Literaturang Filipino | "Ala-Ala" πŸ’”πŸ’”

in literaturang-filipino β€’Β  7 years agoΒ  (edited)

images.jpeg

source of image

Ako si Bryan, Anim na taon na kami ng girlfriend kong si Ivory. Mahaba na din ang aming napagsamahan, marami na ding pagsubok ang nalampasan. LDR Long Distance Relationship, yan ang aming set-up noong umalis si Ivory upang makipag-sapalaran sa Dubai. Sa una masakit, mahirap at malungkot yan ang naramdaman naming dalawa sa unang pagkakataong malayo kami sa isa't-isa.

Nakaraan, Kasalukuyan at Hinaharap. Nagising akong humihikbi at may luha sa mga mata. Pilit na inaalala ang pangyayari sa panaginip na ang tanging natatandaan ay kasama kita... kasama nga ba kita? Kung gayon ay bakit ang pagtangis ang aking nadarama?

Biglang nagbalik sa ala-ala ang mga katagang binitawan mo nung kausap kita.

"Bryan, puro tayo away alam mo yun hindi tayo nagkakaintindihan. Mahal kita, Oo, mahal natin ang isa't-isa pero wala na, wala nang spark ang relasyon nating dalawa."

Ibinaling ang paningin kung saan ay nais kitang makita... Sa dating pwesto mo na sa pag dilat ng mga mata ay matatagpuan kita. Sa tabi ko na mahimbing ang tulog at yayakapin ka..

Ngunit kabaligtaran lamang ang natamasa.. Tuluyan ng aagos ang luha at hindi na mapipigil pa.. Habang ang nakaraan ay pilit na naaalala, habang paulit-ulit na tanong sa sarili ay "Bakit? Bakit ang sakit ng nadarama?"

GALIT, SELOS, PRIDE, balikan ng mali. Minsan hindi ko na alam kung anong pinagtatalunan ng bawat isa pati maliliit na bagay pinag-aawayan. Anong pinaglalaban namin? Parehas kaming talo sa laban na dapat magkakampi kami, masakit na lahat ginagawa ko para magkaroon ulit tayo ng spark pero bakit ganon? Habang lalo kong pinipilit lalong nawawala. Ang dating masaya at magandang pagsasama ay napalitan ng lungkot. Hindi pagbibigayan at hindi pagkakaintindihan.

Bakit nangyari ang mga bagay na ito? Bakit ko piniling manatili kahit na alam kong sa huli ay kabiguan lamang ang matatamo? Bakit ang sakit na makitang ang taong hiniling ko na maging masaya ay nagiging masaya sa piling ng iba?

Bakit ang hirap tanggapin ng mga pagbabago ng mga bagay na nakasanayan na?

Mga tanong na pilit na hinahanapan ng kasagutan ngunit luha na lamang ang pumunan sa mga patlang.

Natagpuan ko na lamang ang sarili dito sa Mount Ulap kasama ang mga kaibigan. Habang binabagtas ang matarik na kabundukan ay nagbalik ang mga ala-ala ng nakaraan.

Hanggang ngayon ay umaasa pa rin ako.. hindi na sayo o sa pag-asang may tayo.. kung hindi sa pag-asang isang araw magigising ako, gising na hindi lamang dahil sa dilat ang mga mata... gising na magbabalik sa akin sa reyalidad.

Mula sa napaka-sakit na nakaraan na patuloy na nararamdaman sa kasalukuyan.. Habang pala isipan pa rin kung ano ang nasa hinaharap.

Dapat pa ba kong lumaban pa? O kailangan ko na lang tanggapin ang katotohanan na hindi tayo ang para sa isa't-isa. Napakasayang love story dyan tayo nagsimula pero katulad ng karamihan mauuwi lang ang relasyon sa wala at ang ending ay kalungkutan. 😒😒

Ang aking kwento ay hango sa totoong buhay ito ay inspired story mula sa aking kaibigan na nakilala sa facebook na si (BRIAN) na isang magaling na manunulat ng tula at ng aking pinsan. Pinalitan ko lamang ang pangalan ng babaeng ginamit kong karakter dito at ang tema ng kwento.

Maraming salamat po sa pagbabasa, more powers po sa @steemph.cebu at sa mga kapwa ko steemian na manunulat din.. maraming maraming salamat po sa mga mambabasa.😘😘

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!