Literaturang Filipino : May Panginoon

in literaturang-filipino •  7 years ago 
PatimpalakLiteraturang Filipino
TemaHimala
PamagatMay Panginoon

May HIMALA talaga kapag may pananalig ka sa diyos. Sa taas ng ambisyon natin nakakalimutan nating may panginoon nakakalimutan din nating magpasalamat sa kanya.

Itong kwentong aking sinulat ay tungkol sa isang taong nakalimutang madasal sa ating diyos.
Sanay magustuhan nyo !

received_2008525286132926.jpeg

May Panginoon !

May isang probinsyano masipag, mabait, mapagmahal sa magulang pati sa kapatid at masiyahing bata pangalan niya ay Luciano. Mahirap lang ang kanilang pamilya nag-aararo lang kanyang ama at nasa bahay lang ang ina nag-aalaga sa mga maliit nyang kapatid. Pangalawang panganay na lalaki si Luciano. Ang kanyang kuya ay nag-aaral na sa kolehiyo bilang isang ( working student ) masipag na estudyante. Nang malapit na ang pagtatapos ni Luciano sa hayskul kina-usap siya nang kanyang ama.

Ama - Oh Lucio malapit ng graduation mo gusto ko sanang pag-aralin ka ng kolehiyo kaso wala tayong pera.

Luciano - Okey lang yun itay magtatrabaho ako sabay pag-aaral gaya nang ginawa ni kuya. Sabi kasi niya tutulungan niya akong makapasok sa tinatrabahuan niya.

Ama - Aahhmm cge Lucio mag-ingat kayo dun wala kami nang nanay mo ron. Hirap ang buhay sa syudad lahat ng pagkain binibili. Di gaya satin dito magtanim kalang at may aanihin kana pagkatapos ng ilang buwan.

Luciano - Yun na nga ang sabi ni kuya itay dapat maging matatag ako dun at lalakasan yung loob ko na mabuhay mag-isa na malayo sa inyo.

Ama - Pagsikapan mong makatapos Lucio kahit wala akong perang maisuporta sa pag-aaral mo. Nandito kaming buong pamilya suportado sa ambisyon mo. Alam mo Lucio yan lang ang maibigay kong kayamanan sayo ang pakapagtapos ka sa pag-aaral.

Pagkatapos ng mahabang pag-uusap nang mag-ama natigil na rin ito. Dahil mag papakain pa ng mga alagang hayop ang kanyang ama. Nang umalis na ang ama ni Luciano hindi niya namalayan napaluha na pala siya sa sinabi nang kanyang ama. At dahil dun napalakas ng tudo ang kanyang loob na makatapos sa pag-aaral.

Dumating na ang graduation ni Luciano dumalo lahat ng pamilya niya at masaya sila sa pagdiriwang.

Pagkatapos ng araw na yon ay dinala na siya sa syudad kasama ang kanyang kuya. Dahil isang probinsyano hindi maiwasan mamangha sa buhay syudad. Malaking gusali, maraming sasakyan, maraming tao, baho ng lugar talagang naninibago siya sa buhay syudad.

At hindi rin ng tagal dahil sa tulong ng kanyang kuya ay nakapasok si Luciano sa isang mall na tumatanggap ng ( working student ) masipag na estudyante. Dahil maraming gustong makapasok sa mall nayon. May kondisyon ang kumpanya dapat walang kahit isang bagsak sa mga ( subject ) paksa. At dun pursige si Luciano na hindi babagsak sa mga subject niya.

Dahil nga sabay-sabay ang pag-aaral at trabaho hindi niya maiwasang matulog agad pag-uwi galing trabaho. Palagi ng puyat si Luciano sa paaralan niya at hindi na gaanong aktibo sa paaralan. Dahil sa pangyayaring iyon ay bumagsak ang ibang subject ni Luciano. Hindi niya alam paano niya ito sasabihin sa mga magulang niya.

Sinabihan niya muna ang kanyang kuya at pinagalitan siya dahil dun. Umiyak siya dahil sa nangyari parang wala ng kinabukasan ang sinapit niya. Palagi nalang siyang ng nagmumummok sa qwarto. Pinagalitan na naman siya ulit sa kanyang kuya. Pero sa huli binigyan si Luciano ng insperasyon galing sa kanyang kuya.

Kuya - Brad ok lang yan may ibang paaraan ang diyos. Bakit niya ito ginawa sayo pumunta ka sa simbahan mag dasal ka dun. Himingi ka ng lakas nang loob para sa kalagayan mo ngayon.

Pumunta si Luciano sa simbahan at ng dasal humingi ng patawad sa panginoon dahil naka limutan niya ito. Nakalimutan niya na may panginoon na palaging nakasubaybay sa kanya. Dahil sa kanyang pag pursige sa trabaho at pag-aaral nakalimutan niya ang panginoon.

Pagkatapos niyang magsimba nakasalubong niya ang dating boss sa daanan. Binigyan siya ulit ng ibang trabaho dahil siya ay masipag at mapagkatiwalaan. Nasabi niya sa sarili salamat panginoon at binigyan nyo pa ako ng isang pagkakataon.

received_2008525286132926.jpeg
pinagmulan ng larawan

Pag may tiwala ka sa diyos makakaya mo ang tahat ng problemang iyong dinadaanan.

HAPPY STEEMIT ! ! !

Salamat sa Pagbasa ! ! !

Sanay Nagustuhan Nyo ! ! !

Mabuhay Steemians ! ! !

May Diyos ! ! !

♡♡♡@aiyeecanoy♡♡♡

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!