Literaturang Filipino: Panloloko Sa Aking Pag-Ibig

in literaturang-filipino •  7 years ago 



"Dahan-dahan lang kasi. Masakit beh."
"Ginusto ko to at isusubo ko na."
"Sana di na lang pinasok para walang aray."

Nasabi ko na lang sa sarili ko para maka-move on ako pero kahit anong pilit, andito pa rin ako bihag ng mga masasakit na kahapon.

Napatulo na lang ang aking luha habang ako'y nakahiga sa aking kama. Nagsisisi sa mga naging desisyon ko at sa mga taong pinapasok ko sa buhay na di rin naglaon, iniwan lang ako at winasak ang marupok kong puso. Masarap umibig. Totoo. Pero hindi ko naisip ang kaakibat na sakit na dala nito dahil natakpan ito ng kaligayahan noong tayo'y andyan pa sa isa't isa. Teka lang, may tayo ba?

Naalala ko pa noon ang mga mala-kendi mong mga teks na sa pagtulog ko, dala-dala ko ang mga matatamis na mga ngiti. Ang mga pagsasabi ng "Mahal kita" sa isa't isa na parang kinukuryente ang buong kaluluwa ko dahil di pa ako nakadama ng ganito noon. At sa t'wing kasama kita, parang walang mapagsidlan ang aking lubos na kagalakan. Mahal kita. Oo, mahal na mahal natin ang isa't isa higit pa sa kaibigan. Teka, may tayo na ba 'nun?

Dumating ang araw, buwan, at taon, Ganoon lang tayo. Noong una, kontento ako sa kung anong meron tayo at sa ating mga "I love you" pero teka, wala pa palang "tayo". Kaya isang araw naglakas loob na akong tanungin ka para naman magkaliwanagan na kung anong meron sa ating dalawa. May tiwala ako sa sarili ko kasi alam ko naman ang sagot. Tinanong kita. Sumagot ka at nakabatid ako ng isang pakiramdam na pamilyar sa akin noon: pakiramdam na parang may isang barkong hinagis na si Hulk dito sa puso ko. Oo, Ay, hindi. "Hindi pwedeng maging tayo," sabi mo.

Nakapag-review naman ako at hindi ako pwedeng magkamali. Binasa ko ng paulit-ulit ang mga pinaguusapan natin, iyong teks mo at hinanap ko ang pangyayaring hindi pwedeng maging tayo tulad ng naging kasagutan mo. Pero lahat ng nakita ko ay hindi kayang suportahan ang ibinigay mong sakit sa'kin ngayon. Pilit ko pang kinilatis ang pangyayari dahil baka mali lang ang pagkakaintindi ko pero wala na akong makita pang ibang sagot na makakagamot sa hinagpis na iyong dulot.

Gusto kitang tanungin ulit at ginawa ko pero walang nagbago sa tugon mo. Tinanong kita kung bakit, pero wala kang maipaliwanag na ibinibigay na mas maliwanag pa sa sagot mo na "BASTA". Teka, wala talagang tayo.

Saan ba ako nagkulang? O sumobra lang talaga ang aking katangahan? Minahal mo ba talaga ako o gusto mo lang ng taong mag-aaruga sa'yo? Totoo ba ang sinabi mo o sinabi mo lang 'yun para di kita iwan? Ang dami kong tanong pero di ko alam ang sagot. O di kaya'y alam ko ang sagot pero di ko lang tanggap ang totoo: ang katotohanan sa kwento nating dalawa, ako lang talaga mag-isa. Gusto kong magmura pero mahal pa rin kita.

Ito na naman ako, nakahiga sa'king kama. Niloloko ang sarili na naka-move on na.


Magandang araw sa inyong lahat, ako po ay natutuwa na merong patimpalak na ganito. Hindi ko lubos maisip na sa katagang pag-ibig ay nakabuo ako ng ganito. Salamat sa paanyaya.


Photo Credits above: Photo 1

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Congratulations! This post has been upvoted by the communal account, @steemph.cebu by jerylmaeada being run at Teenvestors Cebu (Road to Financial Freedom Channel). This service is exclusive to Steemians following the Steemph.cebu trail at Steemauto. Thank you for following Steemph.cebu curation trail!

Don't forget to join Steem PH Discord Server, our Discord Server for Philippines.