Literaturang Filipino: Ang mahiwagang kubo ni Ginoong Aso

in literaturang-filipino •  7 years ago 

tmg-facebook_social.jpg

Isang araw, may isang maliit na pusa na ang pangalan ay Minggoy. Naiinip siya kanyang tahanan kaya lumabas siya para maghanap ng kalaro. Subalit sa kanyang paglabas ay wala siyang makitang mga bata na naglalaro sa labas. Sa paglalakad niya ay nakita niya si Ginoong Aso na nakabantay lang sa kanyang kubo. Ang ginawa ni Minggoy ay lumapit siya at nakipagusap ni Ginoong Aso.

"Ginoong Aso bakit hindi po kayo halos namamasyal?
At palagi lang po kayo nagbabantay
sa iyong kubo."
Ang sabi ni Minggoy.

"May tinatago po akong mahiwagang
kagamitan sa loob ng kubo na ito."
Sabi ng Ginoong Aso.

"Ahhh ganun po ba? Hmm pwede po ba
akong makapasok sa loob?"
Sabi ni Minggoy
Na papasok na sa kubo.

"Teka lang! Hindi ka pwedeng makapasok dyan.
Kailangan mo pang magtapos ng elementarya na
may karangalang valedictorian."
Sabi ni Ginoong Aso.

"Sige po, uuwi na po ako at mag-aaral ako ng mabuti para
makapasok ako sa kubo."
Sabi ni Minggoy

At nang nakauwi na si Minggoy sa kanila ay kumuha agad siya ng libro at sinimulan na ang pag-aaral. Nakalipas na ang ilang taon ay napagtapos niya ang elementarya na may karangalan na valedictorian. Pagkatapos ng seremonya ay nagpaalam siya sa kanyang mga magulang na pupunta siya sa kubo ni Ginoong Aso.

Nang nakarating na si Minggoy sa kubo ay papasok na sana siya pero pinigilan siya ni Ginoong Aso dahil di pa raw sapat ang karangalan na tanggap niya. Ngunit binigyan siya ng panibagong pagsubok ni Ginoong aso. Dapat makapagapos siya ng High School na may karangalang valedictorian. Tinanggap ni Minggoy ang pagsubok.

Nakalipas ang apat na taon ay napagtapos na naman ni Minggoy ang High School na may kasamang valedictorian na parangal. Pumunta ulit siya sa Kubo pero di pa rin sapat dahil may pagsubok na naman.

"Mag-aral ka ng kolehiyo, humanap ng mabuting kaibigan,
magtapos ng Suma Cum laude at mangunguna ka sa
Licensure board exam."
Sabi ni Ginoong Aso.

Nang natapos ni Minggoy ang kolehiyo pero di niya nagawa ang ma suma o kahit cum laude lang ay nabawi naman niya sa licensure board exam sa kursong mehanical engineering at siya pa ang nangunguna. PERO di pa rin sapat ang parangal na iyon. Binigyan siya ng panghuling pagsubok.

"Dapat may maganda kang asawa,
mga anak at trabaho."
Sabi ni Ginoong Aso.

Sa wakas natapos na rin ni Minggoy ang panghuling pagsubok. Kaya naningil na siya sa kasuduan nila ni Ginoong Aso. Nang nakapasok na siya sa mahiwagang kubo ay na dismaya siya dahil walang laman ito.

"Bakit walang laman ang kubo!?
Akala ko mayroong kayamanan o kakaiba sa loob.
Napa ikot mo ako sa higit dalawang dekada!?"
Sabi ni Minggoy.

"Minggoy, ang kayamanan mong nakuha sa kubo na ito ay
Ang buhay na meron ka ngayon."
Ang sabi ni Ginoong Aso na nakangiti lang.

"Oo nga, di ko na pala napansin hahaha
maraming salamat sa iyong SIMPLENG mahiwagang kubo."
Sabi ni Minggoy

Maraming salamat po sa oras na ibinigay niyo para basahin ito. Please Upvote and follow me on steemit @jenel

GOD BLESS STEEMIANS 😉

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

This post has received a 1.26 % upvote from @booster thanks to: @jenel.

Thank you @booster