BUHAY KO
Ikaw ang dahilan kung bakit patuloy na nakasindi ang ilaw ni mama.
Ikaw ang nagpapatatag at nagbibigay lakas kay mama. Ikaw ang inspirasyon ni mama.
Sa oras na matamlay at malungkot si mama makita lang kitang masaya at masigla, masaya na rin si mama.
Ikaw ang dahilan kung bakit maagang gumigising si mama at kumikilos
araw-araw.
Napakabait mong bata sinusuklian mo ang pagmamahal ni mama. Nakikinig ka palagi kay mama. Alam mo kung ano ang gusto at ayaw ni mama. Alam mo rin kung paano susuyuin si mama kapag nagagalit dahil minsan naging pasaway ka.
Napakaalalahanin mong bata, kapag di mo nakasabay si mama sa pagkain tinatanong mo kung nakakain na ako.
Taglay mo palagi ang pang uunawa kay mama kapag hindi naibigay ni mama ang iyong hiling.
Anak, patawarin mo si mama sa mga pagkukulang niya sa mga materyal na bagay.
Ngunit ipapangako naman lage ni mama na maibigay sa iyo ang hiling mo balang araw. Bigyan mo lang ng panahon si mama. Tandaan mo anak salat man tayo sa materyal na bagay nag uumapaw naman ang pagmamahal at pag aaruga ni mama.
Wala nang mas hihigit pa sa pagmamahal na ibibigay ni mama sa iyo.
Tandaan mo anak walang oras na hindi iniisip ni mama ang mga hiling mo dahil walang importante sa akin kundi ang kaligayahan mo.
Ipapangako kong magiging mabuti akong ina sa iyo at sisikapin kung punuan pa ng pagmamahal ang pag-aalaga, pagbantay at pag gabay ko sa iyo upang mapunuan ang mga sandaling wala si papa mo
Wala akong ibang hiling sa Dios kundi ang mapaayos ang iyong buhay. Gabayan kayo lage ng Panginoon ni papa at iligtas sa lahat ng disgrasya.
Kahit magkaroon kana ng sarili mong buhay at pamilya tandaan mo Mahal na Mahal na Mahal ka namin ni papa.