Ang aking kwento ay tungkol ito sa totoong pangyayari sa aming pamilya.
May dalawa kaming anak si Morikin na mag pitong taong gulang at si Math Fabio ay dalawang taon pa lamang.
Noong ika-lima nang Pebrero nitong taon, ay ika pitong kaarawan nang panganay kong anak na si Morikin. Simple lamang ang kanyang hiling, gusto niyang magkaroon nang manga alagang isda.
Ang sabi ko sa kanya para makabili ka nang manga bagay na gusto mo ay dapat pag ipunan mo ang manga ito, para malaman mo ang halaga nito. Habang bata pa siya ay palagi ko siyang pina-alalahanan tungkol sa pag iipon at halaga nang pera para hindi siya lumaking magastos.
Gumawa ako nang kanyang alkansiya at minsan ay nagtatabi siya nang lima hanggat sampung piso mula sa kanyang baon. Hanggang sa lumaki ang laman nitong pera. Kaya nung kaarawan na niya, amin itong binuksan at laking gulat ko nang halos umabot ito nang halos pitongdaang peso! At ako'y lubos na nagpapasalamat at talagang luhaan akong yumakap sa kanya ng mahigpit dahil hindi niya ako binigo at tinutupad niya ang kanyang pangako na mag ipon. Halos hindi ako maka paniwala sa oras na iyon.
Bumili kaagad kami nang maliit na aquarium at oxygen pipe at nagkahalaga nang halos tatlong daan.Pagkatapos ay bumili kami nang pitong maliliit na manga isda na may ibat-ibang nakaka aliw na kulay. Ang pitong isda ay simbolo ng kanyang ika-pitong kaarawan.
Abot hanggang langit ang kanyang ngiti at ang saya saya niya dahil sa katuparan nang kanyang munting hiling.
Nagtulong tulong kaming alagaan ang manga ito at pinanatiling malinis ang tubig sa aquarium para hindi sila mamatay. Palagi niya itong pinapakain nang dalawang beses isang araw.Naging bonding narin namin itong mag ama. Minsan pag uwi ko galing sa trabaho, nawala din ang pagod ko dahil sa aliw habang pinapanood ko ang manga maliliit na isda habang lumalangoy.
Hanggang ngayon inaalagaan at mahal na mahal ni Mori ang manga ito. Palagi kung sinasabi sa kanya na dapat ingatan ang manga ito dahil ang mga hayop ay regalo sa atin mula sa ating panginoon. Dapat din itong tratuhin bilang tao.
"Mula sa Bibliya"
Genisis 1:28
Magkaroon kayo nang kapamahalaan sa mga isda sa dagat at sa bawat lumilipad na nilalang sa langit at sa bawat nilalang na gumagala sa lupa.
Exodu 23:4-5
Sa kautusang ibinigay nya sa mga Israelita,tiniyak ng diyos na ang mga hayop ay may pahinga,pagkain at proteksyon.
Sana po nagustuhan nyo ang aking maikling kwento.
Nagpapasalamat,
Upvoted This post. Im one of your followers now too.
For more info pls check my latest blog at @abchro thanks
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
This post has received gratitude of 2.15% from @appreciator courtesy of @juichi!
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit