BITTER NO MORE
Ang nakaraan...
Hindi niya alam kung bakit sa isang iglap ay nagbago ang lahat. Hindi niya alam ang dahilan. Wala man lang pasabi na ito ang mangyayari. Na isang araw ay magigising na lang siyang hawak na ng iba ang lalaking pinakamamahal niya. Na hindi na siya ang dahilan ng mga ngiti nito. Na hindi na siya ang itinitibok ng puso ng dating nobyo.
Masakit. Sobrang sakit na makita niyang masaya ang pinakamamahal niyang lalaki sa piling ng ibang babae.
"Okay ka lang, Anchelle?" usisa ni Alex sa kaniya kaya napatigil siya sa malalim na pag-iisip.
Tumango lang siya bilang sagot at binigyan ito ng pilit na ngiti.
"Kung gusto mong umalis muna sa lugar na ito para hindi mo muna sila makita at hindi ka masaktan, sasamahan kita," nakangiting wika nito sa kaniya.
Umiling-iling naman siya sa kaharap. "No. Okay lang talaga ako."
"I know you're not." Tinitigan siya nito ng seryoso. "Bakit ba kasi hindi na lang ako ang pinili mo?"
Nagulat siya sa sinabi ni Alex. Ngunit pagkaraan ng ilang segundo ay napayuko siya.
Alam niyang hanggang ngayon ay gusto pa rin siya ni Alex. Kahit pa man noong sila pa ni Jade ay pasimple itong nagpaparamdam sa kaniya. Akala nga niya ay tinatraydor nito si Jade dahil kung ano-ano ang pinagbibintang nito sa dati niyang nobyo. Pero nang bigla siyang hiwalayan ni Jade ng walang dahilan ay tila unti-unti na niyang pinaniniwalaan ang mga bintang ni Alex rito.
Naisip niyang baka babaero nga si Jade. Baka totoong pinagsabay siya nito sa maraming babae. Baka nga pinaglalaruan lang siya nito. At baka hindi talaga siya totong minahal nito.
Pero sa kabila ng mga bintang na iyon ay pinipilit niya pa ring isipin na minahal din naman siya ni Jade kahit kaunti. Na hindi sila aabot ng mahigit tatlong taon kung hindi talaga siya minahal nito. Ito ang pinanghahawakan niya ngayon. Kahit anong sabihin ng iba, si Jade lang ang paniniwalaan niya, unless siya mismo ang makasaksi ng mga panloloko nito.
"Guys, tapos na ba kayong kumain? Kasi tutugtog na sina Mike," biglang anunsyo ni Jesa.
Kita sa mga mata ni Jesa ang pagkasabik sa patugtog ng kaisntahan nito kasama ang mga kaibigan.
"Naman! Tayo na, Guys!" agad na tumayo si Mike at nagsitayuan na rin sina Kiko at Alex.
"Tara na, Jade!" yaya ni Kiko sa kaibigan.
Agad namang tumayo si Jade. "Sure!" nakangiting sagot nito.
"Tumutugtog ka rin pala, Babe?" namamanghang tanong naman ng nobya nito.
Napaismid si Anchelle sa narinig. Bigla na lang siyang nairita nang tawagin ng babaeng iyon si Jade sa tawagan nila dati. Nag-init ding bigla ang ulo niya dahil hindi man lang naisipan ni Jade na palitan ang tawagan nila ng bago nitong kasintahan. Gusto niya tuloy sugurin ang babae dahil naiisip niyang siya lang ang may karapatang tumawag sa binata ng 'Babe'. Pero pinigilan niya ang sarili dahil ayaw niyang gumawa ng eskandalo. At kapag nangyari rin iyon ay alam niyang magiging masama ang tingin ni Jade sa kaniya na ayaw niya namang mangyari dahil baka layuan siya nito.
"Hindi ba nasabi ni Kuya sa 'yo?" tanong ni Jesa sa babae.
Umiling-iling lang ito bilang sagot.
"Well, Kuya Jade is the vocalist of their band. Pero pansamantalang tumigil si Kuya sa pagbabanda dahil bumaba ang grades niya at kailangan niyang habulin 'yun," paliwanag ni Jesa sa babae.
"Ah..." tanging reaksyon nito.
"So, are you ready?" sabik na sabik na tanong ni Jesa sa mga tutugtog.
"Very ready, Sweetie!" bulong ni Mike kay Jesa at hinalikan ito sa labi bago tumungo sa harapan para magsimula na sa pagtugtog.
Napukaw ang atensyon ng mga tao nang hinampas ni Kiko ang hawak na drum stick sa drum. Umingay ang paligid at nagsigawan ang mga bisita sa malawak na espasyo sa bakuran nina Jesa.
"We dedicate this song to the birthday celebrant, my sister, Jesa Alvarez! Happy seventeenth birthday, Jesa!" Nakatingin si Jade sa kapatid na walang pagsidlan ang tuwa. Lumingon naman ang binata sa gawi ng nobya at muling nagsalita, "This song is also for my beautiful girlfriend..."
Biglang umaliwalas ang mukha ni Anchelle at napangiti siya dahil sa narinig mula kay Jade. Pero agad napawi ang ngiting iyon nang marinig niya ang kasunod nitong sinabi.
"Ellen, I love you!"
Lalong umingay ang paligid at naghiyawan ang mga tao dahil sa kilig. Ngunit sa gitna ng kasiyahang nagaganap ay ang tila pagtarak ng ilang libong patalim sa kaniyang dibdib. Akala niya na para sa kaniya pa rin ang kantang aawitin ni Jade. Akala niya ay siya lang ang aalayan nito ng kanta sa harap ng maraming tao. Pero mali siya. Nadudurog ang puso niya. Gusto niyang umalis sa lugar na iyon, pero hindi niya maikilos ang sariling katawan.
Nang may dumaang isang waiter at niyaya sila sa dala nitong mga alak at inumin ay agad siyang kumuha ng isang baso ng alak kahit na hindi niya alam kung anong klaseng alak iyon. Wala siyang alam sa mga alak dahil hindi naman siya umiinom.
Nagulat naman si Jesa sa hindi niya pagtanggi sa alak na dala ng waiter. "Kailan ka pa natutong uminom, Ate?" gulat na tanong ni Jesa sa kaniya.
"Ngayon lang," sagot niya sabay lagok ng alak.
Nang malasahan niya ang ininom ay parang gusto niyang maduwal at bigla siyang nagsisi sa pag-inom niyon.
Tumawa naman si Jesa nang makita ang mukha niyang hindi maipinta.
"That's Tequila, Ate," sabi pa nito na natatawa. Kinuha naman nito ang asin at lime na nasa mesa nila. "Lick the salt, down your tequila shot and bite the lime. That's how to drink Tequila," turo naman nito sa kaniya.
"Okay. Thank you for teaching me how to drink this one."
Nginitian niya si Jesa at muli siyang tumungga ng isa pang baso ng Tequila at ginawa ang tinuro ni Jesa. Kahit na natatapangan pa rin siya sa iniinom at gusto niyang maduwal ay uminom pa rin siya nang paulit-ulit. Iyon lang kasi ang alam niyang makapapawi sa sakit na nararamdaman niya. Narinig niya kasi na epektibo ang pag-inom ng alak kapag sawi sa pag-ibig ang isang tao.
Ilang beses pa siyang uminom kasama sina Jesa at ang nobya ni Jade. Pero kahit kaharap niya ang nobya ng dating kasintahan ay hindi naman sila nagpapansinan. Si Jesa lang ang kinakausap niya at ganoon din naman ito.
Ilang kanta rin ang tinugtog nina Jade bago sila tumigil. Nang matapos sila ay nagsimula na rin ang sayawan. Agad namang bumalik sa kanilang mesa sina Jade at ang mga kaibigan nito at umupo sa tabi nila.
"Tara! Sayaw tayo!" yaya ni Mike sa kanila.
Agad na tumayo ang mga kasama niya kaya tatayo na rin sana siya nang bigla siyang sumuka.
Nag-aalalang lumapit ang mga kasama sa kaniya.
"Sorry. Punta na muna ako sa CR saglit," pagpapaalam niya at agad na tumakbo papuntang CR.
Habang tumatakbo siya ay ramdam niya ang tila pag-ikot ng mundo. Nahihilo siya dahil sa dami ng nainom niya kanina. Pero pinilit niya pa ring makapunta ng CR dahil parang bumaliktad ang kaniyang sikmura at sukang-suka na siya.
Nang makapasok na siya sa loob ng CR ay agad niyang inilabas halos lahat ng nakain niya kanina. Halos isubsob na niya ang mukha sa lababo dahil sa walang tigil na pagsuka. Nagsisisi na naman siya sa ginawang pag-inom. Hindi niya alam na ito lang pala ang makukuha niya sa pagpapakalasing. Ang sumuka nang sumuka, mahilo, at sumakit ng sobra ang kaniyang ulo.
Nahimasmasan siya nang kaunti matapos niyang mailabas halos lahat ng nasa tiyan niya. Agad siyang lumabas ng CR at nakayukong naglakad. Hindi siya tumitingin sa dinadaanan kaya may nabunggo siyang tao at natumba silang pareho.
"Anchelle? Ayos ka lang?" tanong ng nabangga niya at agad itong tumayo.
Tinulungan din siya nitong makatayo. Tiningnan niya ang mukha nito at laking gulat niya nang malaman niya kung sino ang nabunggo niya.
"Jade?" pabulong niyang tanong. "I-I'm sorry." Tumayo siya at tinalikuran si Jade. Pero bago pa man siya makalayo sa binata ay pinigilan siya nito.
"Anchelle, you're drunk! Bakit ka uminom?"
Humarap siya sa binata at tinitigan ang mga mata nito. Hindi niya napansing kumawala na pala ang luhang kanina pang gustong bumagsak sa mga mata niya.
"Why are you crying?" nagtatakang tanong ng kaharap niya.
Hindi siya umimik at patuloy lang sa pagtitig sa mukha ni Jade. Matagal niyang hindi natitigan ang pagmumukha nito. Kaya ngayon ay sinulit na niya ang pagkakataong kaharap niya ito.
Nang dumako ang paningin niya sa labi ng binata ay tila may kung anong pwersang tumutulak sa kaniya na halikan ito. At bago pa man niya napigilan ang puwersang iyon ay dumampi na ang labi niya sa labi nito. May kung anong sayang naramdaman ang kaniyang puso nang muling matikman ang matamis na halik ng dating nobyo.
"I still love you, Jade," bulong niya sa pagitan ng paghalik niya sa labi nito.
Hindi nagsalita ang kaharap niya pero tinugon nito ang kaniyang halik. Lalo siyang nakaramdam ng saya dahil sa ginawa nito.
Itutuloy...
Ito po ang mga naunang bahagi ng ating kuwento:
Bitter No More: Panimulang Bahagi
Bitter No More: Unang Bahagi
Bitter No More: Ikalawang Bahagi
Bitter No More: Ikatlong Bahagi
Bitter No More: Ikaapat na Bahagi
Bitter No More: Ikalimang Bahagi
Bitter No More: Ikaanim na Bahagi
Bitter No More: Ikapitong Bahagi
Bitter No More: Ikawalong Bahagi
Araw-araw po ang schedule ko sa pagpo-post ng karugtong ng kwentong ito kaya antabayanan na lang ang susunod na pangyayari bukas. Kung hindi man ako nakapag-post sa isang araw sa kadahilanang abala ako sa mga bagay-bagay, titiyakin ko namang habulin ang bilang ng ipo-post kong bahagi gaya na lang ngayon. Dahil nga hindi ako nakapag-post kahapon, dalawang bahagi ang ipo-post ko ngayon.
At para sa inyong mga komento at kuro-kuro, 'wag mag-atubiling ilagay ito sa comment box sa ibaba. Ako po'y labis na magagalak na mabasa ang komentong magmumula sa inyo. :D
Maraming salamat sa pagbabasa! :)
Narito po ang link sa lahat ng bahagi ng Bitter No More: Thank you!
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Congratulations! This post has been upvoted by the communal account, @steemph.cebu by jemzem being run at Teenvestors Cebu (Road to Financial Freedom Channel). This service is exclusive to Steemians following the Steemph.cebu trail at Steemauto. Thank you for following Steemph.cebu curation trail!
Don't forget to join Steem PH Discord Server, our Discord Server for Philippines.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit