Magandang Araw sa lahat kaSteemians! Ito po ay isang sanaysay tungkol sa aking pananaw dahil University student council election na dito sa Pilipinas. Sana ay magustuhan ninyo ang sanaysay na ito at maraming salamat. God Bless!
xoxo,
jeryl
HALALAN 2018: KASAMA NGA BA?
Ang paaralan ang unang lugar kung saan inihahanda ang mga estudyante sa buhay at sa pagiging mamamayan. Ang halalan sa kolehiyo ay isa sa malaking pangyayari sa isang taon. Nagkakaroon ang mga estudyante na tumakbo sa isang posisyon at ihayag ang kanilang mga plataporma. Nabibigyan rin ng panahon ang mga mag-aaral na mamili sa kung sino ang sa tingin nila ay karapat-dapat sa posisyon. Ang isang student council ay hindi lamang nalilimita sa apat na sulok ng kanilang opisina at taga-organisa ng mga event bagkos ginagampanan nito ang napakalaking bahagi ng pagiging lider sa paaralan. Ang student council ang representasyon ng mga estudyante, hindi ito one sided o may kinikilingan sapagkat ang isang tunay at may malasakit na student council ay hindi tuta ng administrasyon.
Sa nakaraang halalan sa ating pamantasan MSU-IIT, nakita at nakilala ang iba’t ibang estudyanteng tumakbo at nagpapili. Kanya-kanyang propaganda at plataporma ang kanilang inihahain na maaaring patok at makabago sa mga estudyante. Isang suliranin na madalas makita sa isang paaralan ay ang pagiging “pagkawalang-paki ng mga estudyante”. Sa mahigit anim na libong estudnate ng pamantasan ay dalawang libo lamang ang naglaan ng oras at panahon upang bumoto. Nawawalan na ng paki ang mga estudyante na pumili dahil ang tingin nito sa mga kandidato ay pare-pareho lamang at walang lakas upang tumindig.
Madalas nagiging daan ang pagiging popular o mga “traditional politicians” upang manalo ngunit, marapat lang na umalpas ang konseho tungo sa pagiging tagapagtaguyod ng collective effort in championing the students ang people’s agenda. Dapat sumandig sa sama-samang pagkilos. Mahalaga din naman ang petition writing, manifesto at dialogue, pero hindi ito kailan man naging major at matibay na paraan sa laban ng mamamayan at estudyante, kailangang magtiwala sa lakas ng kapwa estudyante.
Wala ng paki ang mga estudyante sa plataporma ng bawat party dahil alam nilang hindi din naman ito maipatutupad. Hindi pinipili ang mga lider base sa kanilang awards o credentials na natamo bagkos dapat ito ang tagapamandila ng mga isyu at kampanya ng mga estudyante dahil pangalawang trabaho lamang nito ang pag-oorganisa ng mga programa at aktibidad tulad ng palakasan at marami pang iba. Handa itong lumaban dahil mahalaga at dapat may kaakibat na aktwal na aksyon at tugon ang bawat isyu at hamon, hindi dapat neutral ang isang lider sa mga bagay-bagay at isyu sa pamantasan at bayan dahil ang isang magaling at malakas na lider ay may paninindigan.
Ngayon at kailan man, kailangan ng mga lider na estudyante na maka-estudyante at kayang magsilbi sa bayan. Kailangang mas maawa sa mga estudyanteng biktima ng pahirap na polisiya. Pagkatapos ng halalan isa lamang ang nais ng bawat mag-aaral, ang makamit ang tunay na pagbabago sa unibersidad. Anong tipong pagbabago ang ipinaglalaban? At ano ang ginawa upang baguhin ang maling sistema? Maraming sumisigaw ng “pagababago” pero hindi lahat ng pagbabago ay nakabubuti.
Congratulations! This post has been upvoted by the communal account, @steemph.cebu by jerylmaeada being run at Teenvestors Cebu (Road to Financial Freedom Channel). This service is exclusive to Steemians following the Steemph.cebu trail at Steemauto. Thank you for following Steemph.cebu curation trail!
Don't forget to join Steem PH Discord Server, our Discord Server for Philippines.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit