Literaturang-Filipino : "Ang pusang nakulong" (Totoong kwento ni @chuuuckie)

in literaturang-filipino •  7 years ago  (edited)

Ang pusang nakulong: Totoong kwento ni @chuuuckie

20170508-IMG_0005.jpg

Isang araw, araw ng Linggo

May nakita akong isang kuting malapit lang sa aming simbahan. Tiningnan ko siya at parang iniwan lang sa kanyang Ina o kayay nawalay. Pinuntahan ko ang kuting, nag hintay ako ng higit na tatlong oras para makita ang kanyang Ina, subalit wala parin. Palagi na lang umiiyak yung kuting "miyaw! miyaw!" . Hindi ko natiis, kinuha ko yung kuting at hinatid sa aming bahay. Inalaagan ko siya na mahimbing na para bang ako ang iyang Ina. Bumili ako ng gatas para sa kanya dahil siya ay hindi pa marunong kumain ng matitigas na pagkain. Wala akong ginamit na pang dede para sa kuting subalit ginamit namin ang sirang bolpen para mag mukhang draper.

Pagkalipas ng mga buwan, nag desisyon ako na may ipapangalan ako sa pusang ito, ang pangalan niya ay si Greggy o Gregi, inaalagan siya ng mabuti, hindi ipapalabas sa bahay ngunit kung siya ay tatae, pupunta siya sa loob ng palikuran. Tinuturuan namin kung papaano tatae sa kanyang may buhanging planggana. Tinuruan din namin kung saan matutulog mag-gabi, mag-hapon at mag-umaga. Ipapaligo ko siya ng maligamgam na tubig, dahil takot ang mga pusa sa malamig na tubig. Pinapakain nang maayos, sundin kung ano gusto ng Pusa, aliwin kung ano gusto ng Pusa at higit sa lahat hindi mawawala ang halaman na gusto nila, ang katnip . Ang katnip sa mga pusa ay parang medicina na para aliwin ang sarili nila.

Isang gabi, gusto talaga ni Gregi lumabas sa bahay, sabi ko

"Hindi! May maraming pusa sa labas baka ikaw ay mapahamak!"

Sinira niya ang tabing ng Pinto. Sumagot siya.

"Miyaw! Miyaw!"

Lumabas sa isip ko, maari din sana makatikim siya kung ano ang mga tanawin sa labas. Sa gabing iyon, ipinalabas ko na siya. Doon nag simula na naging labas-pasok ang Pusa namin na si Gregi , mga buwang iyon ayaw na namin siya ipapasok sa bahay dahil sa amoy niya. Ayaw na rin namin siya ipapasok sa ilang mga kwarto dahil mangangagat na si Gregi . Kaya sa labas na si Gregi matutulog, kumain at tatae. Ilang buwan na rin lumipas, nawawala ang pusa namin na si Gregi hinanap ko talaga si Gregi saan-saan. Hindi ko na makita. Lumipas na ang ilang linggo ay may nakababalita na may gobyernong papaalisin ang mga pusang nasa labas lang o mga pusang walang mga may-ari. Pumunta ako sa opisinya ng aming pangkat. At hindi ko inakakilala na nasa loob na pala ng kulungan ang Pusa namin. Hindi ko na maikontak ang Gobyernong nasa likod nito dahil walang pabatid na ibinigiay. Ito na rin ang ikakabuti sa aming Pamilya at sa loob ng bahay, dahil siya ay kumakagat.

Katibayan sa Pagkulong ng aming Pusa

28381030_1557424480973048_964574926_n.jpg

Dito magtatapos ang aking kwento


Ang hashtag na Ginagamit

#untalented #cebu #steemphcebu #literaturang-filipino #hayop #philippines

LITERATURANG-FILIPINO ENTRY CONTEST #2


iUPVOTE | iRESTEEM | iFOLLOW si @chuuuckie

"Isupurta ang katulad namin!"

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Congratulations! This post has been upvoted by the communal account, @steemph.cebu by chuuuckie being run at Teenvestors Cebu (Road to Financial Freedom Channel). This service is exclusive to Steemians following the Steemph.cebu trail at Steemauto. Thank you for following Steemph.cebu curation trail!

Don't forget to join Steem PH Discord Server, our Discord Server for Philippines.