Nais ko po namang ibahagi ang tema ngayon na karangalan. Ako po ay lubos na nagpapasalamat at nagwagi ako sa kauna-unahang pagsali ko sa maikling kwento noong nakaraang linggo na ang tema ay pag-ibig.
Noong mga nakaraang taon ng aking pag-aaral ay marami akong natanggap na parangal dahil sa aking pagsisikap at determinasyon sa pag-aaral. Ngayon ay isang panibagong hamon naman ang aking kahaharapin bago ko makamit ang inaasahan kong parangal. Ilang buwan pa ang aking susuongin para makamit ko muli ang aking inaasam na makuha. Bago ko pa man makukuha iyon ay may mga pagsubok pa na dapat kong malagpasan. Sa pagsisimula ng pasukan ay nangako na talaga ako sa sarili ko na magpupursige ako sa aking pag-aaral. Naging inspirasyon ko ang aking mga magulang sa aking pag-aaral. Kung saan-saan man sila kumukuha para lamang isupporta sa aking pag-aaral. Dahil sa naging sitawasyon ko ay mas minabuti ko pa ang aking pag-aaral. Minsan tinitipid ko pa ang aking baon para lamang maggamit ko sa mga magkakasabay na proyekto. Ginawa ko iyon para lamang sa aking pag-aaral.
Nasa kalahati pa lamang ng semester ay lalo na akong nahihirapan. Minsan ay napa-isip ako ng negatibo at nawawalan na akong kumpiyansa sa sarili ko na para bang napapagod na ako. Hanggang sa kalaunan ay nawala na rin ito dahil na rin sa natuto akong labanan iyon. Kapag ako ay nahihirapan ay nagpapatulong ako sa mga dati kong kaklase. Handa naman silang tumulong kaso abala rin sila sa kani-kanilang pag-aaral. Mabuti na lamang ay may isang kaklase na handa siyang tumulong at ganun din ako. Itago na lang natin siya sa pangalang Jaja. Si Jaja ang pinakamatalinong kaklase ko dati. Nagpapalitan kami ng ideya at nagtutulungan sa aming mga leksyon. Kagaya na lamang sa akin na kapag hindi ko naiintindihan ang aralin namin sa calculus. Bilang kapalit ay tinuturuan ko rin siya sa chemistry kapag may hindi siya nauunawaan. Masaya na rin ako kasi may kaagapay ako kapag kailangan ko ng tulong kapag may nahihirapan akong asignatura.
Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by jerylmae from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, theprophet0, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.
If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Congratulations! This post has been upvoted by the communal account, @steemph.cebu by jerylmaeada being run at Teenvestors Cebu (Road to Financial Freedom Channel). This service is exclusive to Steemians following the Steemph.cebu trail at Steemauto. Thank you for following Steemph.cebu curation trail!
Don't forget to join Steem PH Discord Server, our Discord Server for Philippines.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit