BITTER NO MORE
Ang nakaraan...
NANG makarating na sila sa kanilang paaralan ay agad na nagpaalam si Jade sa kaniya na uuna nang pumunta sa silid-aralan nito. Ngunit bago pa man ito makaalis ay hinawakan niya ang kamay ng dating nobyo at inilapit niya ang mukha niya sa mukha nito at mabilis na humalik sa pisngi ng binata.
Nang makita niyang kumunot ang noo nito ay agad siyang nagpaalam at tinalikuran ito.
Nagulat naman siya nang may biglang humatak sa braso niya.
"Ariel?" galit niyang sambit nang malaman na ang kaibigan niya ang humatak sa kaniya.
"Bakit mo ginawa 'yon?" naiinis na tanong ni Ariel.
"Ang alin?" naiirita namang tanong niya sa kaibigan.
Tumitig ito sa kaniya nang seryoso. "Hinalikan mo si Jade. Hindi mo dapat ginawa 'yon."
Lalo siyang nairita dahil pinakikialaman na naman siya nito. "At bakit mo naman ako dinidiktahan sa mga dapat at hindi ko dapat gawin?" Hindi na niya napigilan na pagtaasan ito ng boses.
"I told you, I want to help you." Pinilit nitong pakalmahin ang boses sa gitna ng tensyong namagitan sa kanila. "Rule number one point six, don't maintain an intimate relationship with your ex."
Tumingin siya kay Ariel na may blangkong ekspresyon sa mukha. "I also told you, wala akong pakialam sa rules mong 'yan, Ariel. You know what? Hindi ko gets kung bakit ka nagpapaka-Love Guru all of a sudden. But I want you to know na hindi na ako natutuwa sa mga pinaggagagawa mo. Mabuti pang bumalik ka na lang sa pagiging weird. Mas bagay pa 'yon sa 'yo kaysa sa pagpapaka-Love Guru mo."
Pagkasabi niya niyon ay tinalikuran na niya ang binata.
Gusto niyang makonsensya dahil sa pagsusungit niya kay Ariel. Pero mas nanaig ang nararamdaman niyang pagkairita sa kaibigan.
Hindi niya alam kung bakit nagkakaganoon ang kaibigan niya. Naninibago rin siya sa mga ikinikilos nito. Napansin niya ang pagbabago ng ikinikilos ng binata nang magkahiwalay sila ni Jade. Hindi siya sigurado sa tinatakbo ng utak ng kaibigan niya. Marahil ay gusto talaga siyang tulungan nito. Pero hindi na niya nagugustuhan ang sobrang pangingialam nito sa buhay niya.
Matagal na niyang kaibigan si Ariel. Magkaklase silang dalawa simula first year high school hanggang ngayong nasa huling taon na sila sa kolehiyo. Noong una ay hindi niya naisip na magiging kaibigan niya ito. Hindi kasi ito palaimik at lagi lang itong nasa sulok habang nagsusulat. Weirdo kumbaga. Pero hindi niya inaasahan na magiging malapit sila sa isa't isa dahil sa pinsan niyang si Mia.
Magkababata sina Ariel at Mia at matalik ring magkaibigan ang dalawa. At dahil malapit din siya sa pinsan niya ay silang tatlo na rin ang naging matalik na magkaibigan. Pero nang makapagtapos sila ng High School ay lumipad ng ibang bansa ang pamilya nina Mia kaya silang dalawa na lang ang laging magkasama.
Nang tumungtong na sila sa kolehiyo ay pareho silang Industrial Engineering ang kinuhang kurso. Kaya naman naging magkaklase rin sila kasi pinili rin nila ang magkaparehong seksyon.
Habang lumilipas ang panahon ay lalong gumaan ang loob nila sa isa't isa na wala na silang itinatagong lihim sa mga sarili nila. At dahil pinagkakatiwalaan nila ang isa't isa ay ibinulgar ni Ariel ang matagal nang tinatagong sekreto - ang lihim na pagtingin nito kay Mia.
Kahit na nakahalata na siya dati sa pagtingin nito sa pinsan niya ay nagulat pa rin siya sa pagkompirma ni Ariel sa kutob niya. Boto siya kay Ariel para kay Mia. Pero alam nilang pareho na hanggang pagkakaibigan na lang sa ngayon ang puwedeng mamagitan sa kaibigan at sa pinsan niya dahil may nobyo na ito at mahal na mahal nga nito ang nobyo. Kaya hanggang ngayon ay nanatiling lihim ang pagtingin ni Ariel kay Mia.
HABANG naglalakad siya nang wala sa sarili ay bigla siyang nagulat dahil may biglang humarang sa harapan niya.
"Ate Anchelle?" Ikinaway-kaway ng babaeng humaharang sa kaniya ang kamay nito kaya napatigil siya sa paglalakad. "Wala ka yata sa sarili?" nagtatakang tanong nito.
"Ikaw pala, Jesa." Napangiti siya nang bumalik na siya sa sarili.
"Ako nga, Ate." Nginitian din siya nito. "Nga pala, Ate, buti't nakita kita. Birthday ko kasi this Sunday at gusto sana kitang imbitahan. Sana pumunta ka, Ate."
Sasagot na sana siya nang may nagsidatingang tatlong lalaki at inakbayan si Jesa ng isa sa kanila.
"Hi, Anchelle! Kumusta ka na?" nakangiting bati ng lalaking nakaakbay kay Jesa.
"Ayos lang, Mike," matipid niyang sagot.
"Nga pala, Babe, inimbitahan mo ba siya sa birthday party mo?" tanong naman nito sa inaakbayan.
"Of course, yes! Sana nga pumunta siya, e." Ngumuso naman si Jesa pagkasabi niyon.
"Sige na, Anchelle. Pumunta ka na. Lagi ka namang present sa occasions noong kayo pa ni Jade, 'di ba?" sabi naman ng kabarkada ni Mike.
"Sure, Kiko. Pupunta ako. Hindi porke't wala na kami ni Jade, e 'di ko na tatanggapin ang imbitasyon ng kapatid niya," agad niyang sagot habang binigyan ng ngiti ang mga kaharap.
"So good to hear that, Ate! We'll see you this Sunday na lang." Napayakap sa kaniya si Jesa dahil sa tuwa. "Sige, Ate, alis na kami. Bye!" paalam naman agad nito sa kaniya.
Nagpaalam na rin ang mga kasama nitong lalaki sa kaniya. Nagpatuloy na rin siya sa paglalakad nang may sumulpot na naman sa harapan niya.
"Ano ba, Ariel! Bakit ba bigla ka na lang sumusulpot? Kabute ka ba?" gulat niyang sambit.
"E kasi naman po, minomonitor kita," agad na sagot ng kaibigan.
"At bakit mo naman ako minomonitor? May sakit ba ako? Tatay ba kita?" pamimilosopo niya naman.
"Because you always break the rules of moving on. Gaya ng rule one point seven. Don't stay in contact with your ex's friends and family." Huminga muna ito nang malalim bago tapusin ang sasabihin, "You may find these rules stupid today, but I know that these stupid rules will help you someday."
Umalis kaagad ang kaibigan niya matapos sabihin iyon at naiwan siyang mag-isa.
Itutuloy...
Ito po ang mga naunang bahagi ng ating kuwento:
Bitter No More: Panimulang Bahagi
Bitter No More: Unang Bahagi
Bitter No More: Ikalawang Bahagi
Bitter No More: Ikatlong Bahagi
Bitter No More: Ikaapat na Bahagi
Bitter No More: Ikalimang Bahagi
Bitter No More: Ikaanim na Bahagi
Araw-araw po ang schedule ko sa pagpo-post ng karugtong ng kwentong ito kaya antabayanan na lang ang susunod na pangyayari bukas. Kung hindi man ako nakapag-post sa isang araw sa kadahilanang abala ako sa mga bagay-bagay, titiyakin ko namang habulin ang bilang ng ipo-post kong bahagi gaya na lang ngayon. Dahil nga hindi ako nakapag-post kahapon, dalawang bahagi ang ipo-post ko ngayon.
At para sa inyong mga komento at kuro-kuro, 'wag mag-atubiling ilagay ito sa comment box sa ibaba. Ako po'y labis na magagalak na mabasa ang komentong magmumula sa inyo. :D
Maraming salamat sa pagbabasa! :)
Narito po ang link sa lahat ng bahagi ng Bitter No More: Thank you!
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Andami ko nang gigil dito ke An An eh. At bakit kay insan may gusto di kuya Ayel? Gusto ko kay An An siya.. hahaha
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Hahahahah. Gusto ko nga rin kay An An mapunta si Ayel e. Kaso hindi raw pwedeng diktahan ang puso mam. heheheheh
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Congratulations! This post has been upvoted by the communal account, @steemph.cebu by jemzem being run at Teenvestors Cebu (Road to Financial Freedom Channel). This service is exclusive to Steemians following the Steemph.cebu trail at Steemauto. Thank you for following Steemph.cebu curation trail!
Don't forget to join Steem PH Discord Server, our Discord Server for Philippines.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit