Nagbibigay ng pagsusulit si G. Bert sa kanyang mga mag-aaral na kumukuha ng kursong Medical Technology sa isang paaralan sa Davao. Tahimik ang buong silid dahil abala sila sa pagsagot ng mga tanong. Pero si Mika ay hindi mapakali dahil naiihi na siya kaya kinuha niya ang atensyon ni G. Bert.
"Sir pwede ho bang lumabas? Mag C-CR lang ho ako." wika ni Mika.
"O sige pero bumalik ka kaagad. Kung kailan ba naman kasi nagsisimula na ang pagsusulit tyaka ka pa maiihi."
"Sir pasensya na ho talaga. Babalik ho ako agad."
"O siya sige umalis ka na."
Matapos pinayagan ng guro ay dali-dali niyang tinahak ang daan papunta sa palikuran ng kanilang unibersidad. Nang nakarating sa paroroonan, naghintay pa si Mika dahil may naunang babae sa kanya. Lumipas ang sampung minuto ngunit hindi pa rin lumalabas ang babae kaya naisipan ni Mika na katukin na lang ang pinto. Hindi pa man niya tuluyang nailapat ang kanyang mga kamay sa pinto ay napansin niyang hindi naman pala ito nakasara kaya tinulak nya pero laking pagtataka nya ng mapansing wala naman talagang tao sa loob. May halong pagtataka man ay ipinagsawalang bahala na lamang nya yon dahil parang puputok na ang kanyang pantog dahil ihing-ihi na siya.
Nasa kalagitnaan pa lamang siya ng kanyang pag-ihi nang may narinig siyang nagsasalita.
"Miageru! Miageru!" boses ng isang babae ang kanyang naririnig na paulit-ulit lang ang sinasabi. Nang lumabas na siya ay napansin nyang wala namang tao pero may nagsasalita pa ring babae. Tumakbo na lang si Mika dahil may mga kailangan pa pala siyang sagutan at higit na mas takot siya sa kanilang guro.
Malayo pa lang ay kitang-kita niya na ang guro niyang nakatayo sa may pintuan na inip na inip at nang makalapit na siya,
"Miss Mika, ilang dram ba ng tubig ang inihi mo at inabot ka nang halos labimpitong minuto?"
"Sir ganito po kasi yung nangyari ......" Ikinwento niya sa guro ang mga pangyayari kaya siya natagalan.
"Mika, hindi ka ba nakakaintindi ng Nihonggo?" tanong ni G. Bert.
"Hindi po sir."
"Buti na lang pala. Ang miageru kasi ay salitang hapon na ang ibig sabihin ay tumingin ka sa taas."
Parang nanlamig ang buong katawan ni Mika matapos marinig yon. Hindi nya alam kung ano ang maaaring makita nya sa taas ng CR.
"Mika, pumasok ka na. Bukas ka na lang mag-exam dahil patapos na rin naman ang oras."
Pumasok na siya sa kanilang silid-aralan pero bakas pa rin sa kanyang mukha ang naghalo-halong emosyon. Parang lutang at nakatitig lang sa kawalan.
Dati palang paaralan ng mga haponesa ang kinatitirikan ng kanilang unibersidad noong kasagsagan nang pamumuno ng mga dayuhang hapon at hindi lang si Mika ang nakaranas nang ganitong mga pangyayari kundi maging ang kanilang guro rin. Magbuhat noon hindi na pumupunta si Mika sa palikuran ng walang kasama.
Ang istoryang ito ay hango sa totoong pangyayari ngunit naisipan kong ibahin ang mga pangalan ng karakter sa kwento dahil trip ko lang hehe.
Kababalaghan nga pala ang tema ngyon... medjo nagulat ako dun sa pic haha. Ang cool ng eksena sa kuwento - pang horror talaga.
Pero sa konteksto parang mas swak ata ang 上を見る o "ue o miru", kaysa sa "miageru". Ang nauna ang ibig sabihin ay "look upwards" o "look above". Samantalang ang "miageru" ay "look up" sa konteksto na literal or metaphorical na tingalain ang isang tao.
Random lang :D I studied some Japanese before pero not 100% sure din about this ^.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Hindi rin ako sure sa term na "Miageru" @jazzhero ehh... Mukhang tama ka parang mas angkop atang gamitin ang "ue o miru" pero bahala na si Batman hehehe ...
Salamat sa pagbisita, first entry ko to sa paggawa ng maikling kwento na may temang sinusunod kaya mejo nangangapa pa... :)
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
nangyari din po iyang ganyang eksena dito sa isang paaralan sa Rizal.
May isang madreng assistant sa isang eskewelahan. Siya ay pandak at sa kagustuhan niyang tumangkad ay lumaklak siya ng growth pills. Na-overdose siya sa gamot at kanyang ikinasawi. Dalawampung taon na ang nakalipas, may mag-aaral na gumamit ng c.r. ng girls. Habang nakaupo siya sa inidoro, may nakita siyang mga paa na nakasuot ng sapatos at mahabang puting damit na halos umabot na sa laylayan nito. Pagtingala naman niya sa itaas, nakapatong ang ulo ng madre sa tuktok ng pintuan ng cubicle at ang mga kamay nito ay halos maabot na siya. 👻👻👻
awoooh! ngiyaw! awoooh!
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Pwedeng gawing entry na yang comment mo @johnpd ...
Iba talaga pag lodi hehe
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
nyak! nakwento ko lang po ung nangyari dito sa amin @jennybeans nyahaha! 😄
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Sis takot akets. Hahaha. Hindi ako sasali. Nyahahaha. Gusto ko katatawanan at kajologans lang. Nyahahaha
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Sis, try to explore makakagawa ka rin... Hahaha... Pero mas madali nga namang gumawa ng puro ka jologan lang at pang eechos hahahaha
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Hahaha. Ayaw ko ng mga kababalaghan. Hahaha. Kayo na lang muna.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Pwede cguro cyang maging bagong kaibigan. Gusto ko yang mga misteryong ganyan, sis :D
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Sis sali ka.. Gawa ka rin ng kwento... 😊😊😊
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Paranga familiar sa akin ang kwentong ito. Ang ganda ng pagkagawa.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Thanks te
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Natakot ako ayun lang wala nang paliwanag masyado ang dami na nilang nasabi. Ayawan na @jennybeans
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Salamat Toto @tagalogtrail effective pala ang nagawa kong kwento
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
TAKOT AKO!
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
mukhang nakkatakot sis waaa
buka sko na basahin lols gabi na dito waa
good job sis! pak na pak! so happy for you!
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit