Likhang Filipino sa Steemit Ikalimang Edsiyon

in likhang-filipino •  6 years ago 

Magandang Buhay mga Kababayan!

Dahil aming napapansin na maraming mga likhang Filipino sa Steemit ang hindi nabibigyan ng karampatang eksposyur, kami sa @Steemph.antipolo ay nagkaisa na bigyan sila ng pagkakataong makilala pa sa pamamagitan ng pagtampok sa mga likhang Filipino sa akawnt na ito.

Narito ang mga akdang aming napili para itampok sa araw na ito...

Unang akda na napili ay mula kay @annazsarinacruz

Naniniwala ka ba sa "Deja Vu". Kung hindi eh bahala ka sa buhay mo hehe. Jokel ang po. Ang "Deja Vu" ay kaganapan sa ngayon ay tila sa kung saang bahagi ng buhay mo ay tila naganap na. Madalas sa hinagap o panaginip muna tapos bigla o isang araw magaganap nga. Ito ang tema ng kwento ni Bb. @annazsarinacruz. Din ako magkukwento pa basta basahin nyo na lang ng maranasan nyo rin ang "thrill"

Ikalawang akda na napili ay mula kay @xorexman

Oo na sige na. Hindi nga ito isang uri ng literatura. Pero sa pagbabasa namin ng blog ni @xorexman ay aming napagtanto ang kanyang adhikain na ibalik ang gawang kamay na may tatak Filipino. Aba naman kung kayo ay duda silipin ninyo ang kanyang blog at kayo ay mapapanganga sa kanyang mga "handicraft". Panalo itong pang-souvenir sa mga okasyon. Malakas ang kutob namin na ito ay papatok sa hinaharap. Kitang-kita rin ang pagmamahal sa bawat likhang kamay na ito

.

Ikatlong akda na napili mula kay @ diosarich

Nais nyo ba ng pampagoodvibes. Ito na ang hinahanp ninyo. Ang kwentong ito ay larawan ng mga makabagong kabataan sa panahon ngayon. Bagaman ang bida ay isang millennial mababakas pa rin sa kwento ang pagpapahalaga ng mga Filipino sa kanilang pamilya. Maalala mo ang mahal mong pamilya sa akdang ito

Paano ba maitampok sa @likhang-filipino

Para mapabilang sa mga itatampok na post, narito ang ilan sa mga alituntunin na kailangang sundin :

  1. Orihinal na akda lamang ang maaring isulat.
  2. Mangyaring gamitin lamang po ang tag na #likhang-filipino kahit hindi ito ang unang tag (dahil kami ay nasa estado pa lang ng pagtatanim, kahit anong tag ay pwede muna sa ngayon)
  3. Para sa maikling kwento, kailangang lumampas sa 300 na mga salita. Para sa tula, ang lampas tatlong saknong sa apatang linya (3stanzas of 4lines) ang mabibilang. Para sa sanaysay, tatlong talata naman pataas.
  4. Orihinal na larawan ang dapat gamitin. Kung hindi naman, idetalye nang malinaw ang pinagkuhanan ng larawan.
  5. Ang mga posts hanggang sa ika-apat na araw lamang ang aming pwedeng itampok. (Posts must be recent up to 4days old)
  6. Kapag naitampok na po ang isang awtor, siya ay sasailalim sa isang linggong cooldown period upang mabigyang daan ang iba pang manunulat na maitampok naman sa nasabing akawnt.
  7. Ang ating mga hunters ay mas magpopokus sa mensahe ng blog kaysa sa wastong gramatika gamit ng akda. Samakatuwid, kahit ang gramatika ay may mali, may pagkakataon pa rin po itong maitampok.

Ano pa ang hinihintay ninyo?! Tara na at magsulat sa wikang Filipino!


[]

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Hi! I am a robot. I just upvoted you! Readers might be interested in similar content by the same author:
https://steemit.com/steemph-antipolo/@likhang-filipino/likhang-filipino-sa-steemit-ika-apat-na-edisyon