Huwag kang Susuko, Bumangon ka at Magpalakas

in literaturang-filipino •  7 years ago  (edited)

attractive-1867127__480.jpg

Si Mathilde ay isang dalagang babae na naninirahan sa bahay ng kanyang tiyahin dahil namatay na ang kanyang mga kapatid, ina at ama dulot ng isang aksidente.

Labis ang paghihinagpis niya, wala ng ibang natira kung hindi siya na lamang.

"Saan ako kakain? 16 na taong gulang pa lang ako. Bakit ba nangyari ito sa buhay ko."

Wala na siyang ibang naisip na paraan kundi puntahan ang kaniyang tigreng tiyahin. Napakasungit!.

Tiniis niya lahat ng mga masasakit na salita na naranasan niya at narinig niya sa kaniyang tiyahin. Minura siya at minaliit. Ngunit wala siyang magawa sapagkat nakitira lamang siya nito.

Isang araw, habang siya ay naghuhugas ng pinggan, di niya sinadyang nahulog ang plato at nabasag ito. Galit na galit ang kaniyang tiya at dahil sa galit binugbog siya nito.

Bukod sa mga di magandang pinagdaanan niya sa kamay ng kaniyang tiyahin, nakita rin niyang tila may balak ang tiyo totoy niyang gahasain siya. Laging nakatingin sa paa niya ang tiyo niya kaya takot na takot siya.

Sa kasamaang palad, ang kinatatakutan niyang mangyari, ang gahasain siya ng tiyo niya ay naging totoo.

Habang siya ay nasa kuwarto, nagpapahinga ay nagulat na lamang siya ng binuksan ng kaniyang tiyo ang pinto at dali daling tinakpan ang bibig niya.

Tinakot siya nito at pinagbantaan na patayin kapag magsumbong, kaya labis na lamang ang takot na nadarama niya.

Tiyo, tama napo! Maawa ka naman po sa akin! Marami pa po akong mga pangarap!

Tumahimik ka! (binugbog ang tiyan niya)

Pagkatapos ng malagim na pangyayari ay nagsumbong si Mathilde sa tiyahin niya ngunit nagalit ito at hindi naniwala.

Mga hayop kayo!( umiyak)

Lumayas siya at palakad-lakad sa kalsada. Hindi niya alam kong saan siya matulog hanggang nag desisyon siyang punta na lamang sa simbahan at lumapit sa mga madre. Tinulungan siya nito at nagsumbong siya sa lahat.

Ipinakulong niya ang tiyohin niya pati ang kanyang tiyahin. Sinabihan rin siya ng mga madre na huwag mag tanim ng galit.

"Eha, magpakalas ka, wag kang magpalamon ng gañit"

Bumangon si Mathilde at kinalimutan na lamang ang lahat. Ang sugat na iyon ay nagdadala parin sa kaniya ng truma. Buti na lamang at hindi siya nabuntis.

Kinalimutan niya ang lahat at pinatawad ang tiyahin at tiyuhin niya kahit hindi madali sa sarili niya.

Ngayon, isa na siyang Chemical Engineer.

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Congratulations @bitterpie! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

Award for the number of comments

Click on any badge to view your own Board of Honor on SteemitBoard.
For more information about SteemitBoard, click here

If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

Do you like SteemitBoard's project? Vote for its witness and get one more award!