama. Hanggang ngayon ay hindi pa rin namin siya nakikita ng aking mga kapatid, mga kapatid sa ina. Ako po ay lumaki sa piling ng aking mabuting ate, hindi man kami mag-kapatid na buo ay pinatunayan niya na hindi dahilan ang buo o kalahati kapag dugo na ang pinag-uusapan. Hindi ko man maipakita ang litrato o larawan ng aking kapatid sa kadahilanan na wala pa niyang pahintulot na gamitin ko ang kaniyang mga larawan dito sa aking kuwentong nanay. Matagal nag-trabaho ang aking ama sa bansang France, marahil iyon na rin siguro ang dahilan nang hiwalayan nila. Ako'y nag-papasalamat sa aking mga ate na humalili sa aking ina at nag-papasalamat din ako sa aking ina na nag-luwal sa akin. Salamat ina kahit muntik ka nang mamatay ay isinilang mo pa rin ako.

mama1.jpg


Hindi man tayo nag-kasama sa mahabang panahon, ako ay walang sama ng loob sa'yo, kung ang diyos ay nag-papatawad ako pa kaya na tao lang. Ang mga litrato o larawan na naiwan sa'kin ay mag-sisilbing alaala mo na minsa'y aking inaasam na ika'y babalik. Naisip ko minsan natatandaan mo pa ba ang mukha ko? O kilala mo pa ba ako? Hindi naman mahalaga kung nag-kasama man nang matagal o hindi. Ang importante ang lukso ng dugo iyong pakiramdam na malayo man o malapit, nag-kasama man o hindi ay nandoon ang pag-mamahal. Hindi batayan sa'kin ang pag-lisan ng isang tao. Alam ko na may maganda silang dahilang kung bakit nila nagawa ang mga bagay na iyon. Ang masasabi ko nay ako'y lumaking hindi nag-kakasala sa batas, lumaki akong maayos, bagamat nag-kasala ako sa aking relihiyon sa kadahilanan na ako'y mahilig, mahilig kumain. Ako naman ay nag-kumpisal na at dali dali naman akong pinatawad ng Panginoong Diyos. Maraming salamat din sa aking ama sa pag-gawa sa'kin dahil kung gumamit siya ng alam niyo na hindi ako mabubuo at salamat din ina kasi hindi mo ako pinalaglag bagkus isinugal mo ang iyong buhay para ako'y iyong isilang. Kung hindi dahil sa inyo wala alamat sa kaululan ngayon. Maraming salamat din sa mga ate ko na walang sawang sumusuporta sa akin lalu na iyong panganay kong kapatid, maski isang beses ay hindi pa tayo nag-talo o nagkaroon ng argumento hindi man ikaw kasing yaman nila, pinatunayan mo na mahal na mahal mo ako at isiningit mo akong alagaan sa kabila ng abalang abala ka sa iyong pag-aaral noong ikaw ay kolehiyo pa. Salamat din sa aking step-mother na nakilala ko na noong ako'y malaki na, salamat at lagi kayong andiyan sa tabi ko. Inay hindi mo man magampanan ang iyong obligasyon, alam ko po na laging nandirito ang iyong espiritu na nag-babantay sa akin. Kaunti man ang alaala mo sa aking isipan isa ka pa ring inspirasyon sa araw-araw kong buhay. Sana ay mabasa mo ito kung nasaan ka man. Sana ay maayos ka pa at sana tayo'y mag-kita sa lalung madaling panahon. Lagi ko pong tinatandaan ang mga bilin sa akin lalu po iyong pinaka importante "kung tutulong ako sa aking kapwa ay dapat hindi ako mang-hingi ng thank you o kaya naman ay papuri. Basta ang importante ay bokal sa loob mo ang pag-tulong." Hanggang dito na lang po ako, sana po ay maibigan niyo ang aking munting liham o blog para po sa iyo. Hanggang sa muli po paalam.


Nag-mamahal,


DeShawn a.k.a 2K

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  
  ·  6 years ago (edited)

..kahit lumaki k ng wala ung mama mo s tabi mo.. we know that she's happy kc you did well...lumaki k ng maayos .. maraming tanong but despite of all that questions...alam mo n mahal k ng mama mo.. and that what matters most db... 😃😃😃

Yes thank you kindly. Magagalit siya sa'kin kasi wala pa daw siyang apo sa'kin haha.

..ahahaha sabihin mo s mama mo kng pwde apo lng.. wla ng manugang..ahahahaha😂😂😂

Haha oo nga no. Sana hindi magalit kapag sinabi ko yun haha. Adik mo lang.

Maraming hugs sa iyo friend @twotripleow. Inspiring!

Maraming salamat idolestest. Hugs back!!

Why it's hard to read in pure tagalog po noh? Parang ang hirap himay himayan ng bawat salita. May foreign blood ka pala sir eh hehe. Nice i like your mother's day post. Gagayahin q din haha

Haha mas madali tagalog basahin. Araw-araw naman natin salita e. Kailangan kasi tagalog ang sulat kasi kailangan sa contest e. Yung mga next na sasalihan ko english poetry na. Lahat ng contest sinasaliha ko tagalog english hehe. Saka 11 days palang na puro tagalog posts ko.