"ANG KABATAAN AT ANG KATANDAAN"
Tandang tanda ko pa sa aking gunita
Noong ako'y munti pang bata
Sa silong ng langit ay malaya
Punong puno ng pag-asa at tiwala
Sumusulong sa buhay na walang problema
Walang anumang alalahanin na kasama
Sa murang isip ay di alintana
Pagkat di pa arok ng diwa sa tuwina
Maglaro maghapon ang nais na gawin
Kahit pawis at dungis ang sapitin
Araw-araw ay saya lamang sa tuwina
Sa buhay ng bata ay puro ligaya
Ngayon ay malaki na at may sarili ng pamilya
Alaala ang kahapon na may lungkot sa mata
Pagkat ang buhay ay iba kung sa dati ay ikukumpara
Na maalala ang hirap sa halip na ligaya
Buhay sa ngayon ay maraming suliranin na kaakibat
Pagkat responsibilidad ay nakaatang sa balikat
Di magawang magliwaliw gaya ng kahapon
Dahil kailangan kumayod upang sa buhay ay umahon
Ang ngayon ay kasalukuyan ng noon
Ang noon ay bahagi kung anu man ang meron ngayon
Parehong mahalaga sa buhay ng isang tao
Marapat pahalagahan alin mang bahagi nito
SANAY INYONG NAIBIGAN
MARAMING SALAMAT
kredito para sa imahe
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
kaygandang akda, isa kang tunay na makata kaibigan.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit