Pumaimbabaw ang malakas na hiyaw ng dalamhati sa buong tahanan. Nagpaalam na si Aling Huling. Nakamit na rin niya ang kapahingahan...
"Nak, maraming sori", ito ang nawika ni Aling Huling sa kanyang 14 na taong gulang anak na si Argie. Siya kasi ang nakatoka ngayon na magtapon ng dumi ng kanyang ina. Palubha ng palubha ang lagay ni Aling Huling dulot ng di mapagtantong karamdaman. Dahil dito hindi na ito nakakaalis ng upuan o banig at sa arinola na lamang umiihi at dumudumi.
Matagal ng maysakit si Aling Huling. Kinamulatan na lang ni Argie at ng nakababata niyang mga kapatid na iba ang kanilang ina. Sa halip na ito ang dapat na nag-aasikaso sa kanila, sila ang salit-salitang nagbabantay rito.
Mahabang panahon ng pagtitiis ng iba't ibang uri ng sakit ang pinagdaanan ni Aling Huling sanhi ng kanyang humuhinang kalusugan. Pero wala na sigurong mas sasakit pa sa isang ina na makitang lumalaki ang kanyang mga anak na hindi nya magawang pagsilbihan ng lubos. Sampung taon ng unti-unti pagkaupos ng lakas. Sampung taon ng pakikipaglaban. Saampung taon ng pagsusumikap na maging ina sa kabila ng di matukoy-tukoy na karamdaman.
Hindi maarte na maysakit si Aling Huling. Madalas lang siyang nasa upuan at nakatanaw sa bintana inaantay ang pag-uwi ng mga anak mula paaralan. Hindi rin sya humuhiling ng kung ano-ano. Sa kabila ng bumabagsak na katawan pinipilit nyang kumilos para sa mga anak na siya namang kinagagalit ng mga ito dahil baka pa mapalala ang kanyang sitwasyon. Gayonman, hindi mapipigilan ang isang ina na maglingkod sa pamilya hanggang sa huli nitong lakas.
Hindi marunong magalit si Aling Huling. Hindi rin siya tumutungayaw tungkol sa mga paghihirap na kanyang nadadama. Madalas itong nanahimik ... nagkukubli ng impit na pagluha. Madalas sa gabi. Upang hindi mabagabag ang kalooban ng kanyang mga minamahal.
"Ma", Anu ba yan. Na naman. Bakit di ka nanggising?!", nabubugnot na wika ni Argie sa ina na basa ng sariling ihi habang ito ay iyak ng iyak. Subalit dala ng sobrang pagod at sama ng pakiramdam nakatulugan nya ang kalunos-lunos na kalagayan ng ina.
Yun na pala ang huling hikbi ni Aling Huling.
Kinaumagahan.
"Mga anak, wala na ang Mama nyo", wika ni Mang Freddie na bakas ang nginig ng tinig.
Pumaimbabaw ang malakas na hiyaw at dalamhati sa buong tahanan. Nagpaalam na si Aling Huling. Nakamit na rin niya ang kapahingahan.
"Mama, sori".
Sana nakaabot pa kay Aling Huling ang mga katagang binigkas ng 14 na taong gulang na supling niya.
Isang karangalan na mapagsilbihan ang isang ina na gaya ni Aling Huling. Isang karangalan ang maging anak niya. Isang karangalan na magkaroon ng matatag at mapagmahal na ina na sa kabila ng di maitatagong pagdurusa ay nakukuha pang ngumiti at magpalakas ng loob ng iba. Siya ay larawan ng tibay, pag-ibig at pananampalataya. Karangalan na ibahagi kung paano ka naging ina.
Siya ang Mama ko. Ako si Argie. Ako ang supling ni Aling Huling.
Ito ay hango sa tunay kong buhay
Bilang ng salitang ginamit: 491
Salamat po @steemph.cebu sa patimpalak na ito.
Salamat po sa pagbabasa ng aking kwento
pinagmulan
Napakahusay! damang dama ko ang emosyon ng may akda. ang galing talaga!
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
tnx po @yo-mikhael
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
You received an upvote as your post was selected by the Community Support Coalition, courtesy of @steemph.antipolo
@arabsteem @sevenfingers @steemph.antipolo
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit