HINDI AKO MAPAPAGOD NA IBIGIN KA❤️💪🏽

in literaturang-filipino •  7 years ago 

image
Noong una palang na nakilala kita alam ko na ikaw na yung babaeng ihaharap ko sa altar at habang buhay kong mamahalin at pagsisilbihan, inaamin ko na hindi ako yung ideal guy na pwede mo ipagmalaki ng sobra, dahil kulang ako sa effort na gaya ng ibang relasyon na punong puno ng mga surpresa sa isa’t-isa. Pero ganon pa man mahal sana ipanatag mo lagi ang loob mo na hindi porke’t bihira kitang magawan ng efforts ay hindi ka na mahalaga, dahil mahal kita ng higit pa sa sarili ko kaya naman lahat ng bagay na gustuhin mo binibigay ko at pinipilit ko abutin, makita lang lagi yung ngiti dyan sa labi mo😉
image
Ikaw na nga siguro yung babaeng napaka hirap mahalin, kase pag magkasama tayo o magkausap masaya ka sa umpisa, nakikipagsabayan ka pa nga sa mga trip ko, ang lambing lambing mo pa, tapos biglang maya maya bigla ka nalang sisimangot at di mo ko papansinin, bigla ka nalang tatahimik sa isang tabi tapos pag nilapitan kita at tinanong kung ano problema, lagi mong sagot WALA! Wow talaga?! Wala? HAHAHA kaya pala yung muka mo simangot na simangot at yung pinaka nakakabaliw na part e yung lalambingin nalang kita at magsosorry kahit na di ko alam dahilan ng pagtataray mo! Pero magagalit ka padin at may kasama pa na sagot “ANLA! AKO’Y HINDI NATUTUWA” diba? Nakaka tanga? HAHAHAHA😂 kahit na yung pinaka matalinong tao sa mundo ma-bobobo nalang talaga e😆 ngunit kahit ganon pa man mahal, walang pagsuko akong nararamdaman kase kahit na ilang beses ka pa topakin masaya padin akong lalambingin ka kahit na minsan muka na kong tanga😂🤣
image
Aminado din naman ako mahal na minsan napupuno ako pag nagtatalo tayo, kung anu-ano nasasabi naten sa isa’t-isa at may times pa nga na konting pag uusap lang at di pagkakaintindihan ay nauuwi sa sobrang pag babangayan at away, patawarin mo ko mahal kung minsan hindi ko na mapigilan sarili ko na makipagsabayan pa sa galit mo😗 sana mahal kahit na lagi tayong di nagkaka-unawaan at kahit na magka-iba ang pananaw at gusto sa buha mahalin padin naten ang isa’t- isa dahil ikaw at ako lang ang meron tayo, maaabot pa natin yung mga pinapangarap natin para sa ating dalawa.👌🏼🤘🏽IPINAPANGAKO KO LAGI SAYO MAHAL NA HINDI AKO MAPAPAGOD IBIGIN AT MAHALIN KA, HINDI AKO SUSUKO SA PAG-INTINDI LAGI SAYO! Dahil mahal kita sobra nang higit pa sa sarili ko😽😻
image
At isa pa, tatlong taon mahigit na tayong magkasama at alam ko na alam mo na hindi natin kaya mabuhay na wala ang isa’t-isa😄😘 MAHAL NA MAHAL NA MAHAL kita aking sinta.❤️
Thank you for dropping by!
@surpassinggoogle has been a wonderful person and please support him as a witness by voting him athttps://steemit.com/~witnesses and type in "steemgigs" at the first search box.
If you want to give him witness voting decisions on your behalf, visit https://steemit.com/~witnessesagain and type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Wow parang open-letter lang ito para sa iyong sinisinta. Patatag po kayo 😍 💑

Oo haha, maraming salamat 😁

Ang galing naman.

Salamat din pala sa pag upvotes.
jezrael de guzman pala name ko sa messenger. Magtulungan po tayo

Ang galing naman.

Salamat din pala sa pag upvotes.
jezrael de guzman pala name ko sa messenger. Magtulungan po tayo

😷😭

😷😭

Awee... Ang sweet naman. :) Ganyan talaga mga babae eh. LOL :D Natatawa ako. Ganyan din ako paminsan tapos yung boyfriend ko, di pa ako maintindihan kasi iba yung culture nila ehh.. Kapag nagtatampo ako, nagagalit pa kasi di niya daw alam kung bakit. whahaha. Yan din ang maganda sa mga Pilino talaga. Malambing. <3 Congrats sa inyong dalawa. Congrats for finding each other. Keep on loving! <3 <3 <3