Bitter No More: Ikaapat na Bahagi

in literaturang-filipino •  7 years ago 

Bitter No More.PNG

BITTER NO MORE

sa panulat ni @jemzem


Ikaapat na Bahagi.PNG

Ang nakaraan...

"Rule number one point one, don't think of your ex and the good times you had together. Kapag lagi ka lang nandito at nagmumukmok sa kuwarto mo, tendency is lagi mong maaalala si Jade. At kapag naaalala mo siya at ang masasayang moments ninyong dalawa, lalo ka lang masasaktan at mahihirapan."
Natameme siya sa sinabi ni Ariel. Ilang segundo siyang nakatayo lang at hindi makaimik bago siya hilahin nito paakyat sa kuwarto niya.

"Kumilos ka na. Baka ma-late din ako. Ililibre mo talaga ako ng burger 'pag nangyari 'yon."

Pagkapasok nila sa kuwarto niya ay tumalon ito sa kama niya at humiga. "Bilisan mong magbihis, An An. Bibigyan lang kita ng five minutes." Nakangising utos nito.

Wala naman siyang magawa kung 'di ang sundin ito dahil pagod na rin siyang makipagtalo rito. Isa pa, alam niyang hindi rin siya titigilan ng kaibigan niya at kukulitin lang siya nito kapag hindi siya sumunod sa gusto nito.

PAGKATAPOS niyang magbihis ay lumabas na siya ng banyo at nadatnang tulog ang matalik na kaibigan. Bigla na naman siyang nairita kaya hinampas niya ng unan ang katawan nito.

"Tama na, An An! Babangon na ako!" Bumangon ang kaibigan niya kaya tumigil siya sa paghampas ng unan at inirapan ang kaharap.

"Ang tagal mo kasing magbihis, parang magbibihis lang, e!" reklamo naman nito.

"Tse! Ang sabihin mo, antukin ka talaga!" bulyaw niya.

"Sige na, ako nang antukin. Tayo na't late na tayo," sabi nito sabay hila sa kaniya.

7.png

NANG makarating na sila sa kanilang paaralan ay hila-hila pa rin siya ni Ariel. Halos kinaladkad na nga siya nito dahil sa bilis nitong maglakad.

Pagkarating nila sa kanilang silid-aralan ay nakita nilang nakatayo ang propesor nila sa harap habang nagsusulat sa pisara.

"Huwag na tayong pumasok, sa next subject na lang," walang gana niyang sabi kay Ariel.

Hindi ito sumagot sa kaniya at hinatak lang siya nito papasok sa kanilang silid-aralan.

"Ayos! Hindi niya tayo nahalata!" nakangising sambit ni Ariel.

Pero laking gulat nila nang magsalita ang propesor nila nang hindi man lang humaharap at patuloy sa ginagawang pagsusulat.

"Miss Anchelle Juarez, I think you are ready for the reporting today since you are not around for three meetings without any notice."

Nanlaki ang mga mata niya sa gulat. Bigla niya namang kinurot sa tagiliran si Ariel na katabi niya. "Bakit 'di mo sinabing my reporting tayo!"

"Aray ko, An An!" Pinigilan ni Ariel na mapasigaw kahit masakit ang pagkurot niya sa tagiliran nito. "Sorry na. Nakalimutan ko, e," paghingi ng tawad nito.

Napatakip na lang siya sa mukha at hindi alam ang gagawin.

Bigla namang humarap ang propesor nila matapos nitong magsulat sa pisara.

"These are the additional topics to be reported for those who were absent last meeting. Just choose among the following topics that you want to report," sabi ng propesor nila sabay turo sa mga nakasulat sa pisara. "Today is the scheduled reporting for the ten students, but since I have an important appointment, I will postpone the reporting today and it will be moved on our next meeting."

Tumingin naman sa gawi niya ang kanilang propesor kaya napayuko na lang siya. "You are saved today, Ms. Juarez. But make sure to report your chosen topic next meeting. You will be the first student to report and I want a clear and well-prepared report from you, understood?"

"Y-yes, Ma'am," nahihiya niya namang sagot.

"Any clarifications or questions?" tanong naman nito sa buong klase.

"None so far, Ma'am!" sagot nilang lahat.

"Since there are no more questions, I will dismiss you early. Also, I shouldn't be late in my appointment. So, good bye, Class," paalam nito habang nagmamadaling binitbit ang mga gamit.

"Good bye, Ma'am," masiglang paalam ng mga kaklase niya sa kanilang propesor.

Nang tuluyan na itong makaalis ay agad siyang humarap kay Ariel at pinaghahampas ng notebook ang braso nito.

"Nakakainis ka talaga! Napahiya tuloy ako kanina! Tapos ako pa 'yung unang magre-report next meeting!" nanggigigil niyang sabi habang pinaghahampas pa lalo ang kaibigan.

Bigla naman itong tumayo habang iniilagan ang bawat paghampas niya. Hinawakan nito ang kamay niya at hinatak siya palabas ng silid-aralan nila.

"Tigilan mo na ang kahahampas sa 'kin! Ililibre na lang kita para makabawi ako sa 'yo."

Tumigil naman siya sa paghampas sa kaibigan at tiningnan ito nang masama.

"Umupo ka lang muna rito at bibili lang ako ng snacks sa canteen." Pinaupo siya nito sa isang bench at tumakbo na papuntang canteen.

Naiwan naman siyang nakatulala habang nakaupo sa bench.

ILANG minuto siyang naghintay kaya nagsimula na siyang mainip. At dahil ayaw niyang pinaghihintay siya nang matagal ay naisipan niyang puntahan ang pinakapaborito niyang lugar sa loob ng paaralan nila. Pumunta siya sa malawak na hardin sa likod ng kanilang paaralan kung saan una silang nagkakilala ni Jade. Ito ang lugar kung saan niligawan siya ng dating nobyo. Ito rin ang lugar kung saan sinagot niya ito. Ang malawak na harding ito ang mistulang saksi sa pagmamahalan nila noon.

Dahil sa mga alaalang iyon ay hindi niya namalayang napaupo na pala siya sa may damuhan habang panay sa pagbagsak ang kaniyang luha. Nasasaktan siya sa mga alaala nilang dalawa. At lalo siyang nasasaktan sa tuwing naiisip niya kung paano kadaling kalimutan ng dating nobyo ang mga alaalang iyon.

Iyak pa rin siya nang iyak habang pinagmamasdan ang napakagandang lugar na kinaroroonan niya nang may biglang nag-abot ng panyo sa kaniya mula sa likod at itinayo siya nito.

"Huwag ka nang pumunta sa lugar na 'to," mariin nitong utos sa kanya.

Napakunot-noo naman siya at kinuha ang inabot nitong panyo sabay punas ng luha niya. "Bakit na naman, Ariel? Pabayaan mo na ako. Ito na nga lang 'yung lugar na nagpapaalala sa 'kin sa magagandang alaala namin ni Jade, e!" bulyaw niya sa kaibigan.

"Exactly!"

Mas kumunot ang noo niya sa reaksyon nito.

"Rule number one point two, don't go to places where you spent time together and reminds you of him. Puwede ka lang bumalik dito kapag naka-move on ka na talaga."

Itutuloy...


Ito po ang mga naunang bahagi ng ating kuwento:

Bitter No More: Panimulang Bahagi
Bitter No More: Unang Bahagi
Bitter No More: Ikalawang Bahagi
Bitter No More: Ikatlong Bahagi

Araw-araw po ang schedule ko sa pagpo-post ng karugtong ng kwentong ito kaya antabayanan na lang ang susunod na pangyayari bukas. Kung hindi man ako nakapag-post sa isang araw sa kadahilanang abala ako sa mga bagay-bagay, titiyakin ko namang habulin ang bilang ng ipo-post kong bahagi gaya na lang ngayon. Dahil nga hindi ako nakapag-post kahapon, dalwang bahagi ang ipo-post ko ngayon.

At para sa inyong mga komento at kuro-kuro, 'wag mag-atubiling ilagay ito sa comment box sa ibaba. Ako po'y labis na magagalak na mabasa ang komentong magmumula sa inyo. :D

Maraming salamat sa pagbabasa! :)


pinagkunan ng larawan:1, 2

7.png

Maging bahagi sa pagpapalaganap ng wikang Filipino. Ikaw ba ay manunulat ng tula o maikling kuwento? O kaya ay nais malinang ang talento sa pagsusulat? Sumali sa mga patimpalak. I-follow ang @tagalogtrail para sa mga akdang Filipino at sumali rin sa aming talakayan sa discord: Tropa ni Toto

new banner.gif

jemzem banner.gif

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  
  ·  6 years ago (edited)

Narito po ang link sa lahat ng bahagi ng Bitter No More: Thank you!

Lagi na lang umiiyak si An An. Gigil na si aku sa Jade na yan talaga! Buti na lang anjan si Kuya Ayel.

Ma-abs din po si Jade mam @romeskie kaya nakakagigil lalo. Hahahahah. Pero mas nakakagigil pa rin ang abs ni Ayel. :D

Congratulations! This post has been upvoted by the communal account, @steemph.cebu by jemzem being run at Teenvestors Cebu (Road to Financial Freedom Channel). This service is exclusive to Steemians following the Steemph.cebu trail at Steemauto. Thank you for following Steemph.cebu curation trail!

Don't forget to join Steem PH Discord Server, our Discord Server for Philippines.