Likhang Filipino sa Steemit Unang Edisyon

in likhang-filipino •  7 years ago 

Mapagpalang gabi po sainyong lahat! Una, humihingi kami ng pasensya sa pagkakabinbin ng aming edisyon para sa Linggong ito. Hindi po lingid sa atin ang pagkakaroon ng bagyo dito sa ating bansa. Masarap ang panahon ng tag-ulan ngunit mas masarap itong namnamin kung tamang ulan lamang ang bumabagsak sa ating mga bubong. Sa panahong ito, masarap ang magkape habang sumusulat ng isang akda. Kaya naman sana, inyong magustuhan ang aming 3 akdang napili para sa linggong ito. Narito po ang aming 3 akdang napili na gawa sa Filipino dito sa Stemit mula sa ika-2 hanggang sa ika-8 ng alas dose ng tanghali ngayong Hulyo.

PAMAGAT: Sa Likod ng Mabigat na Costume

LINK: https://steemit.com/philippines/@johnpd/sa-likod-ng-mabigat-na-costume

May Akda: @johnpd

Ang akdang ito Ni @johnpd ay patungkol sa isang trabahong pagsusuot ng Mascot. Sadyang hindi ito madali, ang pagsusuot pa lamang ng pang-mascot ay talaga namang napakabigat at napakainit sa loob nito. Ang nakakabilib lamang sa mga taong nasa likod nito, kahit na may nararamadaman sila tulad ng sama ng loob ay kailangan pa rin nilang gumanap ng kaniyang karakter at magpasaya ng mga batang kaniyang manonod. Saludo kami sa hindi birong inyong trabaho! Maaari ninyong basahin ang akdang ito na nasa link sa itaas.

PAMAGAT: SELDA KATORSE

LINK: https://steemit.com/tagalogtrail/@beyonddisability/selda-katorse

May Akda: @beyonddisability

Totoong nangyayari ito sa buhay ng ating kapwa lalo na sa batas natin ngayon. Dito sa Pilipinas, may batas ngayon na hinuhuli ang karamihan ng mga Tambay o yung mga taong nasa labas lamang ng kanilang bahay lalo na kung ang mga ito ay lalaki at walang suot na pang-itaas. Ipinapakita rito sa akdang ito Ni @beyonddisability na sadyang ipinapatupad na ang batas na ito lalo na sa Maynila. Doble ingat na lamang tayo mga Kabayan!

PAMAGAT: ULAN (A Short Filipino Poetry)

LINK: https://steemit.com/philippines/@julie26/ulan-a-short-filipino-poetry

May Akda: @julie26

Talaga nga namang masarap ang panahon ng tag-ulan. Ang akdang ito Ni @julie26 ay akma sa ating panahon. Ito ay isang tula na tungkol sa pag-alala sa dating pag-ibig habang siya ay nagkakape at kayakap ang unan. Kay sarap ngang sariwaan ang ilan sa mga ala-alang ating pinagdaanan na ngayon ay ngingitian mo na lamang.

Sa ganitong panahon, marami sa atin ang mas masaya, dahil mas kalmado sila sa lamig ng klima at mas masarap ang magsulat na ang tanging ingay lamang sa ating mga teynga ay ang patak ng ulan. Sana po ay inyong nagustuhan ang aming mga napiling mga akda na gawa sa Filipino! Nawa'y nasa mabuting kalagayan po ang lahat sa ganitong panahon! Hanggang sa muli! Maraming salamat po!



STEEMPH-ANTIPOLOfooterPNG-03.png

SteemPHAntipolo-Footer.gif



If you would like to support initiatives on community building and enrichment, kindly check out @steemph, @steemph.cebu, @steemph.iligan, @steemph.davao, @steemph.manila, @steemph.laguna, @steemph.uae, @steemph.negros,@steemph.antipolo and @steemph.bulacan.

Consider casting your witness votes for @precise, @steemgigs, @cloh76.witness and @ausbitbank who have been adding invaluable contribution to the community.
To cast your votes, just go to

https://steemit.com/~witnesses

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

ang kulit ng footer
sobrang ganda haha