Pag-ibig Serye: Pangalawang Yugto - The Conflict

in literaturang-filipino •  7 years ago  (edited)

Maraming salamat po sa lahat ng sumubaybay sa kwentong ito na hanggang ngayon ay di pa rin tapos, lol. Pasensya na po talaga sa delay. Ito na po ang ikalawang bahagi ng aking pag-ibig serye sa berysong Tagalog. Sana ay inyo po itong maibigan.

Tagalog Version: Unang Bahagi

English Version: Part 1 , Part 2

Disclaimer: Ang ginawa kong pagsasalin ay hindi literal. Kaya bahagyang may pagkakaiba sa istilo ng pagsulat ang Ingles at Tagalog na bersyon.

IMG_20180224_101313-01.jpeg

Minsan, sa buhay, may mga bagay na hindi naman natin pinlano pero nangyayari nalang. Katulad na lamang nang pagkakakilala ko sa kanya. Parang kanta lang ni Pink, "Right from the start you were a thief who stole my heart, and I, your willing victim." Indeed, he came into my life like a thief in the night, hindi ko inasahan kaya hindi ko napaghandaan.

Tandang-tanda ko pa ang sinabi ko sa aking pinsan nang balaan niya ako tungkol sa mga lalakeng magbabalak manligaw sa akin (wow, maganda ka teh? lol), lalo na kapag isang Muslim.

"Dili lagi ko manguyab og Maranao ate uy, pati Maguindanao, og Tausug. Basta Muslim, palayo na dayon ko."

Translation: "'Wag ka mag-alala ate, hinding hindi ako mag-boboypren ng Maranao, Maguindanao, o Tausug. Basta Muslim, lalayo na agad ako."

Wala naman kaming problema sa mga Muslim. Sa katunayan, marami akong kaibigan na kabilang sa mga tribong nabanggit. Pero alam kasi namin ng pinsan ko kung gaano kakomplikado ang magiging sitwasyon kapag nakipag relasyon ako sa isang Muslim.

Marami silang tradisyon na hanggang ngayon ay buhay na buhay parin. Maganda naman ito, dahil napapanatiling buhay ang kanilang kultura. Ngunit may mga tradisyon silang minsan ko nang kinwestyon. Una, ang "rido" o blood feud. Dahil dito marami na rin ang nagbuwis ng buhay sa kanilang angkan. Pangalawa, ang "parental" o fixed marriage.

Sinubukan ko namang umiwas (promise) dahil alam kong magkaiba ang aming mundo, pero tila may isang malakas na puwersang nagtutulak sa akin patungo sa kaniya. At nangyari na nga ang kinatatakutan ng aking pinsan. Ako ay umibig sa isang Maranao, sa isang Muslim na ibang-iba ang kultura at paniniwala sa akin, sa isang taong pinaniwalaan kong para sa akin, ngunit naka tadhana na palang ikasal sa iba.



Balikan natin ang nangyari...

Matapos ang mala K-drama naming eksena sa ilalim ng ulan, umusbong ang pagsasamahang mas matibay pa sa diyamanteng pinag-aagawan nina Jayson at Mark (sa mga di maka-relate, pwede niyo pong basahin ang ma-aksyong kwento ng unang pangkat ng #tagalogserye dito at dito). Para kaming si Julio at Julia, kambal ng tadhana (kaway-kaway sa mga batang 90's), siya kasi yung soulmate ko! Hindi kami mapag-hiwalay, at bawat araw na magkasama kami ay isang masayang adventure!

Lumipas ang ilang buwan at kami'y nanatiling matibay. Hindi lamang sa aming relasyon, kundi pati narin sa aming pag-aaral. Parehas kaming iskolar ng bayan sa Mindanao State University -- ako bilang isang engineering student, at siya naman bilang BS Math student. Masaya lang kami. Minsan may kaunting pagtatampuhan, pero nareresolba rin agad. Ngunit, isang dagok ang dumating sa amin.

Patapos na ang klase noon, at bago paman matapos ang school year, nagplano na kaming magsa-summer class. Klarong klaro naman ang aming usapan, ngunit, biglang nagbago ang lahat isang araw bago ako umuwi sa aming probinsya. Sinabi niya sa akin na hindi na raw siya makakapag summer class dahil kailangan siya ng tito niya sa kanilang probinsya. Tatakbo kasi itong mayor, at kailangan ng maraming supporters, preferably mga kamag-anak upang ipakita ang lakas at puwersa ng kanilang angkan.

Napalitan ng katahimikan ang aking excitement, ngunit sa huli, naintindihan ko naman. Sinabi rin niya sa akin na baka mahihirapan siyang i-contact ako kasi walang signal sa probinsyang iyon. Nag-alala ako ng bahagya, kaya tinanong ko siya kung okay lang ba siya, kung okay lang ba kami. Pero hindi siya sumagot, sa halip, niyakap niya akong ng sobrang higpit sabay sabing "Mag-ingat ka lagi." At bigla na lamang siyang umalis, at ako'y naiwang mag-isa, tulala, at nalilito sa mga sinabi niya.

Hindi ko maintindihan kung bakit bigla na lang nagbago ang lahat. Pilit kong iniisip kung mayroon ba akong nasabi o kaya'y nagawang di kanais-nais na kinagalit niya. Pero kahit anong pilit ko, wala akong maisip na dahilan kung bakit bigla na lang siyang nanlamig.

Kinabukasan...

Alam niyang pauwi na ako. Hinintay ko siya, pero ni anino niya hindi ko nasilayan. Lito ma't nasasaktan, umuwi na lamang ako sa aming probinsya.

Napagpasyahan kong hindi na lang din mag-enrol sa summer. Pipiliin ko nalang tumulong sa mga gawaing bahay, at makipag-bonding sa aking pamilya't mga kaibigan.

Nagdaan ang mga araw at unti-unti na akong nakakalimot sa sakit. Iba parin talaga kapag may support system ka mula sa mga taong malapit sa'yo.

Ngunit...

Biglang tumunog ang aking cellphone. Nagulat ako ng makita ko ang pangalan niya. For the first time sa loob ng labinlimang araw, nag text siya sa akin. Ang nakasulat ...

"Kamusta ka na?".

Wala akong load kaya tumakbo ako sa pinakamalapit na tindahan. Kahit na hinihingal pa, tinawagan ko agad siya.

Ang dami kong gustong itanong sa kaniya. Gusto ko siyang sumbatan at pagalitan, ngunit bago paman ako makabwelo, nagsalita siya gamit ang kanyang nanginginig na boses na tila ba nagpipigil sa pag-iyak.

"Ikakasal na ako, next week."

Nanlamig ako sa aking narinig, di ako makapagsalita o makagalaw. Dagdag pa niya, hindi raw niya mahal ang babae at ito'y arranged marriage lang. Gusto niya ring tumakas ngunit bantay sarado siya ng kaniyang pamilya. Para akong naparalisa sa kanyang hatid na balita! At dahil wala pang unli call noon, naputol ang linya.

Tinawagan niya ako agad. Pero hindi ko na kayang marinig ang susunod pa na mga sasabihin niya. May mas sasakit pa ba sa balitang ikakasal na pala siya? Nakatitig lamang ako sa aking cellphone habang tumutulo ang aking luha. At doon ko natikman ang sakit na dulot ng una kong pag-ibig.

Iyon pala ang sinasabi ng pinsan kong "komplikasyon". Alam ko namang hindi malayong mangyari rin sa akin ang nangyari sa ibang Kristiyanong umibig sa isang Muslim. Pero kapag pala nangyari na talaga sa iyo, doon mo lang maiintindihan ang bigat ng sitwasyon. Ako ay nagmahal, nasaktan, at naiwan. Hindi pala biro ang umibig!

Araw gabi, naaalala ko siya. Naluluha parin ako sa tuwing naiisip ko ang mga maliligayang araw naming dalawa. Lumipas ang ilang araw, unti-unti na akong nakaka-recover.

Pero, biglang tumunog ang aking cellphone makaraan ang ilang araw niyang pananahimik. Alam kong siya iyon. Nanlaki ang aking chinita eyes pagkabasa ko sa kaniyang mensahe.

"Nasa Tagum terminal ako ngayon, pwede ba kitang makausap?"

Kahit hindi makapaniwala sa nabasa ay tumungo agad ako sa terminal upang malaman kung andoon nga ba talaga siya. At natunaw ang aking puso nang masilayan ko ang kaniyang maamong mukha.

Hindi nga ako nananaginip. Totoong nakikita ko siya. Nakaupo. Dala-dala ang kaniyang backpack. Hindi ko maintindihan ang iba't ibang emosyong nararamdaman ko sa mga sandaling iyon. Ngunit kahit takot, pinili ko ulit na tumakbo patungo sa kaniya.

At sa pagkakataong iyon, kami ay nagyakapan, hindi iniinda ang mga tao sa paligid. At binulong niya sa akin...

"Tumakas ako sa amin!"


Sa kabilang dako...

Nataranta at galit ang lahat sa pagkawala niya sa kanilang probinsya. Dalawang araw na lang kasi ay ikakasal na siya sa anak ng incumbent vice mayor ng kanilang probinsya. Ang arranged marriage na ito ay magbu-buo ng isang political power house sa kanilang probinsya at magse-secure sa pagkapanalo ng kanilang angkan sa eleksyon.

Dalawang araw bago ang kasal, kung hindi siya magpapakita ay mabubuo ang tensyon sa pagitan ng dalawang makapangyarihang angkan sa kanilang probinsya na marahil ay mauuwi sa isang "rido" (blood feud). At kapag nangyari ito, hindi lamang ang pagkapanalo ng kanilang angkan ang manganganib, kundi pati narin ang kanilang mga buhay.

Mga pinagkunan ng larawan: 1, 2, 3

Itutuloy...

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Congratulations @chinitacharmer! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

Award for the number of comments

Click on any badge to view your own Board of Honor on SteemitBoard.

To support your work, I also upvoted your post!
For more information about SteemitBoard, click here

If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

Upvote this notification to help all Steemit users. Learn why here!