Literaturang Filipino | "Sanib? Naniniwala ka ba?

in literaturang-filipino •  7 years ago  (edited)

images.jpeg
Pinagmulan ng larawan

Mula ng mawala ang papa ni Angelica naisipan ng kanyang mama na bumalik sa kanilang probinsya sa samar, hindi upang mag bakasyon kundi upang manirahan na duon.
Ilang taon ang nag daan ang buhay probinsya ay kanila ring nakasanayan. Isang araw ng yayain siya ng kanyang ina upang mag-laba sa sapa kasama ang kanyang tita. Hindi ito ang pangkaraniwang araw ng paglalaba ng iba nilang taga baryo, pag araw kasi ng labahan maraming tao dito sa sapa na animo'y mga maaawalan ng pwesto sa pag-uunahan.
Araw ng huwebes sila lang ang tao sa ilog ang kanyang mama, tita at si angelica at dahil panganay siya sa magkakapatid naoobliga din siyang maglaba upang matulungan ang kanyang ina. Habang abala sa paglalaba sinabayan ito ng pagkukwentuhan ng kanyang mama at tita at siya'y nakatuon naman sa pagkukuskos ng nilalabhang damit ng biglang nagkaroon siya ng pakiramdam na tila may kasama sila sa sapa. Oo, pakiramdam niya ay hindi lang sila ang naruon sa sapa na iyon ngayon ng mapadako ang kanyang pansin sa di kalayuan at tama si angelica may ibang nilalang na nagmamasid sakanila.

"Mama nakita mo ba 'yon? May tao doon sa likod ng puno nakita kong nakatingin ito sa atin".

"Wala naman Angelica" sagot ng kanyang mama

Ngunit ramdam niya na natakot din ang kanyang mama sa sinabi niya. Pa hapon na din nun at nagmamadali na sila maglaba upang makauwi na marami kasing usap-usapan na may ibang elemento na naninirahan sa sapa.
Ala sais ng gabi habang abala ang kanyang mama sa pagsasaing at libang na libang naman ang kanyang mga kapatid sa panunuod. Si angelica ay naka upo sa isang sulok na biglang nakaramdam ng pamimigat ng ulo ng bigla na lamang itong natumba mula sa pagkaka-upo at nawalan ng malay. Ilang minuto ang nagdaan natataranta na ang mga tao sa kanilang bahay dahil sa pangyayare ng biglang gumising si angelica na nanlilisik ang mga mata kitang kita ang galit sa mga mata nito na sobrang nakakatakot at ang boses ay nag-iba naging isang boses lalake. Nang bigla itong magwala, hawak na siya ng kanyang ibang mga pinsan sa ibang parte ng kanyang katawan upang siya ay mapigilan. Gustong makawala, Nagpupumiglas, Malakas at hindi ito si angelica. Si angelica na tahimik lang na parang may sariling mundo at gustong nag-iisa lang.

unnamed.jpg

pinagmulan ng larawan

Tatlong albularyo din ang tumingin sa kanyang kalagayan ilang alay na din ang naihandog tulad ng manok na may itim ang paa, baboy at pagkatay pa ng ilang manok sa sapa kung saan naroon daw ang katawan ni angelica nung panahong iyon, ngunit bigo sila na mapagaling ang dalaga bagkus ito'y tila lumala pa. Nag patingin ulit sila sa isa pang albularyo sa probinsya naging maayos ang kanyang kalagayan hindi na nagwawala at tila wala na ang sumanib sa kanyang katawan at upang hindi na ito maulit nagpasya ang kanyang mama na umuwi na ang dalaga sa maynila kasama ng kanyang isang kapatid. Ngunit tila nagkamali sila na magaling na ito. Nasa bahay sila ng kanilang tiyahin habang ang lahat ay libang manuod ng telebisyon sa sala bigla nalang nilang narinig si angelica sa taas mag-isa tawa ng tawa na tila may kausap. Pansin na din nila ang nagnanak-nakang sugat sa maputi nitong katawan at isa pa'y ang paglaki ng kanyang tiyan ngunit hindi naman ito buntis.
Nagtungo sila sa center upang magpatingin ngunit imbis na tingnan ang kanyang kalagayan siya ay pinagtawanan. Nang may isang kakilala ang lumapit sakanila at naikwento nga nila ang nangyare kay angelica.

"May kakilala akong albularyo sa likod ng simbahan sasamahan ko kayo" sambit nito

Dahil sa kagustuhang maging maayos na ang lagay ng kapatid na si angelica kahit hindi nila ganon kakilala ang tao na yun ay sumama sila. Narating nila ang isang maliit na bahay at anduon nga ang matandang manggagamot. Nakwento din ng kapatid niya ang nangyare kay angelica.
Maya-maya'y piniringan niya ang dalaga ng isang lumang telang pula naka upo sa harap nito ang dalaga. Habang ang kapatid naman ni angelica at ang pinsan nito'y naka upo naman sa di kalayuan, sinasaksihan ang mga kaganapan.
Tila ito ay ibang tao muli, nag boses lalake galit, sumisigaw, tila nasasaktan habang tinutusok ng manggagamot ng balahibo ng manok ang hinliliit na daliri ng dalaga.

"Sino ka? Anong uri ka ng elemento? Bakit pinapahirapan at binibigyan mo ng karamdaman ang babaeng 'to" usal ng albularyo

tila nasasaktan itong tumugon sa tanong ng manggagamot.

"Isa akong tikbalang maganda siya, maputi at tahimik gusto ko siyang pakasalan sa aming kaharian kaya sinusugat ko ang kanyang katawan upang wala ng magkagusto sakanya at kaya sinundan ko siya dito" sagot nito

"magkaiba kayo ng mundo, umalis ka ngayon din sa katawan ng babaeng ito kundi pahihirapan kita ng husto, bumalik ka na kung saan ka man nanggaling" galit na paki-usap ng matandang albularyo

Biglang hinipan ng albularyo ang tuktok ng ulo ng dalaga tila may binubulong na orasyon at inihipan muli ang ulo nito sabay pinitik-pitik ang ibang balahibo ng manok na naka-ipit sa pamamagitan ng mga daliri ng dalaga.

"Araaaaaaaaayyyy. Tama na hindi ko na kaya m-masaaaaaakiiiiittttt, aalis na ako titigilan ko na ang babaeng ito"

At bumulong muli ng isang orasyon ang matandang albularyo inihipan muli ng paulit ulit ang tuktok ng ulo ni angelica at ng pitikin at tusukin ulit ang dalaga ng balahibo ng manok ay naging babae na ang boses nito. Ang dalaga na ang nasasaktan, umalis na ang masamang elemento sa kanyang katawan na nagbigay sakanya ng karamdaman tapos na din ang kanyang paghihirap ilang linggo ang nakalipas natutuyo at gumagaling na din ang napakarami niyang sugat at habang lumilipas ang mga araw ay lumiliit na din ang kanyang tiyan. Ganap na magaling na si angelica.
Matagal na panahon na din ang nagdaan ngayon ay maayos na ang kanyang kalagayan mayroon na siyang mapagmahal na asawa ngayon at dalawang makukulit na anak. Ang bangungot ng kahapon ay isang alaala na lamang.


Ito po ay hinango ko sa totoong buhay ng aking kapatid. Marahil ang iba sainyo ay hindi naniniwala sa sanib pero ako isa ako sa naniniwala dahil ako mismo ang nakasaksi ng pangyayareng naganap sa aking kapatid.

Maraming salamat sa @steemph.cebu sa pag bibigay ng ganitong patimpalak upang kami ay magkaroon ng pagkakataon upang mailabas namin ang natatagong kakayahang sumulat. Maraming maraming salamat din sa mga magbabasa ng aking likha nawa'y inyo itong maibigan.

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

mahusay ang pagkakagawa @ailyndelmonte, maganda i feature ang gantong post. :D

Salamat @steemph.antipolo haha sana po ma i feature 😊😊😊

Ang galing naman ng pagkaka gawa.

Maraming salamat @brianabarca at naibigan mo ang aking gawa

Grabe nikilabutan po ako sa kwento. Tapos true story pa. Sana po ay ayos na si Angelica at hindi na ginagambala ng tikbalang.

Magaling po ang aming napuntahang albularyo dito sa antipolo 😊 okay na po ang ate ko at ngayon hindi na siya ginagambala pa ng masamang elemento.

NASAPIAN PALA SI ANJE. GRABE

Ou ateng nung nasa probinsya pa kami