Literaturang Filipino: Ang Pagkasira sa Karangalan

in literaturang-filipino •  7 years ago  (edited)

images (9).jpeg

pinagmulan ng imahe

Si Juan ay may planong tumakbo sa pagka alkalde sa kanilang lugar. Maraming tao ang gustong manalo siya dahil sa paniniwalang may pagbabago pag nanalo si Juan. Marami naman pumuri kay Juan dahil siya ay magaling sa lahat ng bagay.

Todo kayod siyang nangongompanya para lamang manalo. Marami naman siyang tagahanga at tagasuporta kaya masaya siya. "Pag ako ang manalo, kahit anong gusto niyo basta't kaya ko ay ibibigay ko," sabi ni Juan.

Nanalo nga si Juan sa pagka alkalde. Marami ang masaya sa pagkapanalo niya. Ngunit ang lahat ng ito ay nasira dahil sa maitim na bagay na ginawa niya.

Nandaya siya sa Eleksyon. Binayaran niya ang mga guro na dayain ang boto at ipanalo siya. Labis na galit ang nadama ng ilang tai lalo na yong mga taga suporta niya. Napatunayan ito dahil mismo ang mga guro ang nagbunyag sa katotohanan." Hayop ka! Naniwala kami sayo! Tapos, lokohin mo lang kami!," sigaw ng isang matandang babae sa kaniya.

"Alam mo Juan, kahit hindi ka pa nandaya, sigurado kaming lahat na mananalo ka dahil marami ang sumuporta sa iyo. Ngunit binigo mo kaming lahat. Gumamit ka ng maitim na paraan para sa ikasisiguro ng pagkapanalo mo", sabi ng kaibigan ni Juan.

"Nagsisisi na ako sa mga ginawa ko( umiyak)" sabi ni Juan.

Sinira ni Juan ang kaniyang karangalan.Naging deskontentado siya. Manalo na sana siya ngunit naging madaya siya.

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Maiksi pero solid ang mensahe. Ang bilis ng transisyon ng ideya, nagustuhan namin siya walang masyadong palabok na nailagay sa kwento.

Goodluck po sa patimpalak ng @steemph.cebu

Congratulations @googled! You received a personal award!

Happy Birthday! - You are on the Steem blockchain for 1 year!

You can view your badges on your Steem Board and compare to others on the Steem Ranking

Vote for @Steemitboard as a witness to get one more award and increased upvotes!