#Literaturang-filipino #pag-ibig : Tunay na Pag-ibig (new theme contest #8 )

in literaturang-filipino •  7 years ago  (edited)

Magandang araw sa inyung lahat lalo na sa mga steemians at sa mga kapwa ko pilipino na aktibo sa ganitong uri ng patimpalak :) Ito po ang aking kauna-unahang filipinong akda .Naway masiyahan po kayo .

kaninang umaga habang ako ay gumagawa ng aking #ulog , nabasa ko ang tungkol sa patimpalak na ito sa @steemph.cebu ang #literaturang-filipino na naglalayong maibuklod ang mga Pilipinong manunulat na syang nakapamulat ng aking atensyon. sana po ay makapag bigay ako ng kasiyahan at inspirasyon sa inyu .

32089670_954999894677921_6262268248364941312_n.jpg

                 Tunay na  Pag-ibig ng panginoon 

Ako ay di hamak na isang simpleng mag-aaral . kabilang ako sa iilang mga kabataang may matayog na pangarap . isa sa maraming kabataang nangangarap , at nagsisikap na makamit ang inaasam asam na hangaring magtagumpay sa laban ng buhay.

Sa loob ng 18 na taong aking pakikipag sapalaran , aking natuklasan ang TUNAY NA PAG-IBIG. Yn ang pag-ibig ng Diyos sa atin at sa akin . Totoong may tatlong kasagutan ang panginoon sa bawat hinaing natin , "oo , hindi at maghintay" .

Nung akoy tumungtong ng "Senior High" doon nag simula ang mas malalim at mas tapat na pakikipag relasyon ko sa ating panginoon. ngunit tunay ngang tayo'y kanang susubukin kung gaano tayo ka tapat ang kung gaano natin ka gustong manilbihan sa kanya .

Taong 2011-2012 ay ang taon na ako'y magtatapos sa mababang lebel ng pag-aaral . ako ay nagtapos na walang ni isang parangal ang natamo . Umuwi sa bahay na luha-an at puno ng pag dududa sa aking kakayanan . kung tunay na mabait ang panginoon nung araw na ako ay nalungkot di nya ako pinabayaan , binigyan nya ako ng mabait , maunawain at mapagmahal na pamilya . hindi ko man natamu ang mga parangal na aking hinangad alam ko may rason kung bakit at ako ay nag hintay kung kilan nya sasagutin ang aking katanungan.

Nang ako ay tumungtong ng mataas na paaralan (junior high school) akala ko kanya ng sasagutin ang aking katanungan, ngunit ako ay nasawi . umasang makakamit ko ang mga parangal na matagal kong pinangarap . nakapagtapos ako ng junior high na wala man lang naisabit na medalya sa aming silid . ako'y hindi nawalan ng pag-asa . sa halip na sumuko , nung akoy tumungtong ng Senior High muli akong nagsikap binigay ko lahat ng aking makakaya ng sa ganun masabi ko sa sarili ko sa huli ako ang nag wagi .

sa araw ng ebalwasyon ng aming mga marka subra akong nalugmok ng malaman kong hindi ako napasama sa "high honor" pero tunay na mabait at mapagmahal ang ating Diyos . Hindi man ako napasama sa "high honor" lubos parin akong nagalak lalo na nung sinabing kasama ako sa "with honor" bagaman hindi man napasali sa mga nakatanggap nga mataas na parangal , akoy natuwa dahil napabilang ako sa mga mapaprangalan at masasabi kong talagang nag bunga lahat ng panalangin at pagsusumikap .

Sa araw ng pagtatapos doon ko mas napatunayan na talagang mahal ako ng Diyos . Hindi ako nakatanggap nga may mataas na parangal peron isa ako sa dalawang nakatanggap ng parangal na inaasam sam ng karamihan. yun ang pinakamalaking medalyang aking natanggap at may nakalakip na "certificate" na ako ay nag rank 1 sa kursong aking kinuha . aking napatunayan na ang pagmamahal ay hindi apat minamadali , mararamdaman ang TUNAY NA PAG-IBIG kapag tayo'y nag hintay at hinayaan nating pamunoan ng Diyos ang ating buhay , puso't isipan .

      At dyan lamang po nag tatapos . Maraming salamat . 

maraming salamat sa pag basa ng aking maikling kwento . salamat @steemph.cebu sa upotunidad na nito . hanggang sa muli :)

#steemph.cebu
#literaturang-filipino
#pag-ibig

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Hey @absinkaren,
Your post "#Literaturang-filipino #pag-ibig : Tunay na Pag-ibig (new theme contest #8 )" hast just been resteemed !!!.😉😄😉
You have earned this service just by following me..


😉😄😉 If you want's to stop me, Please Unfollow @tow-heed😻🙃😻

Hello po!

Oo - dahil ang iyong plano ay naayon sa Kaniyang plano.
Hindi - dahil sa ito ay salungat sa nakalaan nya para sa iyo at iniiwas ka niya sa mas malaki pang pagkadurog ng puso.
Maghintay - kasi hindi ka pa handa sa panahong ito. More faith pa daw sa kaniya.

Salamat po sa likhang Tagalog na ito at good luck po sa patimpalak. Tunay nga na ang Diyos ay Pag-ibig.

salamat po .
pananalig sa diyos ang syang susi sa lahat ng panalangi . naway mas gabayan pa tayo ng poong maykapal .

Napakaganda...May aral at punung-puno ng emosyon.

maraming salamat po :) at magandang umaga